CHAPTER 12

906 48 3
                                    

Maxielle-

Ngayong araw na ang event sa company kaya ako nandito ngayon sa venue, dito na ako dumeretso dahil isa ako sa mga sasalubong ng mga special guest. Alas syete ng gabi magsisimula ang program. Alas sais pa naman kaya my oras pa kami para ma perfect lahat.

6:30pm na ng gabi pero wala pa si Kyzier, hinahanap na ng iba sa akin si Kyzier kaya lumabas muna ako sa hall para tawagan siya. Ilang beses ko dinial ang number niya pero walang sumasagot. Pumunta ako main door ng venue para tingnan kung nasa labas na siya. Nanlaki ang mata ko ng makita kong umuulan.

"Shit! Kyzier nasaan ka na? Umuulan pa naman."

Hindi na ako nagdalawang isip pa, tumakbo ako sa parking lot papunta sa kotse ko. Wala na akong pakialam kong mag mukha akong basanh sisiw.

Sumakay na ako ang pinaandar ito. Hindi ko man alam kung saan ko siya hahanapin dahil sigurado nakaalis na ito sa unit niya.

Natigil lang ako sa pag dadrive dahil sa traffic, naririnig ko naman ang magkabilaang busina ng mga sasakyan. Binuksan ko ng kaunti ang bintana ko at tinanong ang lalaking tumatakbo papunta sa unahan.

"Kuya saglit, anong meron sa unahan?"

" My banggaan daw miss,  tapos may isang lalaki naparang baliw sa gitna ng daan."

Nanlaki ang mata ko, baka si Kyzier yung lalaki na tinutukoy ng mama. Hindi ko na pinansin ang ulan tumakbo ako papunta sa unahan at hindi nga ako nagkakamali,  si Kyzier nga ang nakaupo sa gitna ng kalsada at nakayuko na tinatakpan ang mga tenga.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Nanginginig siya habang umiiyak.

"Shhhhh,  Kyzier nandito na ako. Relax ka lang,  hindi kita iiwan."

Wala na akong pakialam kung makilala niya pa ako, dahil ang importante ngayon sa akin ay siya.

"Ma-maxx!" Sabi niya at niyakap niya din ako,

"Shhhh,  relax lang, okey na. Nandito na ako,"

Parang bata naman siyang umiiyak,  ang mga sasakyan naman ay tudo busina dahil nga nasa gitna kami ng daan. Hindi ko na pinansin ang mga driver na nangbubusina sa amin.

Nang medyo kumalma naman siya ay pinatayo ko siya at iginiya sa kotse niya,  naiwan naman ang koyse ko. Ipapakuha ko na lang yun kay Breat.

Dahil parehas na kaming basa ay hindi ko na tinuloy ang kotse sa event,  dineretso ko na ito sa unit niya,  dahil nanginginig parin siya.

Pagpasok namin sa unit niya at pinahiga ko siya sa sofa niya,  pagbalik ko naman na may dalang tubig ay tulog na ito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya,  para siyang anghel na natutulog, hinaplos ko ang pisngi niya at napangiti ako, dumako naman ang kamay ko sa noo niya.

"Shit! Ang init niya kailangan niyang mapalitan ng damit,  pano bato?"

Nataranta ako, dahil mataas ang lagnat niya. Hindi naman ako pwede ang magpalit sa kanya,  dahil lalaki parin ito.

Bahala na tawagan ko na lang kung sino ang pwede sa mga kuya ko. Una kung tinawagan si kuya Zen pero hindi sumasagot.

Sunod ko naman tinawagan si kuya Kael.

"Hello Xielle," bungad niya.

"Kuya nasaan ka?"

"Pauwi na bakit?"

"Kuya pwede ka bang pumunta dito sa unit ni KyZier?"

"Sinong Kyzier?" Patay hindi niya pala alam na nakauwi na si Kyzier.

I WAS A BOY ( COMPLETED )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz