one hundred one

673 46 160
                                    


Kai POV

-🎍-

[ time check : 8:18 P.M. ]

"Grabe lang kanina mga dre 'no? Putangina pagkapasok pa lang na pagkapasok pa lang natin ng campus eh agad naman nagsigawan ang mga babae." kwento ni Kyungsoo hyung.

"Kaya nga hyung eh, kilala talaga tayo dito." sagot ko naman.

"Tsaka ang gwapo ko lang talaga." Chanyeol hyung kaya binato naman namin siya ng unan dito.

"Ulol mo Yeol!" agad na react ni Suho hyung.

"Ayos lang kanina 'no? May di ako nakalimutan." sambit ni Kyungsoo hyung na napatango tango pa.

"Ano naman iyon?" tanong ko.

"Yung pagsalo kanina ni Sehun kay Lisa sa audi." sagot niya at nagsi-apiran naman kaming apat doon.

Wengya lang 'nung kanina. Di ako makapaniwala. Naiisip namin na ayaw talaga ni bro si Lisa. Tsaka akala namin hahayaan niya lang na maslide si Lisa sa sahig. Pero punyeta, sinalo niya pa kanina. Tapos yung titigan pa nila kanina, grabe. Ang tagal. Pinagmasdan ko 'yung si Sehun kanina, tangina lang grabe makatitig kay Lisa. Hate niya, pero parang pakiramdam ko, nagagandahan ata siya kay Lisa. Leche lang yung sigawan ng mga babae kanina sa Audi. HAHAHAHA.

"Hala oo nga 'no. Tulala lang kanina si Lisa eh 'no." Suho hyung.

"Syempre, nagulat din siya na sinalo siya ng ultimate crush niya. HAHAHAHA!" sagot kong natatawa.

"Oo nga, grabe lang sila makatitig sa isa't isa ano?" Kyungsoo hyung

"Oo nga eh." Chanyeol oppa. "Pero sa tingin niyo, ba't kaya sinalo ni Sehun si Lisa?"

Napakamot naman ako sa ulo ko, "Mag-isip ka naman dre. Kung hahayaan lang yun ni bro na mabagsak sa sahig si Lisa, edi mauuna yung ulo niya na mababagsak sa sahig at i'm sure na sobrang lakas ng impact yung pagkabagsak niya edi masakit sa kanya yun!" sagot ko sa kanya at agad naman natawa sina Suho hyung tsaka kumunot lang naman noo ni Chanyeol hyung.

"Gago! Alam ko!" eh yun naman pala alam niya eh, tsk. "Mean ko. Oo, sinalo niya nga. Pwede namang itayo niya na bigla diba si Lisa diba? Pero dre nakita niyo? Tinitigan niya ng matagal si Lisa. As in, ang tagal. Parang may ibigsabihin talaga siya."

Napapansin ko nga din yun eh.

"Hm, baka naman nagandahan lang kay Lisa eh diba?" Kyungsoo hyung.

"Hmm, pwede din!" sambit ko.

"Oo nga 'no?!" Suho hyung.

"Grabe lang makatitig kanina yung lalaki na yun eh." natatawang sambit ni Kyungsoo hyung. "Parang wala lang sa kanya na grabe na yung tilian ng mga babae dahil sa ginawa ng lalaki na yun."

"Oo nga, nagandahan lang kay Lisa eh. Tinatago lang." sambit naman ni Chanyeol.

"Tsaka kagago lang kanina ni Chanyeol, sinabi pang may nililigawan si Sehun. Natahimik tuloy siya." Suho hyung.

Oo nga, parang nalungkot lang siya bigla nung sinabi ni Chanyeol hyung na may nililigawan na pala si Sehun.

"Oo, natahimik tuloy yung tao kanina. Kingina mo naman kasi Yeol hyung!" pasigaw na sambit ko kay Chanyeol hyung.

"Ano na naman ba? Mas maganda na malaman niya na agad kesa malungkot siya sa huli na malalaman niya nalang na may nililigawan si Sehun!" angal naman ni Hyung at napatango tango naman kami.

"Tsaka yung shared post niya, para kay Sehun ata yun." Suho hyung.

"Kay Sehun talaga. Kay sino pa ba?" Kyungsoo hyung.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon