end

239 9 15
                                    

LISA

Kakagising ko lang ngayong umaga at tinignan ko naman kung anong oras na, 4:46 P.M. pa lang naman. Ewan ko kung bakit ang aga kong nagising. Friday pala ngayon.

Tumayo naman ako at bumaba ako papuntang kusina namin para uminom ng tubig. Pero pagkarating ko doon, nakita ko na kaagad si Ate Jihyo na nandoon. Nakabihis na nga at mukhang nagmamadali siya.

"Good morning, ate." bati ko sa kanya at bigla naman siyang napatingin sa akin. Mukhang nabigla pa nga.. pero ningitian niya ako.

"Good morning din, Lisa. Gising ka na pala." nakangiting sambit niya sa akin.

Tumango ako, "Opo nga ate, hindi ko nga din alam." natatawang sambit ko at uminom ako ng tubig. Pagkatapos, tinanong ko siya, "Nga pala ate, bakit nakabihis ka na kaagad? Aga-aga pa masyado."

Huminga siya ng malalim, "Yun nga eh, kailangan maaga daw kami sa school. May importante kasing practice. So, mauuna muna ako sa'yo. Okay lang ba sa'yo?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako, "Okay lang sa akin, ate. Tsaka kaya ko naman mag-isa mamaya eh. Isa pa, maaga pa masyado para sumabay ako sa'yo." natatawang sambit ko sa kanya. Pero Friday ngayon and vacant day.. may gagawin pa sila?

Pagkatapos niyang inayos yung baon niya, "Sige Lisa, mauna na ako sa'yo. Magkita nalang tayong dalawa sa school mamaya." nakangiting sambit niya sa akin.

"Okay ate. Ingat ka." nakangiting paalala ko sa kanya.

"Salamat, ikaw din mamaya. Bye na." sabi niya at kumaway-kaway lang naman ako sa kanya. Sinamahan ko siyang lumabas sa bahay at ipinagmasdan ko siyang lumalakad palayo sa aming bahay. Sinara ko nalang yung pintuan namin at bumalik ako sa kwarto ko. Mamaya na ako mag-ayos. Maaaga pa lang naman.

Kinuha ko naman yung phone ko. Agad nalang ako napangiti nung nakita ko si Sehun sa phone ko. Siya wallpaper ko eh. Shet, gwapo. Ang sobrang saya mabuhay kapag siya kaagad bubungad sayo.

Tinignan ko kung online siya. Napabusangot naman ako nung nakita kong hindi. Siguro, tulog pa siya. Okay lang, chachat ko nalang siya. :>

-

Oh Sehun
on mobile

Lisa:
sehun good
morningggg! :)

Lisa:
hoy gising
naaaaaa!

Lisa:
tulog ka pa
siguro 'noooo?

Lisa:
i miss
youuu 😘

Lisa:
excited na akong
makita ka mamaya
hshsisidisidisikdis

Lisa:
sorry ha chinat kita
sa ganitong oras, gusto
ko lang na ichat ka

Lisa:
talagang tulog
pa oh :(

Lisa:
see you later
sehun daddyq
charot HAHAHA

Lisa:
i love you ❤
delivered.

Lisa:
kelan mo ba ako
liligawan? hshshshshs
| deleted.

Lisa:
lAM MO BANG
JOWANG-JOWA NA
AKO | deleted.

Lisa:
char hihintayin
kita huehue | deleted.

Lisa:
love can wait :> | deleted.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon