Six

32K 1.1K 61
                                    

Leickel's P.O.V

Nakaupo ako ngayon sa dulo ng kama ng kwartong kinaroroonan ko. Nasa isa kaming hindi kalakihang hotel. Luckily, may two suites pa na available kaya't naroon si Ice sa kabilang room.

Naka ayos na ako at hinihintay ko nalang na kumatok siya dito sa silid ko. Napag usapan kasi namin na magbabar kaming dalawa ng 9pm.

Honestly, nawiwirdohan ako sa sarili ko. Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay ko, pero ito ako at nakikisunod lang sa agos. Tipo bang parang kaluluwa ko ang nagdedesisyon para sa akin at hindi ang conscious mind ko? Ewan ko ba.

Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng bining katok sa pinto ng silid ko. Mabilis ko itong binuksan at bumungad sa akin si Ice na nakangiti.

"Hi!" masigla nitong bati. Naka ¾ sleeves siya at walking shorts. Ang lakas ng dating niya sa suot niya. Para bang simple pero may impact?

"Hello. Let's go?" anyaya ko dito na mabilis naman niyang sinang ayunan.

Pagpasok palang namin sa loob ng bar ay parang nanliit na ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ako pumorma ng maayos? Pakiramdam ko talaga natatalbugan ako ng mga babaeng mukhang nasubsob sa pulboron ang mukha dito. Nakafitted jeans lang kasi ako at plain white v neck shirt na tinernuhan ko ng flat sandals. Mas kumportable kasi ako dito at iniisip ko na malamig dito sa Baguio, kung mashoshort ako ay baka madeads ako sa ginaw.

"What are you thinking, babyloves?" tanong nito sa akin saka niya ako iginiya sa high stool na katapat mismo ng bar counter.

"Nothing. Just some random things," sagot ko.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tumayo sa likuran ko saka niya inilapit ang mga labi niya sa tenga ko at bumulong. "Don't think of anything when I'm with you. Just think of me. Only me."

Hindi ko napigilan ang paglabas ng isang ngiti sa mga labi ko. Bakit kailangan pakiligin ako ng ganito?

Inalok niya ako ng inumin ngunit nilimitahan naman niya ang dami nito. "Ayaw kong malasing ka dahil baka mamaya ay kung ano pa ang mangyari. Ayokong isipin mo na nagtetake advantage ako sa'yo. I want you to see and treat me the way I do to you."

Marahan naman akong tumango sa sinabi niya at bahagyang humigop sa alak na ibinigay niya. "By the way Ice, madalas ka ba dito? Parang sanay ka na kase?" usisa ko.

"Hindi naman sa sanay. Madalas kasi ako dito dahil may mga car race na nagaganap dito. Well, alam mo naman ang mga grupo ng racers kapag nagkayayaan na. Madalas alak talaga ang hinaharap, at kaibigan kasi ni Maico ang may ari ng bar na 'to na naging kaibigan ko na din," sagot naman niya sa akin.

"I see." tanging naisagot ko lang.

Napadako ang tingin ko sa dance floor. Crowded masyado at punong puno ng mga kababaihan na kulang nalang ay hindi na magsuot bg damit, plus the fact na may mga magkakafling na kulang na lang ay mag sex sa mismong dance floor sa sobrang tindi ng pagme make out.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now