"Ayaw mo ba?" Siya naman ang nag alangan. Mayaman nga pala ito. Hindi yata ito sanay sa ganoong lugar. Or worse, hindi talaga ito pumupunta sa ganoong lugar.

Napakagat siya sa ibabang labi. Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at hinila na palabas ng amusement park.

Ngunit hindi pa sila tuluyang nakakalabas ay tumigil ito sa paglakad kaya nahila siya pabalik dito. Nagtatakang tiningnan niya ito.

"No. It's fine."

Napakamot siya sa ulo. "Sorry ah. Hindi na kita tinanong. Hindi ko naisip na baka ayaw mo sa ganitong lugar. Sa iba na lang tayo. Tara!"

Pero pinigilan lang siya nito sa braso.

"It's fine, Aica." dumulas ang kamay nito papunta sa kamay niya.

Nanindig ang mga balahibo niya. "If you want to be here, so be it. I want you to enjoy. It's just... I'm just not sure if it's safe. Kaya nag aalangan ako. I'm sorry."

Lumobo ang puso niya sa sinabi nito. Kahit nag aalangan ito sa lugar ay mas inalala pa nito ang kasiyahan niya. Dumagdag pa tuloy siya sa mga iniisip nito.

Pero dapat ay ito ang masaya ngayon. Kaya nga niya dinala ito roon para mag enjoy. Hindi nga lang niya naisip ang ayos ng lugar. Maayos naman doon. Iyon nga lang ay hindi ata pasado iyon sa safety standards nito.

"Maayos naman dito. Sure ko yun kasi may pinsan akong nagtatrabaho dito. Kaya hapon sila nagbubukas kasi tuwing umaga ay palagi nilang tsine check yung mga rides. Pero okay lang naman kung may iba kang gustong lugar. Pwede naman tayong lumi-"

"If you say so. I trust you." hindi na siya nakahuma nang hilahin siya pabalik sa ticket booth.

Maglalabas na siya ng pera ng pigilan siya nito. "It's my treat."

"Uy, hindi ah! Ako ang nagyaya dito kaya ako ang magbabayad." inabot niya ang pera sa kahera. Ngunit hinarang lang ni Matthew iyon.

Napanguso siya. Natawa naman ito sa iniakto niya.

"I stole you from your work. Meaning nabawasan ang sahod mo. Kaya ako na ang magbabayad."

"Ikaw na ang bumili ng pagkain natin kanina, kaya ako na dito. Ate oh! Kunin mo na bilis-omp!" naputol na ang sinasabi niya nang bigla siya nitong yakapin at isiniksik ang mukha niya sa dibdib nito.

"You are so stubborn." naramdaman niyang tumaas ang isang kamay nito para iabot ang bayad.

Saglit pang nag usap ang mga ito kung unli rides ang kukunin o hindi. Pero hindi na niya alintana iyon dahil naparalisa na siya rito. Kay bango kasi nito. At ang sarap singhutin. Parang ayaw na niya atang umalis pa do-

"What are you doing?"

Napatayo siya agad ng tuwid. Dagli siyang lumayo dito at naramdamang nag init ang mga pisngi.

Nahuli siya nitong inaamoy ito! Nakakahiya!

"W-wala." hindi makatinging sagot niya rito. Umalis na siya sa pila. Nakasunod naman ito sa kanya.

Nakakahiya ka Aica. Sa isip ay sinasabunutan na niya ang sarili.

Kinuha nito ang kamay niya at ito na ang nagsuot ng bracelet pass sa kanya. Hindi pa rin siya makatingin dito.

"Look at me."

Nang hindi niya sinunod ito ay hinawakan nito ang baba niya at inangat ang mukha niya upang magtama ang kanilang mga mata.

"You can smell me all you want, baby."

Napahigit siya ng hininga.

"Matthew!" naeeskandalong sabi niya.

Natawa naman ito. Kay lakas at buhay na buhay ang tunog niyon. Napatitig na lamang siya rito. Hindi alintana kahit marami nang napapatingin sa kanila.

Napabuntong hininga na lang siya. Kay sarap pagmasdan nito. Natutuwa siya na siya ang dahilan ng pagtawa nito.

Nang mahimasmahan ito ay lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Mga ilang sandali din ang tinagal ng labi nito roon. Napapikit naman siya at ninamnam ang sandaling iyon.

Hinawakan na nito ang kamay niya nang lumayo ito. Nang tingnan niya ito ay kitang kita sa mga mata nito ang ningning.

"Let's go." at giniya na siya papasok papuntang rides.

==================

Another high ranking and more reads!
Love na love ko na po talaga kayo!
Super thank you po sa support ninyo!

Another high ranking and more reads!Love na love ko na po talaga kayo!Super thank you po sa support ninyo!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

==================

Kamusta po?

Any comments?

Votes?

Thank you!

================== ❤️❤️❤️

Posted: June 28, 2020 4:35 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now