CHAPTER 9

888 51 4
                                    


Maxielle

Nandito na naman ako sa cafeteria ng kompanya at nagbaba kasakaling nandito ang mag syota,   pagkakataon ko na ito dahil nasa lunch meeting si Kyzier. Hindi naman ako nabigo dahil nandoon nga ang dalawa. Nag order muna ako ng pagkain bago pumunta sa table nila.

"Hi Sofia, Hi Loui," sabi ko at umupo sa tapat nilang dalawa.

"Hi Maxine, kamusta kana?" Bati ni Loui pero si Sofia nginitian niya lang ako.

"So far, okey naman ako," nakangiti ko ring sabi.

Susubo na sana ako ng pagkain ko ng tumunog ang cellphone ko.  Nag excuse muna ako sa kanila bago sinagot.

"Hello!" Sabi ko.

"Max! Huhuhu bakit mo nagawa sa akin to?" Nang tingnan ko kung sino tumatawa, si Breat pala.

"Bakit?  Ano ba ginawa ko?" Natatawa kung sabi.

"Iniiwasan ko nga ang Kuya Zen mo tapos malalaman ko na siya pala ang pina sundo mo sa akin sa bar ka gabi," sigaw na sabi niya.

"Bakit nga ba iniiwasan mo siya?" Natahimik naman sa kabilang linya, tiningnan ko kung nandyan pa siya,  hindi pa naman namamatay ang tawag, hindi lang talaga siya nagsasalita.

"Hoy!  Nandyan kapa ba?" Hindi ko mabanggit ang pangalan niya dahil kaharap ko sina Sofia,  baka makilala niya ito.

"Oo nandito pa ako, tawagan na lang kita mamaya Max," pinatay niya agad ang tawag ko.  Ano ba ang nangyayari sa dalawang yun. Bahala sila dyan, meron pa akong importanteng gagawin.

Paglingon ko naman sa dalawa ay tapos na sila kumain.

"Maxine mauna na kami ha,  kailangan na namin bumalik sa department namin dahil madami pang gagawin sa darating na event.

"Sige!" Sabi ko at umalis na silang dalawa.

Bakit ba lagi na lang nauudlot ang mga plano ko? Sign naba to na itigil ko na?  Pero sayang ang pinaghirapan ko.

~~~~~~~~~~~

Umuwi ako ng maaga dahil tumawag si mommy na dadating ngayong araw si Kuya Maxllex at meron daw kaming family dinner. Excited akong umuwi dahil matagal na napanahon na nangyari ito na sabay-sabay kami kumain.

Pagdating ko sa bahay ay wala pa ang mga kuya ko. Tinawagan ko naman si Breat na pumunta ngayon sa bahay,  noong una ay ayaw niya pa dahil my gagawin pa daw siya pero hindi ko siya tinigilan hanggat hindi siya pumayag.

Pumasok muna ako sa kwarto at nag bihis, pagkatapos bumababa na ako sa kusina at nadatnan ko doon si mommy na nagbabake ng cake.

"Mommy!" Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

"Anak, kanina kapa ba?"

"Kakarating ko lang my,  anong oras ba dadating sina kuya?"

"Sinundo na ng daddy mo ang kuya mo,  kaya maya-maya lang ay darating na ang mga yun."

"Meron ba akong maitutulong dito my?" Sabi ko habang nagaasalin ng juice sa baso ko.

"Ako na ang bahala dito anak,  malapit narin kaming matatapos dito, doon kana muna sa salas para maka pagpahinga ka," sabi ni mommy.

Ayaw ako patulungin ni mommy sa kusina kaya dito na lang ako sa salas umupo at nanood ng tv.

Napalingon naman ako sa pintuan ng bukas ito,  Si Breat pala ang kadadating lang.

"Breat!" Tawag ko sa kanya, lumapit naman siya sa tabi ko at umupo na nakasimangot.

"Oh,  bakit bernes santo yang mukha mo?"

I WAS A BOY ( COMPLETED )Where stories live. Discover now