CHAPTER 7

973 48 3
                                    

Maxielle

Gusto ko nang magpakilala kay Kyzier na ako si Maxielle pero hindi pa sa ngayon. Aaminin ko na namiss ko siya pero binalewala ko yun dahil ayoko na masira ang matagal ko nang pinag handaan na paghihigante.

Nagpapasalamat talaga ako kay Breat dahil nagawan niya ng paraan na 'yun na ang huli nilang pagkikita.

Mukha namang sumasang ayon ang pagkakataon sa akin. Dahil na tanggap ako bilang sekretarya sa kompanya na pinag tatrabahoan nila Sofia at boyfriend niya. Pero hindi ko pa nakikilala ang magiging boss ko dahil yung head supervisor ang nag interview sa akin at siya din ang humaharap sa akin nong nag pasa ako ng mga requirements ko.

Nag da drive ako ngayon papunta sa kompanya na papasokan ko. At ngayon ko din makikilala ang boss ko.

Noong una hindi ako pinayagan nina mommy at daddy na mag tatrabaho ako bilang sekretarya dahil kaya naman daw nila akong bigyan ng sarili kong kompanya. Pero tumutol ako,  sinabi ko na lang na kailangan ko munang magkaron ng experience. Buti naman at na kombinsi ko sila para pumayag.

Pagbaba ko ng sasakyan ay pumasok na ako sa building. Habang naglalakad ako ay taas noo akong naglakat para makuha ang attention nila. Naka long sleeve blouse ako na pinarisan ko ng highwaist skirt na belong the knee na hapit na hapit sa bewang ko. At pinaresan ko pa ng black highheels.

Halos lahat naman ng makakasalubong ko ay napapalingon sa akin. Kaya nginingitian ko sila lahat. Kasama to sa plano ko. Kailan na pati attitude ko ay babagohin ko.

Pumunta muna ako sa office ng supervisor para samahan na papunta sa office ng CEO. Pagtigil namin sa malaking pinto ay kumatok muna siya at pumasok.

Malaki ang opisina ng CEO. At my mesa sa gitna na my naka upo na tao na nakatalikod habang nakatingin sa malaking glass window.

"Sir good morning,  nandito na po  ang magiging sekretarya niyo po."

Dahan dahan naman lumingon ang lalaki na nakaupo at nang makita ko siya at puntik pa akong matumba dahil sa hindi ko inaasahan angbl taong ito dito.

Para akong tuod nakatayo sa harapan niya at nanlalaki ang mata sa gulat. Parang gusto ko ng tumakbo palabas para lang makalayo sa kanya. Pero hindi ako maka galaw. 

Tumayo naman siya at lumapit sa akin na nakangiti. Wala parin akong kibo kahit na nakalapit na siya.

"Hi,  diba ikaw ang kaibigan ni Maxielle?"

"Shit! Natandaan niya ako na ako ang kasama ni Breat sa bahay."

"Ye-yes Sir, Im Maxine Vergara." Kahit kinakabahan ako ay nakipag kamay parin ako sa kanya.

"Im Kyzier Feliciano,  I will be going to be your boss," sabi niya habang nakikipag kamay parin.

"Mr.  Salazar pwede nyo na po siyang ewan dito ako na po ang bahala sa kanya," sabi ni Kyzier sa supervisor.

Nagpaalam naman ito at umalis na. Kaya lalo akong kinabahan dahil kami na lang dalawa ang naiwan dito.

"Please sit here miss Vergara," sabi niya at tinuro ang upuan sa harap ng mesa niya.

"Miss Veragara paano mo pala na kilala si Maxielle?"

Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasan ang pangyayari itong.

"Classmate ko po siya nong college."

"May naging girlfriend ba siya nong college?"

"Ahh sir, excuse me po.  Nandito po ako para magtrabaho hindi po para magkwentohan," hindi ko na napigil ang sarili ko na hindi sya sagotin. Iniiwasan ko na nga siya tapos magiging boss ko pa siya.

I WAS A BOY ( COMPLETED )Where stories live. Discover now