CHAPTER 2

1.5K 65 4
                                    


Pagpasok pa lang ng sasakyan ng mga Monford sa parking ng Academy ay napapatingin na halos lahat ng estudyante sa kanila dahil sa angking katangian ng bawat isa.  Kahit at Maxielle ay marami ding humahanga na mga kababaihan dahil ang gwapo nito tingnan kahit babae siya.  Alam naman ng lahat na lesbian si Maxielle pero wala siyang pakialam sa mga mapanghusgang tao.

Pagbaba nina Maxielle at Maxkael ay my tumawag sa kanila.

"Max!  Kuya Kael!" Tawag ni kyzier sa kanila habang papalapit ito.

"Oh ikaw pala Kyzier. Buti naman at nagkasya pa sayo ang mga damit mo? " biro ni Kael.

Ayaw na ayaw naman ni Maxielle na ginaganyan ang kababata niya.  Kaya binatukan niya ang kanyang kuya.

"Wag mo ngang ibully si Kyzier baka ipag-" biglang napatigil si Maxielle sa pagsasalita ng tinakpan ng kuya niya ang kanyang bibig.

"Oo na! Oo na! Para ka namang syota ni Kyzier. Dyan na nga kayo mauna na ako. " sabay talikod niya.

Napapangiti naman si Kyzier dahil sa sinabi ni Kael. "Para ka namang syota ni Kyzier. " Lingid kasi sa kaalaman ng lahat na my lihim na nararamdaman si Kyzier sa kanyang kababata kahit na lesbian pa ito.

"Ohh bakit ka namumula diyan? " tanong niya.

"Huh?  Ako namumula?  Baka sa init lang ." Sabi naman ni Kyzier

"Tara na nga baka malate pa tayo. " yaya niya sa kaibigan at inakbayan ito. Lalo namang namula ang mukha ni Kyzier.

Malapit na sila sa kanilang classroom ng makita nila si Sofia na nakikipagtawan sa mga kaklase nito.  Bigla naman siya napatigil na ikinagulat ni Kyzier.

"Bakit Max? "

Hindi siya sumagit at sinundan naman ni Kyzier ng tingin kung saan siya nakatingin.

"Max tara na baka malate tayo. Mamaya kana mag daydream dyan" yaya ni Kyzier at hinila siya.

Pagpasok nila ng classroom ay nandoon na si Breat.

"Max,  Kyzier dito tayo."tawan ni Breat sa kanila.

Si Kayzier ay kababata ni niya at Si Breat naman ay naging bestfriend niya noong 1st year sila. Lagi ding binubully ni Breat si Kyzier kaya lagi din ang dalawang ito nagkakapikonan.

Nakipag fistbum naman si Breat sa kanya at sinangga naman nito sa balikat si Kyzier.

"Oh kamusta ang bakasyon niyo?  Ikaw Kyzier bakit lalo ka atang tumaba? " natatawang sabi ni Breat.

"Madaming pagkain sa bahay eh. " sago niya.

At nagtawanan naman silang tatlo.
Tumahimik naman sila ng pumasok na ang kanilang adviser. Habang nagdidiscuss ang kanilang guro ay napapalingon naman si Kyzier kay Maxielle. Nakita naman ito ni Breat kaya sinusundot sundot niya ang gilid ni Kyzier. Nasa likuran kasi siya ng dalawa kaya kitang kita niya ang mga nakaw na tingin ni Kyzier.

Paglingon ni Kyzier ay binulungan naman ito Breat.

"Makinig ka muna mamaya na yang pantasya mo. " nakangisi niyang sabi.

Napayuko naman si Kyzier sa hiya.
Napansin niya naman yun.

"KY okey ka lang.? "

Tumango lang si Kyzier habang si Breat ay natatawa lang. Palagi kasing napapansin ni Breat na nakatingin palagi si Kyzier kay Maxielle. 

Natapos na ang pang umaga nilang klase kaya pumunta silang tatlo sa cafeteria para kumain ng lunch.

Habang nakapila sila ay my bigla namang umakbay sa kanya.

I WAS A BOY ( COMPLETED )Where stories live. Discover now