"That's great. So, 7 o'clock, same place?"

"Sure. Same place. See 'yah there. Bye," aniya at saka kinagat ang mapupulang labi. Binaba na niya ang tawag at muling itinuon ang atensyon kay Leslie. "Tsismosa," mariin niyang sabi sa make-up artist.

"Hindi po. Hindi ko nga po kilala kung sino 'yong katawagan niyo," depensa naman ng kawawang si Leslie.

"Good. By the way, bakit hindi mo pa tinatapos ang ginagawa mo? Anong hinihintay mo? Pasko?!" sumbat niya muli rito.

Hindi na nagsalita pa si Leslie dahil baka saan na naman mapunta ang kanilang usapan kung saan ay lagi naman siyang talo. Kung hindi lang talaga nito kailangan ng trabaho ay hindi nito pagtya-tyagaan ang nakakasukang ugali ni Alex na daig pa ang kampon ni Satanas sa sobrang kasuklam-suklam.

"Ang sarap mo patayin," nasambit ni Leslie sa hangin dahil sa sobrang pagkainis.

Minsan ay iniisip nito kung sa paanong paraan maaaring mamatay ang amo nang hindi man lang napagbibintangan. Pakiramdam kasi nito ay hindi na tatagal ang kanyang pasensya sa paulit-ulit na pangmamaliit ni Alex at sa pagkakataong iyon ay baka tuluyan na nitong mapatay ang dalaga.

"Aaaaww!" reklamo ni Alex dahil sa madiin na paglalagay ni Leslie ng blush on sa kanyang mukha. Sinapo niya ang masakit na parte ng mukha at sinulyapan ang itsura sa salamin. Namumula ang kaliwang parte ng kanyang pisngi dahil sa sobra-sobrang paglalagay ng make up at dahil din sa pagkakadiin ng blush on sa kanyang mukha.

"Patawarin niyo po ako," doon lamang bumalik sa ulirat si Leslie.

"Wala ka talagang kwenta! Boba!" pangmamaliit niya rito at saka hinablot ang buhok ng ginang. Hindi naman magawang makaganti ni Leslie dahil sa takot kaya hinayaan na lang nitong sabunutan siya.

Natigilan naman si Alex sa kanyang ginagawa nang biglang sumilip sa dressing room ang kanyang manager na Ms. Stella Mercado, isang mid-40's na ginang. Kilala siya sa paghawak ng magagaling na artista. Maswerte si Alex dahil kinuha siya ni Ms. Mercado bilang 'alaga' kaya't narating niya ang tugatog ng katanyagan.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa nadatnan na senaryo at sa namumulang mukha ni Alex. "Anong nangyayari dito? At bakit nagkaganyan ang mukha mo Alex?" nagugulumihanang tanong ng manager.

Umarte naman na aping-api si Alex at pinadaloy pa ang mga luha sa kanyang mukha para makuha ang simpatya ng manager. Madalas niya itong gawin upang hindi makita ang kanyang mga kamalian. "Si Ms. Leslie po, sinaktan niya ako," naluluha niyang sabi at saka lumapit sa manager.

"Wala po akong kina –" Hindi na nito nagawang pang ituloy ang kanyang sasabihin dahil biglang sumingit ang nagpapaawang si Alex.

"Aray! Ang sakit po talaga," paawa pa niya at sapo-sapo ang kunyari'y nananakit na pisngi.

Mariin namang tiningnan ng manager ang make-up artist. "Hindi ko na gustong maulit pa ang bagay na ito, Leslie. Ayusin mo na lang ang make-up ni Alex dahil maya-maya ay pupunta na kami kay Mr. Chua. Hindi ko gustong ganyan ang itsura niya kapag nakipag-meeting kami. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo," maikling tugon ni Leslie. Wala na naman itong naging panama sa paawa ni Alex na lagi namang nakakakuha ng simpatya ng lahat. Sinunod na lamang nito ang naging utos sa kanya at mariing niyukom ang nagpupumiglas na mga kamay na kanina pa gustong lumapat sa mukha ni Alex.

"Maraming salamat, Leslie," pang-aasar ng dalaga sa make-up artist na kanina pa nagpipigil. Lumabas na si Alex kasama ang kanyang manager at dumiretso sa opisina ni Mr. Chua.

Si Mr. Brian Chua ang kasalukuyang C.E.O ng ARR Films kung saan nagtatrabaho si Alex. Medyo bata pa ito na nasa edad kwarenta pa lamang. Isa sa mga inaalagaan niyang talents si Alex dahil matapos mamatay ni Celine sa isang insidente ay siya namang biglang pag-unlad ng karera ng dalaga.

Binuksan nila ang pinto ng opisina at bumungad sa kanila ang nag-aabang na ginoo. "Welcome, Ms. Farr and Ms. Mercado. Have a seat," paanyaya nito sa mga bakanteng upuan na nasa tapat ng kanyang mesa.

