special chapter five: jihyo

163 6 4
                                    

JIHYO

Nandito ako sa school ngayon para magpasa ng late assignment ko. Sabado ngayon at dahil open naman lagi yung school, ngayon ko nalang pinasa dahil tapos naman ako.

Nagmamadali lang naman ako dito na bumaba. Tsaka nagulat ako kasi biglang may nakabanggaan akong lalaki. Sa kasamaang palad, napahiga ako sa sahig sa sobrang lakas ng impact nung pagkabangga namin sa isa't isa.

Napatingin naman ako sa lalaking nakabanggaan na nasa ibabaw ko ngayon. Tsaka nakatingin din siya. Teka.. kilala ko siya. Yung bakla.

Si Daniel Kang.. a.k.a, Dalandaniel.

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon napapatitig ako sa kanya. Tsaka bakit parang nakakaramdam ako ng nakakaiba. Ngayon ko lang yun naramdaman.. sa lalaki.

Hindi, nabigla lang talaga ako sa nangyari!

Nakita ko namang dali-dali siyang tumayo at bumalik din ako sa katinuan, kaya napatayo nalang din ako. Napatingin kami uli sa isa't isa at parang walang magsasalita sa amin. Teka, bakit hindi kaya ako nakaramdam ng inis sa kanya?

Bakla naman siya.

"Sorry Jihyo. Hindi ko sinasadya yun." sabi ni Daniel na inaayos ang sarili niya.. na parang babae. Galawang babae na talaga siya ngayon.

Ningitian ko naman siya, "Ayos lang sa akin yun. Sorry din. Nagmamadali din kasi ako." sabi ko sa kanya.

Ningitian niya naman ako, "Okay lang. Alam ko naman na hindi mo sinasadya eh." sabi niya sa akin. I don't know, when he just smiled to me.. I feel soft.

Sayang, gwapo sana.. kaso bakla.

"Jihyo, are you okay?" tanong niya sa akin sa dahilan na napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Ano ba kasing pinag-iisip ko ngayon?! Erase yun! Kalimutan niyo na yun! Wala akong sinabing ganon!

Mabilis naman akong napatango, "Oo naman. Ayos lang ako. Ano ka ba." natatawang sambit ko sa kanya.

"Mabuti naman yun. Sige, mauna na ako sa'yo, Jihyo. Sorry ulit." sabi niya sa akin.

"Sige, ingat ka."

"Salamat, ingat ka din." nakangiting sambit niya sa akin.

Sa sinabi niyang iyon, parang bigla akong natigilan at parang natulala lang ako sa kanya habang ngumingiti ko siya. Tapos napansin ko nalang pala na lumayo na siya sa akin. Ngayon ko lang din napansin na parang lutang ako nung nakakausap ko siya.

Huminga ako ng malalim at sinampal ko ng mahina yung sarili ko, "Ano ba, Jihyo? Bakit ang pahiya mo sa kanya kanina? Nakakahiya ka!" naiinis kong sambit sa sarili ko.

Pero bakit nga simula nung nagkabanggaan kami ni Daniel, nakaramdam ako ng feelings na ganon? Hindi ko masabi kung ano. Basta, ngayon ko lang naramdaman. Basta parang biglang natutulala, natitigilan at parang iba yung ramdam ng puso ko kanina.

Napailing lang naman ako, "Hindi ka lang talaga sanay na nababangga ng tao, Jihyo." sambit ko sa sarili ko.

Bakit ganon? Iba epekto ng bakla sa akin?

Huminga lang ako ng malalim dito, bakit ko nga ba iniisip yung aksidente kanina? Tsk! "Hays. Makapag-uwi nalang nga sa bahay." sabi ko sa sarili ko at pinatuloy ko na ang paglalakad palabas sa R.H.U.

Pero habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan na isipin na naman si Daniel. Bakit ba laging pumapasok sa isip ko yung bakla na yun? Parang nagkabanggaan lang naman kami kanina ah!

Pero gusto ko lang sabihin na si Daniel yung naiibang bakla sa mga bakla. Kasi? Kahit bakla siya, galawang babae, hindi siya maarte. Siya lang yung kilala kong bakla na simple lang at walang arte sa katawan. Hindi tulad ng iba.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon