one hundred thirty five

276 8 1
                                    

LISA

Bago namin ihatid si Kuya Tao sa airport, binisita muna namin si Mama. Gusto din naman namin siyang bisitahin. Isa pa, minsan lang napupuntahan ni Kuya dito si Mama. Sa totoo lang, excused kami sa classes namin dahil nga ihahatid namin si Kuya Tao. Buti naman pinagbigyan kami ng mga professors namin.

"Hi mama, ako 'to.. si Tao." sabi ni Kuya Tao habang nakangiti at nilagay niya yung bulaklak sa puntod niya, "Ma, sobrang miss na miss na kita. Lagi naman." sabi niya at pagkatapos nu'n, napangiti nalang kami ni Ate Jihyo nung naramdaman naming humangin ng malakas.

Natawa naman ng mahina si Kuya Tao, "Miss mo din ako ma 'no?" nakangiting tanong niya. "Yun nga ma, uuwi naman ako sa Quezon, syempre.. mag-aaral na naman ako doon. Tutupadin ko yung pangarap mo na.. makakapagtapos ako sa pag-aaral at aalagaan ko yung mga kapatid ko."

Napangiti naman kaming dalawa doon ni ate Jihyo.

"Oo nga ma, syempre kami din ni Lisa. Pangako namin yun sa'yo nung maliliit pa lang kami." nakangiting sambit ni Ate Jihyo.

Tumango naman ako, "Opo ma, tandaan mo na lagi ka namin inaalala." nakangiting sambit ko sa kanya.

"Tsaka ma, alam mo naman yata na in love na yung bunso natin na si Lisa. Di'ba ma? Ang unfair nun? Naunahan kami ni Jihyo?" natatawang sambit niya.

Natawa naman ako nang dahil doon, "Ma naman eh. Baka tinatawanan mo ako ngayon. Pero sabi mo nga noon ma, pag mainlove ako sa isang tao, hahayaan ko lang dahil naramdaman ko na yun?" sabi ko at ngumiti ako, "Kaya yun ma, nagmamahal na ako sa taong nagpapasaya sa'kin, kay Sehun." dagdag ko.

"Gusto ko nga ma, sila na eh. Kaso hindi pa nanliligaw si Sehun kay Lisa." natatawang sambit ni Kuya Tao.

"Yes nga ma eh, sa ngayon excited na kami ni Kuya para sa kanilang dalawa." nakangiting sambit ni Ate Jihyo. Natawa nalang ako ng tuluyan sa mga pinagsasabi nila.

"Baka ako ma, next time ako magkalove life." natatawang sambit ni Kuya Tao.

Napaharap naman kami ni Kuya Tao kung ano ang masasabi ni Ate Jihyo.. pero ngumiti lang naman siya at huminga ng malalim, "Ma.. hindi ko alam, hindi talaga ako interesado." sabi niya at natawa lang naman kami ni Kuya Tao doon.

"Nako ma, wag ka diyan maniwala.. kaya ganyan yan kasi hindi niya pa naranasan mainlove sa isang tao." Kuya Tao.

Tumango naman ako, "Oo nga ma eh, ako nga din noon. Crush nga.. napunta sa love." natatawang sambit ko.

"Okay, pero hindi naman natin mapepredict yung buhay ko. But.. let's just wait if what God plans to my life." nakangiting sambit ni Ate Jihyo at napatango lang naman kami doon ni Kuya Tao.

Madami pa kaming sinabi kay Mama dahil nag-eenjoy pa kami. Humahangin pa nga dito. Dumating din yung time na magpapaalam na kami kay Mama.

"Paalam na ma, aalis na po kami. We miss you always." nakangiting sambit ni Kuya Tao. "I promise na babalik ako dito ulit." dagdag niya.

"Bye Ma. We love you." nakangiting paalam namin kay Mama.

Lumabas naman kaming tatlo doon. Tsaka sumakay naman kami doon sa van. Papunta na din kami sa airport dahil ihahatid na namin si Kuya Tao doon.

- - -

Airport...

"Kuya.. mag-ingat ka doon sa Quezon ha. Chat-chat nalang tayo." sabi sa kanya ni Ate Jihyo.

"Lalong-lalo na kayo. Mag-ingat kayo dito ni Lisa. Wag niyong papabayaan ang sarili niyo at tawagan niyo lang ako kapag may kailangan kayo o problema." sabi niya sa akin.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon