CHAPTER 16

863 41 4
                                    

Magkatapos namin kumain ni Kyzier ay hinatid niya ako sa bahay. Ipakilala ko narin siya sa buong pamilya na boyfriend ko siya. Pagdating namin sa bahay ay nasa sala si kuya Zen habang nakasimangot.

"Kuya Zen, nandito kana?  Si Breat na saan?" Sunod-sunod ko na tanong.

Nilingon niya naman kami at tiningnan niya ako ng masama.

"Dont do that again princess," sabi niya na parang galit. Natatawa naman ako kaya lumapit na kami at upo ako sa tabi niya.

"Good afternoon kuya Zen,  ano ba ang nangyari?" Takang tanong ni Kyzier.

"Ayan tanongin mo, sakit yan sa ulo yung kaibigan mo Maxielle ha," sabi niya sabay alis.

Natatawa na lang ako dahil sa ginawa kong kalalokohan, alam ko naman na hindi magagalit si Kuya ng sobra.

"Baby girl ano ba ang ginawa mo?"

Tiningnan ko naman si Kyzier na nakangisi at ikinwento naman sa kanya ang ginawa ko.

"Loko ka talaga baby girl,  pinagkakaluno mo ang bestfriend mo sa kuya mo na playboy?  Kaiba ka baby girl," sabi niya at natatawa.

"Syempre naman baby boy, hindi pwedeng ako lang ang magka lovelife syempre kailangan si Breat din," nakangiti kong sabi at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Bago kami umuwi kanina ay tinawagan ko na sina mommy na dapat kompleto kami mamaya sa hapunan dahil nga may sasabihin ako, at hindi nga ako nabigo at nandito sila ngayon sa harapan namin ni Kyzier.

"Princess ano ba yang sasabihin mo?" Tanong ni daddy.

"Dad, mamaya na kain muna tayo," nakangiti kong sabi.

Pero ang mga kuya ko ay salubong ang mga kilay at mapanuring nakatitig sa amin.

Habang kumakain kami ay nagsalita si kuya Vin.

"Mom,  i think its time na para lumipat na ako sa bahay ko. Im not getting any younger," nagulat man si mommy at daddy peri kalaunan ay ngumiti to.

Matagal na kasi may bahay si kuya Vin. Minsan doon siya natutulog paggusto niyang makapag-isip. Matagal na rin sana siya uuwi sa bahay niya kaso pagbinabalak niya na umalis, tyaka naman maglalambing si mommy kaya nauudlot ang pag-alis ni Kuya dito. At ngayon siguro natauhan na si mommy kaya pumayag narin.

"Siguro nga kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari, dahil dadating ang panahon na magkakaroon na kayo ng sarili niyong buhay," sabi ni mommy na naluluha. Hinawakan naman ni daddy ang kamay niya.

"Mom, palagi naman ako dadalaw dito sa inyo," sabi ni kuya.

Ang iba kung mga kuya ay,  tahimik lang, si kuya Lex kasi ay bukas babalik na ng Maynila, na una lang umuwi ang girlfriend niya dahil walang naiwan sa firm nila.

Habang tahimik ang lahat ay may isang panira na nagsalita.

"Xielle ang sasabihin mo ba ay sinagot mo na ito," panira ni kuya Kael sabay turo kay Kyzier.

Napanguso naman ako dahil sa kaepalan ni kuya Kael. Nagulat naman ang mga kasama naman sa hapag.

"Ikaw talaga kuya Kael, panira ka palagi,"sabi ko na nakasibangot pero ito si kuya ay tudo ngisi lang.

"Kami na po ni Maxielle," sabi bigla ni Kyzier at hinawakan ang kamay ko

Bakas naman sa mukha ng mga kuya ko ang gulat, wala ni isa sa kanila nag nagsalita hanggang si mommy na ang bumasag sa katahimikan.

"Congratulation anak, dalaga kana talaga," sabi ni mommy at niyakap ako.

"Welcome to the family iho," sabi naman ni daddy.

I WAS A BOY ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon