Eighteen

25.8K 861 56
                                    

Leickel's P.O.V

"Ate Lei!" napalingon ako sa boses na iyon.

"Bakit Hannah?" tanong ko rito.

"Ate sabi po ni Nanay mamaya niyo na daw po ituloy 'yang paghahabi, kumain na muna daw po tayo," sagot naman nito.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan kong upuang tumba tumba at agad sinundan si Hannah patungo sa kusina.

Nabungaran ko si Nanay Lita na naghahapag ng pagkain sa lamesa. "Oh anak mabuti naman at agad kang naawat ngayon sa paghahabi, maupo ka na."

Mabilis lang akong tumalima at sinunod si Nanay. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang titigan si Nanay Lita, kaya't napatingin din ito sa akin. "Kung anu-ano nanaman ang iniisip mo anak. Sa halos dalawang buwan mong pamamalagi dito ay halos makabisado na kita. Kumain ka na ng kumain dyan," nakangiti nitong wika kahit na wala pa akong sinasabi.

"Nanay naman e. Iniisip ko lang na napaka swerte ko dahil kayo ni Hannah ang nakatagpo sa akin at hindi masamang tao," sagot ko naman sa kanya ng nakangiti.

"Sa pamamalagi mo dito siguro anak, pang isang daang beses mo na 'yang sinabi."

"Oo nga naman ate. Para kang others dyan. Tsaka parang bayad din naman 'yong pagtira mo dito dahil ayaw mong nakikihatisa kita patahian kahit naman isa ka sa pinaka maraming manahi," sabat naman ni Hannah na nakangiti din sa kin.

Sobrang swerte ko sa mga taong nakatagpo sa akin. Magdadalawang buwan na buhat nang mangyari ang senaryong iyon, ang araw na iniwan ko siya, ang araw na tinanggihan ko ang alok niyang kasal.

Nang araw na iyon ay nagpakalayo layo ako at nilango ang sarili ko sa alak. Hindi ko alam saan ako dinala ng mga paa ko nang araw na iyon. Ang huling naaalala ko ay pinanawan ako ng ulirat sa kahabaan ng highway at pagmulat ng mga mata ko ay nasa bahay na ako nila Nanay Lita. Kahit kailan hindi nila ako inusisa. Inalam lang nila ang pangalan ko at hindi inalam kung bakit ba nila ako natagpuan sa ganoon estado.

Tinuruan nila akong maghabi ng mga damit at kung anu-ano pa na siya palang kabuhayan nila. Nabuhay ako ng matiwasay dito at walang iniisip na kahit anong problema. Wala akong paramdam sa kahit na kanino sa pamilya ko. Kahit na sa kanya ay hindi din ako nakibalita. Ayoko ng kahit anong kaugnayan sa kanila. Hindi ko magawang ayusin ang sarili ko, kaya't paano ko sila haharapin.

Matapos naming kumain ay nagligpit ako at si Hannah naman ang siyang naghugas ng mga pinggan. Para akong nakakuha ng nakakabatang kapatid kay Hannah, madalas ay may pagkapilya ngunit napakabait na bata. Kinse anyos pa lamang siya.


"Ate, nakita mo po ba 'yong bungkos ng bulaklak sa terrace kanina?"

Kunot noong humarap ako sa kanya, "Bulaklak?"

"Opo ate. Iniwan po siguro ni kuya Tyler doon 'yon para sa inyo."

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz