one hundred thirty three

313 13 13
                                    

LISA

Unting-unti kong binuksan ang mata ko at sobrang hilo na hilo ako. Pero agad akong nagtaka nung nakita kong nasa ibang bahay ako. Mukhang mamayanin na bahay. Teka, nasaan ba ako? Bakit nandito ako?

Nung umupo ako, lalo lang akong nahilo. Nararamdaman kong parang nasusuka ako. Kaya dali-dali akong pumasok sa restroom at nagsimula na akong nagsuka. Ang sarap ng pakiramdam ko.

Ano bang nangyari sa'kin? Hindi ko talaga maalala.

Huminga na ako ng malalim nung tapos na akong sumuka. Shete, ang dami kong sinuka. Nandiri pa ako sa sarili kong suka. Pero binuhusan ko nalang yun.

Tapos tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Barilin niyo nalang ako. Dahil ang sobrang gulo ko. Tapos ngayon ko lang napansin na amoy alak ako. Sinubukan ko nalang aalahanin yung nangyari sa akin kagabi.

"Gagong Sehun naman kasi, ang lakas-lakas sa akin! Mahal ko pa din yowwwwwn! Tawngina pero napapagowd din akow! Nasasaktan diwn ako! Yung gusto ko lang naman.. masaya ako sa kanya! At mahal niya akow!"

"Pero anooowww?! Nasasaktan ako sa kanya Hyunjen! Yung masaklap, hindi akow yung mahal niya! Kundi yung dinosaur na Joo Hyun na yun!"

Napahawak lang naman ako sa bibig ko nung naalala ko yun. Tangina naglasing ako.. kagabi?! Nakakahiya naman dahil nakita pa akong ganun ni Hyunjin.

"Pero wala akong naaalala pa. Pero.. bakit ako nandito? May tao ba dito?" tanong ko sa sarili ko.

Huminga nalang ako ng malalim at inayos ko nalang yung sarili ko dito, "Makaalis nalang nga dito." sabi ko at lumabas na ako sa restroom.

Pero tamang-tama na paglakabas ko sa restroom, nanlaki naman kaagad ang mata ko nung sakto pumasok si Sehun dito. Bumilis naman kaagad ang puso ko nung nakita ko siya.

Tangina, anong ginagawa niya dito?

"Sehun?" nagtataka kong tanong ko sa kanya. "Paano ako nakapunta dito?"

"Hyunjin told me you're drunk. Ako ang tinawag niya dahil ayaw mong makinig sa kanya. Kaya pinunta muna kita dito sa hotel." he answered at natulala lang naman ako sa kanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at nabigla lang naman ako nung hinila niya ako paupo sa kama. Nagtataka lang naman ako sa ginagawa niya. Pero tinititigan niya lang naman ako ng seryoso. Kaya mas lalo lang bumibilis yung tibok ng puso ko.

"Wala kang maalala?" tanong niya sa akin.

Umiling ako, "Wala.. ano bang nangyari? Basta ang alam ko.. lasing ako. Yun lang." sagot ko sa kanya. Tapos nakita kong bigla siyang natahimik. Bigla naman akong kinabahan nang dahil doon.

"So.. hindi mo maalala." he whispered.

"Wala. Lasing na lasing ako. May ginawa ba akong kabaliwan kagabi? Sabihin mo nga sa akin." sabi ko sa kanya.

"Wala kang may ginawang kabaliwan. Pero may nalaman ako." sagot niyang seryoso sa akin. Anong nalaman niya? Pashnea.

Legit, kinakabahan ako. Baka may pinagsasabi pa akong hindi maganda sa kanya. Tangina naman kasi bakit pa ako naglasing.

"A-anong nalaman mo?" shet ayan na! Nauutal na ako. Tangina naman neto.

"Ikaw yung pala nagchat sa akin lagi noon, Lisa Park." sagot niya sa akin sa dahilan na nagulat ako. Mas lalo akong kinakabahan.

Ayoko naaaaaa! Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko nalang umalis dito. Nakakahiya naman dahil noon tinanggi ko pa yun nung nagtanong siya sa akin. Nagsinungaling pa ako sa kanya.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon