one hundred ten

737 62 196
                                    

LISA

- 🙈 -

"Okay.. the meeting is over. You can go out for now. Goodluck sa inyong lahat lahat bukas." dinig kong sambit ng SC Adviser tsaka feeling ko lumabas na siya. Dahil yung mga iba naming mga kasama dito ay umalis na. Ang tagal tagal at kanina pa kami nandito. Tsaka nababagot din syempre 'no.. eh ang daming pinagsasabi eh alam naman namin yun eh. >.<

Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan ko naman sina Jennie unnie. Mukhang nabobored na din sila.

"Tagal 'non. Akalain mo niyo? Nagutom ako." naiinip na sambit ni Jisoo unnie pero natawa nalang kami dito. Tsaka pati din si Kyungsoo oppa.

"Ikaw talaga." sabi ko sa kanya.

"Yan ka na naman." Rosè.

"Eh totoo naman kasi." Jisoo unnie na napapakamot sa ulo niya.

"Kung ganon tara na.. baka naghihintay na yung tatlo doon." natatawang sambit ni Kyungsoo oppa at napatango naman kami doon. Tsaka na kami lumabas dito at sabay naman kami na papabalik sa room.

"Nga pala hoy Lisa. Baka pati pag-uwi, di mo pa din nabibigay samin yung damit ha." natatawang sambit ni Jennie unnie.

Natawa naman ako, "Ano ba kayo. Oo nga, ngayon ko na yun ibibigay. Excited lang?" natatawa kong tanong sa kanila.

"Oo!"

"Tsaka excited na akong makita uli si Kuya mo. Talaga bang pupunta na siya dito sa R.H.U.?" naeexcite na tanong ni Jisoo unnie.

"Eh yun daw sabi eh. Baka oo. Pupunta talaga yun dito." natatawa kong sambit ko sa kanila.

"Kasing bait mo lang ba yung kuya mo, Lisa?" natatawang tanong ni Kyungsoo oppa sa akin at natawa naman sina Rosè dito. Grabe ha.

"Nako oo! Mabait yun si Kuya Tao 'no. Akala niyo lang seryoso yun, pero hindi ah.. marunong yun makisama." sabi ni Jennie unnie.

"Oo nga. Di yun parehas kay Ate Jihyo na masungit 'no." Jisoo unnie.

"Ha? Eh hindi naman masungit si Ate kina Kyungsoo oppa ah. Sa mga ibang boys lang kaya." Rosè.

"Ahh, ganon pala." napapatango na sambit ni Kyungsoo oppa.

"Tsaka oppa.. siraulo din yun." natatawang sambit ko sa kanya sa dahilan na napatawa sila dito.

"Grabe ka naman." Kyungsoo oppa.

"Kaya nga nagmana ka sa kanya kasi siraulo ka din." natatawang sambit ni Jisoo unnie at napailing nalang ako.

"Hindi kaya!" angal ko at natawa lang naman sila.

"Oh nandyan na pala kayo!"

Napaharap naman kami sa sumigaw at nakita namin si Chanyeol oppa, Kai oppa at Suho oppa na papalapit sa amin dito.

"Hi!" bati naming lahat sa kanila nung nakalapit na sila sa amin.

"Ang tagal niyo naman." parang nagrereklamong sambit ni Chanyeol oppa.

Napapakamot naman sa ulo si Jennie unnie, "Oo nga. Aba malay namin sa SC Adviser doon, tanungin mo." natatawang sambit niya.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon