The Plan B

2.5K 130 2
                                    

Aya's POV

Nakasunod lang akong maglakad kay Max...obvious na wala sya sa sarili nya dahil hindi naya ko namalayang hindi na kami magkasabay na maglakad. Napabuntong hininga na ako saka patakbong lumapit ako sa kanya at yinakap ko sya habang nakatalikod sya sakin. at nabigla pa sya.

"Aya....." sabi nya. Sinenyasan ko sina Ronby na mauna na at tumango sila.

pagkalayo nina Ronby sa amin ay iniharap ko si Max sa akin....ang hirap ng sitwasyon na ang mahal ng kaibigan mo ay yung taong mahal mo din.

"Okay ka lang?" tanong ko at sinapo ng dalawang palad ko yung magkabilang pisngi nya at marahan syang tumango pero nag iwas ng tingin.

"Ayoko ng sinungaling..." sabi ko.

at parang napapadyak pa sya ng paa...parang bata talaga...

"Aya si Sid..." sabi nya na parang maiiyak na.

"Gusto mo bang itapon ko sya sa ibang planeta?" tanong ko na natatawa para lang mawala yung tense.

"Aya naman eh!" sabi nya sabay palo sa braso ko. inalis ko na yung palad ko sa pisngi nya upang mahawakan ko yung mga kamay nya at naglakad kami papunta sa kotse ko.

"Max pasensya na....two years ago napagbigyan ko na sya at pinaubaya kita....pero this time hindi ko na talaga kaya na ipaubaya kita..." sabi ko

napabuntong hininga na ako.

"Max tiisin mo itong panget na ugali ko at itong pinakanakakainis na pagiging madamot ko.....sobrang damot ko kase pagdating sayo...gusto ko akin ka lang hindi ko kakayanin kapag napunta ka sa iba.....yung way ng pagtingin mo sakin hindi ko kakayanin kapag nakita ko ginawa mo yan sa iba....yung pag ngiti mo...yung pagsasabi mo ng i love you...yung paghalik mo...yung lahat lahat sayo natatakot ako na baka maagaw sakin ng iba." sabi ko at naramdaman ko yung paghigpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko.

at ng pinabaling nya ko paharap sa kanya ay sobrang hiyang hiya akong ipakita sa kanya yung duwag na side ko. wala naman talaga akong kinatatakutan pero pagdating sa babaeng ito sobra akong natatakot....natatakot na masaktan sya ng dahil sakin at natatakot akong mawala sya sakin.....Pero pagtingin ko sa mga mata nya...yung mga nakita ko doon ay pagmamahal....sobrang pagmamahal yung nakarehistro dun...

"Aya....Mahal na mahal kita....kahit anong mangyare nakikiusap ako wag mo akong iiwan huh?" sabi nya.

"Ako....ako dapat yung magmakaawa sayo nyan dahil ako yung pinakakanatatakot na baka mawala ka sakin...." sabi ko.

Kier's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko una kong nabungaran ay sina Papa at Ate Harra. AWW! ang sakit ikilos ng kaliwang binti ko...talagang pinuruhan ako ni Anderson.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Papa habang si Ate Harra ay kampanteng nakaupo sa isang sulok.

"Okay na po ako.." pagsisinungaling ko...talagang masakit eh pero ayokong mag alala pa sina Papa.

"Ano bang nangyare?" tanong ni Papa. Hindi pa pala nagkukwento si Ate.

"Nainlove sa babae...." sabi ni Ate na nang aasar

"Huh?" takang tanong ni Papa saka ako ninerbyos.

"Ate..." pasimpleng saway ko kay Ate.

"Papa maganda...." lalong nangingiti si Ate na natataas ang kilay

"Anong maganda?" lalong naguguluhang sabi ni Papa habang palipat lipat yung tingin sa aming dalawa.

"Yung babaeng nililigaw-------" hindi pa man din natatapos yung sasabihin ni Ate ng umarte na ko.

The New Day Sun (gxg)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें