Seven

35.6K 1.1K 163
                                    

Leickel's P.O.V

Inalalayan niya akong makapasok sa hotel suite ko. Sinabi ko naman kasing kaya ko pero wala talaga siyang tiwala sa akin. Wala daw siyang tiwala lalo na kung dinaig ko pa daw ang ramp model sa pag ekis ekis ng lakad ko.

"Kaya ko nga kasi! Kita mo pati pagsasalita ko okay naman e!" pamimilit ko sa kanya habang papalapit kami sa kama.

"Such a naughty girl. A real naughty girl, baby. Sinabi ko ng huwag kang gaanong uminom, napaka tigas ng ulo!" kahit pa sabihin na naiinis siya, kababakasan mo pa din naman ng lambing ang bawat salita niya.

"Eh hindi naman tayo kasi nag uusap kaya't pinagtuunan ko ng pansin 'yong alak! Alangan naman makipag kwentuhan ako sa baso, 'di ba?" sarkastiko kong sagot.

Tuluyan niya na akong naihiga sa kama ngunit inangkla ko sa leeg niya ang mga kamay ko kaya't para siyang nakapatong sa akin ngunit nakatukod naman ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko.

"You don't get me, do you? Gusto lang kasi talaga kitang pagmasdan. Side view, back view, front view, and name any view, basta ikaw ang view willing kong titigan. I just can't get enough of you, baby. I can't get enough of your eyes, nose, lips. Damn! I can't get enough of your angelic face," he confessed as he plant a tiny kiss on my forehead.

"Sana kasi sinabi mo, e 'di sana dito nalang tayo sa hotel at nagtitigan? Napaaway ka pa tuloy," nakanguso kong sagot dito.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko at kinurot ang ilong ko. "It's your fault, baby. Bakit naman kasi sumayaw ka noong nag cr ako?"

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko lang gustong magsayaw ng katawan ko-" kusa akong napahinto sa sinasabi ko dahil parang iba ang interpretasyon ko sa sinabi ko. Napapano ba 'ko!?

Bigla siyang tumawa ng malakas kaya't lalong napahaba ang nguso ko. Bawal ba magkamali? Sus!

"You never failed to make me laugh, baby." sabi niya pa.

Sa inis ko sa pang aasar niya tumayo ako kahit na mahilo hilo pa ako at pasuray suray na naglakad.

"Where are you going-"

"Tse!" tanging isinagot ko sa kanya. Tumuloy ako sa lababo at uminom ng tubig. Para naman bumaba ang alak sa pantog ko. Nag stay kasi sa ulo e.

Naramdaman ko ang pagsunod niya at biglang pagyakap sa bewang ko. "Babyloves, can I ask you a question?"

"Hmmm?" sagot ko habang hawak pa din ang baso at nakatalikod sa kanya.

"Why did you lied about your true identity?" bahagya akong natuod sa sinabi niya ngunit mabilis din naman nakahuma.

"Because I thought, you weren't serious about asking it the second time we met. I thought that, that time would be the last time we'll see each other, but I was wrong. Totally wrong. You kept on showing in front of me whenever and wherever you wanted," I answered as I turn my body to face him. He then placed his both hands on the sink while his body leaned on mine.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now