Fifteen

28.2K 951 61
                                    

A/N: Sa sobrang tagal kong nawala, bonus na lang 'yong haba nito. Pero freezies, READ AT YOUR OWN RISK. Matagal akong nawala kaya nabobo na 'ko. HAHAHAHAHAHA!

--

Leickel's P.O.V


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko habang lulan ako ng sasakyan ni Whynter. Nakakaramdam ako ng takot at hindi mapiliwanag na emosyon.


Sobrang tahimik niya, ang hirap basahin na iniisip at nararamdaman niya. Hidni ko din alam kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya kanina.

"I'll punish you real hard, baby! I promise you, it will be so fucking hard, and this time it will be so fucking real, and you will be so fucking awake!"


Sa bilis ng pagmamanehong ginawa niya halos hindi ko namalayan na narating na namin ang isang building ng mga condominiums. Mabilis siyang lumabas nang hindi man lamang nagsasalita at pabagsak niya pang isinara ang pinto. Akala ko ay iiwan niya na ako dito sa ssasakyan ngunit biglang bumukas ang pinto sa gilid ko. Sumalubong sa akin ang gwapo niyang mukha na nababalutan ng napakadilim na aura.


"Labas," punong puno ng otoridad ang boses niya na nagbigay ng panlalamig sa buo kong pagkatao.


"Whynter-"


"Stop, Lei. Baba!" sa pagsigaw niyang iyon ay tila ako binuhusan ng malamig na tubig at mabilis na bumaba ng sasakyan.


Hindi niya ko hawak ngunit para akong aninong nakayuko na nakasunod sa mismong dinadaanan niya. Mahaba ang binabagtas naming mga hagdanan. Gusto niya yata talaga akong parusahan, ni hindi man lang niya naisip na mag elevator nalang kami dahil sa panghihina ko.


"Saan mo ba ako dadalhin!?" nauubos na din ang pasensya na wika ko sa kanya.


Humarap siya sa akin. Nandoon pa din ang mga mata niya na hindi mabasa dahil sa sobrang dilim. "Just please don't talk. I'm trying to compose myself here, Lei."


"Ang gusto ko lang naman malaman saan mo ko dadalhin, dahil pagod na ko at sumasama ang pakiramdam ko-" hindi ko na natapos ang dapat sana'y sasabihin ko dahil bigla na lamang siyang nakalapit sa akin at binuhat ako na tila bagong kasal.


Tinitigan ko siya. Ang kaninang madidilim na mata ay napalitan ng malalamlam na tingin. Ang kaninang matang punong puno ng galit, ay naging matang punong puno ng pagmamahal.


Bigla na lamang niyang isiniksik ang ulo niya sa leeg ko nang mapansin niyang nakatitig ako sa mata niya. "I'm sorry, Baby. I'm sorry. Kinakain ako ng selos."


Ang kaninang mukha lang na nakasubsob sa leeg ko ay napalitan ng labi na nagkikintal lamang ng maliliit na halik. "Whynter- Shit!" halos mabaliw ako ng bahagya niyang sipsipin ang leeg ko.


"Baby, I'm sorry hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, dahil sobrang pagpipigil na ang ginaw ko kagabi," saka na nito sinakop ang mga labi ko. Uhaw at tila sabik na sabik.


Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam bakit napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung anong mahika ang ginawa niya. Basta ngayon ay nakahiga ako sa isang napakalawak na kama habang siya naman ay nasa ibabaw ko at mataman akong pinagmamasdan.


Mabilis kong iniwas sa kanya ang mata ko dahil hindi ko na nga alam kung ano bang nangyayari, ngunit mabilis din niyang hinawakan ang baba ko at ipinihit ang ulo ko upang magtamang muli ang mga mata namin.


"Look at me, Baby. I have something to confess," tila ay nahipnotismo nanaman ako ng nagsusumamo niyang mga mata.


"W-What?"

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now