ninety seven

504 50 27
                                    

Lisa POV

-🎈-

[ time check : 8:03 P.M. ]

Agad naman kami bumaba sa kotse ni Jisoo unnie ng pinark niya na ang kanyang kotse. Yes, nakarating na kami dito sa GStar Mall. Pinayagan din ako ni Ate Jihyo basta wag lang kami masyadong magtagal at magpagabi. Tapos mag-iingat daw kami eh baka daw mayroong mangyayari sa amin na masama. lUh, syadong OA ni sizzz.

Pumasok na kami agad sa mall. Tamang tama lang na ako na nagsuot ako ng long jacket kasi malamig talaga lalo sa mall lalo na kapag gabi.

"Bago tayo bumili ng materials ko, kain muna tayo!" Jisoo unnie. "Gutom ako!"

Nagkatinginan naman kaming tatlo dito nina Rosè at Jennie unnie. Tsaka naman kami nagtawanan. Kahit kailan talaga to si Jisoo unnie ah.

"Hay nako! Sige sige! Saan ba gusto mo?" Jennie unnie

"Hmmmm," Jisoo unnie. "Sa Greenwich nalang. Gusto ko magpizza at maglasagna eh!" natatawa niyang sagot.

"Sige tara tara!" aya namin sa kanya at papunta naman kami doon sa Greenwich.

Pagkarating namin agad doon, umorder na kami agad doon ng lasagna at pizza. Pagkatapos, naghanap naman kami ng table na mauupuan namin. Tsaka naman kami kumain lang ng kumain. Medyo nagutom din ako.

"Eh ba't di ka sumama kina mommy mo sa business meeting?" tanong ni Rosè habang sumusubo ng pizza.

"Ayaw ko! Baka maabutan sila hanggang alas dose. Ano naman gagawin ko doon?!" angal niya. "Pero basta, alam nila na andito ako sa mall at kasama ko kayo." nakangiti niyang sambit.

"Ahhh ganon," Jennie unnie. "Pero sabi mo kanina, ba't ka pa bibili ng calligraphy pens at sketch pad eh diba marami ka na non?"

Natawa naman si Jisoo unnie habang ngumunguya ng pizza, "Ah oo. Naibigay ko na kasi sa pinsan ko yung mga dati nang gamit ko. Dahil gusto niya kaya binigay ko nalang. So, yun.. bibili nalang ako mamaya." sambit niya. "So, samahan niyo ako mamaya ah?"

"Oo naman, alangan naman ikaw lang mag-isa mamaya. Inaya mo pa kami!" natatawa kong sambit.

"Ikaw talaga!" Jisoo unnie. "Malay mo, may mga bagong release na mga pens dibaaaa?"

"Ikaw bahala pag gusto mong bilhin." Rosè.

"Hayyyyy," Jennie unnie. "Ang ganda talaga ng bracelet natin oh. Never ko talaga 'tong iwawala sa akin." na napatingin sa kanyang bracelet na nakakabit sa kanyang kamay, yung binili namin.

Napatango naman kaming lahat, at napatingin nalang din ako sa bracelet na nasa kamay ko ngayon. Ang ganda talaga ng bracelet na binili namin! Gandang pumili ni Jennie unnie eh!

"Sana naman sinusuot yun ngayon ni Chen oppa 'no?" Jisoo unnie.

"Nako oo naman 'no!" proud kong sambit. "Oo naman, tayo pa. Malakas kaya tayo sa kanya!" nakangiti kong sagot at nagsitanguan lang naman sila dito at napangiti.

Hanggang sa matapos na kaming kumain, nagpahinga lang muna kami ng madalian. Pagkatapos, lumabas naman kami sa Greenwich at papapunta naman kami sa third floor, sa school stuffs. Para nga bumili nung sinasabi ni Jisoo unnie. Habang papapunta naman kami doon, nag-uusap lang naman kami.

"Nomination na bukas!" Jennie unnie.

"Oo nga eeehh! Excited ako mga bes!" Jisoo unnie.

"Ako din!" Rosè.

"Excited na akong manominate!" sagot ko at nagtawanan lang naman sila. Aba, totoo naman ah. Excited ako manominate sa muse!

"Tsaka hoy," Rosè. "Makikilala na natin yung sinasabi nilang.. new classmates natin." sambit niya at napatango naman kaming lahat. Hmmm, may naisip na naman ako.

crush | hunlisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon