Thirteen

28.3K 859 101
                                    

Leickel's P.O.V

"Ano nanamang eksena 'yon ate girl? Trending na trending ka sa social media. At hindi lang 'yon marami ka na din basher dahil ka babae mo daw na tao ikaw pa daw 'yong nanghalik," ayaw akong tantanan ng talak ni Fifi dahil doon sa nag upload ng video at picture namin ni Whynter na hinalikan ko siya.

Nakayuko lang ako at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha ko. "Eh kasi naman e!" hindi ako makahanap ng dapat na isagot sa kanya dahil wala naman talaga akong dapat isagot dahil ako naman 'yong mali talaga doon.

"Kasi naman po Madam, pwede namang manghalik sa private aba't ginawa mong legal. Mabuting mabuti kung wala ka sa Pilipinas na masyadong judgmental sa mga ganyang gawain," gatong naman ni Mimi. Feeling ko talaga wala akong kakampi sa mga panahon na 'to. Tapos 'yang si Whynter nowhere to be found. Kainis!

"Nadala lang naman ako ng sitwasyon. Masama ba naman 'yon?" nakanguso ko pang sagot sa knila, ngunit mag asawang batok lang ang natamo ko bilang ganti.

"Nasaan naman 'yang jowa mo ngayon, aber? Nilayasan ka sa gitna ng gera?" pang uusig na muli ni Fifi.

"Hindi ko siya makontak mula kaninang umaga. Hindi ko din alam kung nasaan siya o anong nangyayari sa kanya." kibit balikat na sagot ko naman sa mga ito.

"Hay naku! Kaya ayoko ng jowa eh, ang hirap hirap spellingin," sabat naman ni Mimi.

"Hoy bakla, 'wag ka nga dyan. Wala lang talagang gustong pumatol sa'yo. Dami mo pang hanash!" sagot ni Fifi kaya't binato siya ni Mimi ng pot holder na hawak nito.

"BESTYYYYYYYYYYY!" naputol ang tawanan namin ng umentrada si Lila sa entrance ng shop. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at sinalubong ng yakap ang bestfriend ko.

"OMAYGAD BESTYYYY! I MISSED YOU SO MUCH!" wika ko nang makayakap na ako dito.

"I missed you too, besty! Ano ng nangyari sa'yo? Bakit ni hindi ka man lang nagparamdam sa'kin? O kung anong ginagawa mo, ni hindi mo man lang pinaalam. Feeling ko tuloy hindi na ako ang besty mo," halata ang pagtatampo sa tinig niya na talaga namang ikina konsensya ko.
"Sorry besty. Sobrang daming nangyari at na occupy ng husto ang isip ko. Sorry talaga."

"Okay lang besty. Iintindihin kita. Kaibigan kita e. Gusto mo bang mag hang out ngayon pambawi lang naman sa ilang linggo nating hindi pagkikita?" bakas ang excitement sa mata niya kaya't hindi na ako nakatanggi pa. Kapwa kami nagpaalam kina Mimi at Fifi na sinang ayunan namana agad ng dalawa.

Lulan kami ng sasakyan ko at kapwa lang kami nagkwekwentuhan ng mga bagay na hindi nakakadepress gaya nang nangyari sa mall kahapon sa amin ni Whynter na nakarating di pala sa kaalaman ni Lila. Natatawa niyang ikinuwento sa akin kung paano siyang kinilig nang mapanood niya ang video at kung paano niya daw inaway ang mga basher ko sa comment section.

Kung maaalala niyo, ay kilala na ni Lila sa Whynter dahil nga inistalk niya ito nong malaman niya na fiance ko ito. Ganon na nga lang daw ang tuwa niya nang malaman niyang kami pa din sa huli.

My Stupid Runaway Groom (Freezell #4) [Completed]Where stories live. Discover now