RED TAPE 8

2.5K 89 14
                                    

CHAPTER EIGHT

Keep my Dirty Little Secret


PINANUOD na lamang ni Tristan ang papaalis na si Alex habang nasa loob ng kanyang sasakyan. Mabilis naman nakahanap ang dalaga ng sasakyan na gagamitin pauwi.

Mahigpit niyang hinawakan ang manibela na tila gigil na gigil sa naudlot na romansa. Napapailing siya sa tuwing maiisip na hindi niya pa rin maisagawa ang plano.

Apat na beses na niyang tinangka ang pakikipagromansa sa dalaga, panglima na ito, pero sa tuwing gagawin naman niya iyon ay saka naman mauudlot dahil sa pagpigil ni Alex. Kahit man lamang mahawakan ang maseselang parte nito ay hindi niya pa rin magawa. Sadyang nauunahan lang siya ng pagpigil ng dalaga.

Kinuha niya ang spy cam na nakatago sa maliit na compartment. Galit niyang ibinalibag iyon paibaba sa kaul at nangangaskas ng mga ngipin dahil sa hindi maitagong pagkadismaya.

Balak niya sanang kumuha ng sex video kasama si Alex. Ipapakalat niya ito sa media na tiyak na ikasisira ng karera ng dalaga. Kasama ito sa plano nila ng kanyang lihim na kasintahan, upang ibagsak at iludmok sa putikan mula sa ginto ang ngayong nanginginang na pangalan ni Alex.

"Masyadong mahirap hulihin si Alex. Maingat siya sa bawat kilos, kalkulado niya ang paraan ng kanyang pag-angat at pagbaba," at saka nagngingiti nang nakakaloko. "Bibigay ka rin... Bibigay ka rin," saad niya sa sarili.

Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Rumehistro naman kaagad sa kanyang mukha ang pagkadismaya nang sagutin ang tawag.

"Hindi ko pa rin nagagawa. Same old story. Pinigilan na naman ni Alex ang pangyayari," aniya sa kabilang linya.

Pumalatak ito. "Matalino si Alex. Kagaya ng mga baguhan pa lang kami, pinapabilib niya pa rin ako," saad ng babaeng nasa kabilang linya. Malambing ang boses nito na tila isang mahinhing babae na hindi kakikitaan ng kapintasan. "Sa ibang paraan na lang natin gagawin. We still have back-up plans. I'll bring her to where she really belongs."

"Hindi ba ako mapapahamak sa ginagawa natin?" kinakabahang tanong Tristan sa kausap. May parte kasi ng kanyang utak ang gustong tumigil na dahil tulad ni Alex, maaari niya ring ikabagsak anumang maling kilos niya.

"I'm on your back. Hindi kita pababayaan. Ako ang bahala sa 'yo. Mahal mo ako, right? You will do anything I want," paliwanag nito.

Huminga nang malalim si Tristan bago sumagot. "Okay. Pagkatapos nito, pwede na nating sabihin sa publiko ang mayroon tayo, 'di ba?"

"Oo naman. Like what I've promised. Hindi ko naman sinisira ang kasunduan natin," saad nito sa malanding tono.

Mabilis namang nakumbinse si Tristan dahil sa lubos na pagmamahal niya sa kasintahan. Anumang ipag-utos nito ay mabilis pa sa alas quarto niyang sinusunod tulad ng asong masunurin sa kanyang amo. Lahat ay ibibigay niya, huwag lang mawalay sa minamahal.

"I love you," aniya.

"I love you too," sagot naman nito.

Matapos 'yon ay ibinaba na nito ang tawag. May kaunting kaba pa rin si Tristan sa maaaring mangyari sa kanyang career na iniingatan. Ilang katanungan ang gumugulo sa kanyang isipan at tiyak na wala pa ring kasagutan.

Paano kung madamay siya sa issue-ng magiging kaugnay kay Alex? Paano kung hindi tuparin ng kanyang lihim na kasintahan ang kanilang kasunduan? Paano na ang magiging buhay niya pagkatapos nito?

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now