"Good afternoon, Mr. Chua," bati ng dalaga.

Nginitian naman siya ni Mr. Chua bilang ganti. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to offer you the next project of ARR Films. Ikaw kasi ang pinaka-fit sa magiging role. As a matter of fact, ikaw pa ang maaaring pumili ng magiging katambal mo sa nasabing pelikula," panghihikayat ng ginoo.

"Well, as long as the price is right, wala tayong magiging problema," tugon naman kaagad ni Ms. Mercado at saka nginitian si Alex bilang senyas na um-oo siya sa offer ni Mr. Chua.

"Wala naman tayong magiging problema d'yan, Ms. Mercado. Sa tingin ko naman ay parehas na kayong sang-ayon sa naging offer ko." Inilabas nito ang isang folder na naglalaman ng kontrata sa gagawin na pelikula. "Maaari niyo ng pirmahan ang kontrata," saad ni Mr. Chua.

Walang anu-ano'y bigla na lang pumirma ang manager sa nakapatong na papel at saka ibinigay kay Alex upang siya naman ang pumirma. Wala na rin naman siyang magagawa dahil sunod-sunuran lang siya sa kanyang manager kahit alam niyang ginagawa lang siya nitong gatasang-baka.

Mabilis natapos ang meeting na iyon at agad na lumabas ang dalawa sa opisina.

"Ngumiti ka naman, Alex kahit na kaunti lang. Para namang sinasabi mo na napilitan ka lang sa pagpirma," wika ng kanyang manager.

Ngumiti na lamang si Alex at sinunod ang pinag-uutos sa kanya. "Sige, aalis na ako," walang kaemo-emosyon niyang sabi at saka tumalikod para umalis.

Bigla naman siyang hinawakan ng kanyang manager sa braso dahilan upang mapaharap siya rito. "Huwag mo akong sasagutin ng ganyan! Kung hindi dahil sa'kin, hindi ka sisikat kaya magpasalamat ka. Kayang-kaya kita pabagsakin anumang oras. Tandaan mo 'yan!" mariing pagbabanta nito. Mistulang pinagduduldulan nito na utang ni Alex ang kanyang buhay sa manager.

Hindi na nakapagsalita pa si Alex dahil sa takot na mawala ang kanyang matagal na inasam na katanyagan. Hindi na niya gusto pang bumalik sa teatro kung saan ay walang nakakapansin sa kanya. Gagawin niya ang lahat upang manatili sa kanyang posisyon.

"Mahalin mo na kung paano kita itrato ngayon dahil mabilis akong magsawa," babala nito sabay binitawan na ang braso ni Alex. Naglakad na ito palayo at naiwan namang tahimik lang si Alex at hinahanap ang ulirat.

"Magtitiis pa ako," wika niya sa sarili kasabay ang pagtulo ng kanyang luha na dala ng takot.

***

"ARE you sure with her? Baka naman baliktarin tayo ng babaeng 'yan. Nagkamali 'ata tayo sa pagkuha sa kanya," aniya habang hawak ang isang basong wine at nakade-quatrong upo sa isang sofa.

Humarap sa kanya ang kausap at binigyan siya ng tingin ng pagkadismaya. "Sayang naman. Akala ko pa naman ay kailangan na kailangan niya ng pera kaya siya ang pinili ko. Kumbaga madaling utuin. Sino ba naman kasi ang ayaw ng pera, 'di ba?" anito at saka nagsalok ng wine sa hawak nitong wine glass.

"You know, I'm a bit dismay with her. Masyado siyang mabagal. We've already given her one week to do the job, pero wala pa rin. So, are we now going to kill her?"

"Her time is up! Kung tutuusin, kaya ko namang gawin ang ipinag-uutos ko sa kanya, pero ayaw ko lang dungisan ang sarili kong mga kamay. Saka gusto kong makitang nagmamakaawa si Alex. Gustong-gusto ko 'yon makita."

"Gusto mo talaga siyang makitang naghihirap, no'?" nangingisi niyang sabi.

"Of course, not! Ang bait ko kaya," sarkastiko nitong sabi at pinaikot-ikot ang susi sa kanyang hintuturo. "Bakit? Ayaw mo ba siyang nakikitang naghihirap?"

"Hindi naman ako kasing plastic mo. She made my life miserable. Dapat parehas lang kami," nakatiim-bagang niyang saad at mabilis na nilagok ang wine.

"Okay. I gotta go! Baka mahuli pa ako. Tingnan mo na lang sa newspaper ang magiging headline," pabiro nitong sabi at pumanaog na palabas.

"Wait!" pigil niyang tawag.

"What?!"

"H'wag kang tanga. Ayokong masira ang plano, okay?"

Ngumiti na lamang ito bilang tugon at saka itinaas ang kaliwang kilay. Nag-iwan din ito ng nakalolokong ngiti bago naglaho sa kanyang paningin.

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now