CHAPTER 33

65 3 0
                                    

CHAPTER 33

PARTY

(THIRD PERSON'S POV)

Nag-paalam si Edward kay Evelyn ng makita itong nakatulog na. He immidiately wore the things na nasa box.

Kabadong-kabado siya hanggang makalabas ng bahay agad siyang isinakay nina Warren sa loob ng sasakyan. Apat lang sila na nasa kotse.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ni Edward na nagpunas ng pawis dahil sa kaba paglabas ng bahay.

"Basta bro enjoy ito!" Agad naman silang tumigil sa harap ng isang bar. Kumunot ang noo ni Edward at ayaw pa nitong lumabas kung hindi lamang ito hinila nina Warren.

Magkakasama sila Warren, Melvin at Aivan para isagawa ang plinanong Stag Party.

Pagpasok sa loob dumiretso sila sa ikalawang palapag kung saan sila lamang ang umookupa. Kinuha nila ang isang sash at isinuot ito kay Edward.

"Yow! Mr. Groom wag kang Kill Joy ha ito na ang huling araw mo na binata ka. Isipin mo pre na wala kang asawa ganoon din kami iisipin namin na wala kami girlfriend" wala ng nagawa si Edward at bumuntong hininga na lang sa sinabi ni Melvin.

Nagsimulang dumami ang inumin at pagkai sa table nila. May karaoke din doon at maliit na stage.

"Para simulan ang Party na ito syempre bro kailangan natin ng mga mensahe" ani Melvin na siyang nasa harapan at naging MC ng kanilang party.

"Pre ako muna ha. Handa ka ng tissue pre nakakaiyak ito" ani Melvin agad naman siyang binata ng tatlo ng mga pulutan na tumatawang inilagan niya.

"Pre ito na nahanap mo na si The One akala ko hindi mo na siya makikita kasi mapili ka sabi mo gusto no yung almost perfect na babae na parang anghel kaso Pre dumating si Evelyn eh" nagkunwari itong humihikbi agad naman binato ng tatlo uli ito ng pulutan.

"Hindi seryoso na pre. Akala namin mauuna akong magpakasal at magkapamilya pero wala eh pre inunahan mo ako eh" agad naman binato ni Edward uli ng pulutan si Melvin.

"Parang kasalan ko pa" ani Edward natawa naman si Melvin at sumeryoso na.

"Pre wag mong sasaktan si Evelyn at iiwan. Sana tuparin mo lahat ng ipapangako mo bukas sa dambana. Wala na akong hihilingin pa kundi kasiyahan niyo. Maging masigla at malusog sana ang pamilya mo Pre. Maloko man ako Pre pero hangad ko talaga kaligayahan mo wag mong hahayaan na masira ang pagmamahal mo kay Evelyn. Congrats pre" at lumuluha itong yumakap sa kaibigan.

"Ang drama mo pre" ani Warren na siyang naging dahilan ng tawanan nila.

"Ako naman Dude congrats for getting such a wonderful girl to be your wife" seryosong sabi ni Warren.

"Pre hindi ka luluha ng tubig dito duduguin ka wag ingles bro mahina ito" binatukan naman agad ni Edward si Melvin.

"Take care of your family Dude. I wish all the happiness in your married life. Kung mag-aaway man ikaw na pre ang mag-sorry ibaba mo na ang pride mo. Congrats ulit" at nagyakapan naman ang dalawa tumaggi naman na magsalita si Aivan dahil daw sa dadrama lang ang gabi.

"Pre syempre may dala kaming regalo para sa iyo diba dapat lahat E ang simula since ang mapapangasawa mo ay nagsisimula sa letter E. May regalo din kami na personal namin gustong ibigay" tumango naman si Edwar sa sinabi ni Melvin naglabasan na sila ng regalo.

Unang binuksan ni Edward ang regalo ni Aivan. Isang Electric Beard Shaver iyon tinignan naman niya ang lalake.

 Isang Electric Beard Shaver iyon tinignan naman niya ang lalake

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DREADFUL SERIES #3: PHATOSWhere stories live. Discover now