Twenty-two

24.2K 827 81
                                    

Leickel's P.O.V

Galit? Pagkamuhi? Sakit? Ilan lamang iyan sa mga nararamdaman ko sa ngayon.

Nakaupo ako ngayon sa waiting room ng ospital habang nakasubsob sa hita ko si Hannah na nakatulog na kakaiyak. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Sobrang nasasaktan ako para sa kanya. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Nanay Lita.

Hindi ko alam kung nasaan na si Whynter ngayon. Huli ko siyang nakita na nagmamadaling mawala sa paningin ko sa loob ng mall kasabay ng pagdating ng ambulansya.

Naramdaman ko ang munting paggalaw ni Hannah kasabay ng paglabas ng doktor mula sa emergency room. Dahan dahan kong inangat ang ulo ni Hannah at isinandal ito sa upuan saka ako tumayo at lumapit sa doktor.

"Doc, kamusta po si Nanay Lita?" Puno ng pag-aalalang tanong ko.

"Hindi ko masasabi na mabuti na ang kalagayan niya, but I can asure you that she's no longer in danger. Mabuti na lamang at mukhang hindi magaling ang gun man, o nagkamali ito dahil wala itong tinamaan na kahit anong organ. Hindi lang mabuti ang lagay ng pasyente dahil may altapresyon ito na nakasagabal sa ginawa naming operasyon," masusing pagpapaliwanag sa akin ng doktor.

"Maraming salamat po."

"Mauna na ako. Maya-maya ay ililipat na namin siya sa isang pribadong silid," pagpapaalam nito na ikinangiti at ikinatango ko na lamang.

Mahigit nasa apat na oras na siguro akong nakabantay dito sa ospital. Katabi ko si Hannah na kasalukuyang kumakain at si Nanay Lita na payapang nakahiga. Nagpapasalamat ako na maayos na ang lagay niya at hindi na muling umatake ang kanyang altapresyon.

"Ate," pukaw ni Hannah sa atensyon ko. "Alam ko po anong iniisip mo," sabay nagpunas siya ng bibig at nilunok ang kanyang nginuyang pagkain. "Huwag mong isipin ate na kasalanan mo, kasi hindi naman natin lahat gusto po itong nangyari kay Nanay, 'di ba? Alam kong mahal mo si Nanay, pero ayaw ko naman na sisisihin mo 'yong sarili mo lalo na at wala naman may kasalanan nito kung hindi iyong nagpaputok ng baril," mahaba niyang turan sa akin.

Hindi Hannah. Hindi mo alam kung bakit sinisisi ko ang sarili ko. Alam ko, alam na alam ko na dahil sa akin ang nangyari kay Nanay Lita. Napakasakit para sakin noon, ngunit hindi ko maaaring sabihin sa'yo ito ngayon.

"Kumain ka na ng kumain dyan. Papunta na dito ang ate Avrein ko, siya muna ang magbabantay sa inyo ni Nanay. Uuwi muna ako para magpalit at asikasuhin ang nangyari," pagpapaalam ko dito.

"Sige po ate. Basta promise mo po na magiging okay ka lang ha," wika nito na tanging ngiti at tango lamang ang tinugon ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si ate Avrein at nakipagpalit na ako dito. Mabuti na lamang at hindi na ito nag-usisa, o baka mas tamang sabihin na mayroon na siguro itong alam.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя