GABI na ng marating ko ang condo. Nagpalipas ako ng napakahabang oras sa isang parke sa malapit. Gusto ko lang kasing mapag-isa at makapag isip. Nakampante din naman akong walang mangyayaring masama sa akin dahil dama ko ang ilang tauhan ni Lola na nakabantay sa akin. Alam ko na halos ang aura nila dahil mura kinder hanggang makapagtapos ako ng kolehiyo ay may nakabuntot sa akin na mga tauhan ng hindi namamalayan ng nasa paligid ko.

Pagpasok ko pa lamang ng condo ay tumambad na sa akin si Whynter na tila may masakit na pinagdaanan dahil sa itsura niya. Madilimang paligid, magulong buhok, gusot na damit at amoy alak sa paligid.

"Lei....."

"Don't dare talk to me," pagpigil ko sa nais nitong sabihin.

"Please understand-"

"Bullshit! You're so fucking bullshit!" Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kahit pa ilang ulit kong ipaalala sa sarili ko na nagdadalang-tao ako.

"Baby....."

"Umaasa ako na magpapaliwanag ka, but all you want is for me to fucking understand everything! MULA NOON, PAG-INTINDI LANG ANG PWEDE KONG GAWIN, MULA NOON PAG-INTINDI NALANG ANG GUSTO MONG IBIGAY KO! Don't I deserve the explanation? Mukha ba akong mahirip umintindi!?" Hindi ko na maawat ang galit na nararamdaman ko.

"I can't explain everything right now, just please....."

"Tell that to the fucking marines! I'm so full of these. Nakakasawa. Papaano ako tatagal sa relasyon na ganito? Nagtitiwala ako sa'yo pero sobra na Whynter, sobra na 'yong pagtatago niyo sa akin. You're making a fool out of me. Do I look like a dummy? Do I look like someone na walang magagawa!?" Walang patid na saad ko dito. "And you Aeickel, step out of that fucking curtain bago ko sunugin ang condo na 'to!"

You read it right, naramdaman kong nandito si Aei. Hindi nga ako nagkamali nang lumabas siya mula sa kurtinang pinagtataguan niya na may dalang napakadilim na aura. Matatalim ang tingin na ipinukol niya kay Whynter.

"The two of you are making a fool out of me, huh? Bakit? Bobo ba 'ko? Hindi niyo kayang sabihin sa'kin ang sitwasyon?" Puno ng sarkastikong wika ko sa kanila.

"Don't think like that. You knew that I'm doing these things to keep you safe-"

"The hell with your security! Sana ako nalang ang nabaril! Sana ako nalang! Kaysa ibang tao ang nahihirapan ngayon dahil sa'kin! Sana ako na lang-" Hindi ko natapos ang nais kong sabihin dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko.

"Aeickel!" Nag-aalalang sigaw ni Whynter.

"You don't know what you are saying," kalmado ngunit mapanganib na wika niya sa akin. Hindi mo kababakasan ng pagsisisi ang ginawa niyang pagsampal sa akin, bagkus ay tila sinasabi niya na dapat ay matauhan ako.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon