RED TAPE 23

1.5K 57 4
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Ocean of Blood


MULA sa terasa ng kwartong kasalukuyang tinutulugan ni Lyra, isang pamilyar na mukha ang dumaan doon bitbit ang dalawang baril sa magkabilang kamay. Ang taong iyon ay naglakbay sa bawat terasa ng kwarto kaya't nakarating din sa kwarto ni Lyra. Mula roon ay bababa siya sa unang palapag kung nasaan ang ilan pang staff.

Bago bumaba ay tiningnan niya muna ang loob ng kwarto at natagpuang imprenteng nakahiga roon si Lyra, nakasalo ang isang palad sa ulo at ang isa ay bitbit ang isang libro.

"Nandito ka pala Lyra," bungad ng taong 'yon habang nakangiti na tila nangangamusta sa matagal na kaibigan.

"I knew it was you. Kumusta? Sino na palang isusunod mo?" tanong ni Lyra na walang paki sa bitbit na baril ng killer na maaaring kumitil sa kanyang buhay.

"Gusto mo bang ikaw na ang isunod ko?" nagbibiro niyang sabi na sinamahan ng maikling tawa.

Sumaludo naman ang hinlalato ni Lyra sa killer at nangingisi. "Don't you dare. Alam mong ikaw ang mauunang mamamatay sa atin," at saka nagtaas ng kilay.

"I have two guns and yours?" pambabara niya at pinagmamalaking itinaas ang dalawang baril na hawak.

Hindi naman nasindak si Lyra sa hawak ng killer. Inilabas nito mula sa ilalim ng kanyang unan ang isa ring baril. "Kung sasabak ka sa giyera, talo ka kung hindi ka handa."

"You never fail to amaze me. Matalino ka talaga. Pero hindi pa rin natin alam kung sino'ng mabubuhay sa atin pagkatapos nito. Sige, magpapaalam na muna ako. See you in your funeral," aniya at saka lumisan. Nakita naman niyang kumakaway ang hinlalato ni Lyra bago bumaba.

Dumaan siya sa fire exit upang doon ay bumaba. Saktong pagbaba niya ay naabutan niyang kumakain ang ilang staffs sa sala. Hindi kasi magiging katuwa-tuwa kung iisa-isahin pa niya ang mga tao. Baka abutin siya ng siyam-siyam maihuli lang patayin si Alex.

Mula sa bintana, pinaulanan niya ng bala ang lahat ng taong abalang nakain. Humigit kumulang tatlumpung tao ang kasalukuyang kumakain doon at napaulanan ng bala. Huli na nang makatakas ang ilan dahil sa sunod-sunod na putok ng bala na umaalingawngaw sa paligid.

Hindi mabilang ang putok, basta isa-isang bumabagsak ang lahat. Mula sa kusina, bumabaha ang napakaraming dugo. Kung saan-saang parte ng katawan tinamaan ang ilan na mabilis ding kumikitil ng kanilang mga buhay.

Ang hapag ay napalitan ng dugo ng mga tao at ilang bangkay. Walang patid ang pagpapaulan ng bala hangga't hindi tumutumba ang lahat. Tuwang-tuwa naman ang killer sa nakikitang paghihinagpis ng lahat. Isang magiliw na sayaw para sa kanya ang palahaw na sigaw ng mga nagmamakaawang inosente.

Ilang saglit lang ay tumigil siya sa pagpapaputok. Saglit siyang sumulyap sa mga taong nabaril. Wala roon ang katawan ni Alex na kanyang ikinatuwa.

"Buti naman. Always save the best for last," nasaad niya. Balak niya talaga ihuli si Alex bilang ang dalaga naman talaga ang kanyang pakay.

"Ilan na lang kaya ang natitira? Pito? Walo? Napasobra 'ata ako sa dami ng napatay. Dalawang araw palang sila dito," aniya at saka itinago ang mga baril na hawak. "Maghintay ka lang Alex. Malalasap mo na rin ang sorpresa ko."

Naglakad na siya palayo upang ihanda ang gagawing hakbang bukas. Hindi na siya makapaghintay sa magiging reaksyon ni Alex kapag nakita siya nito.

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now