Apart

2.5K 133 15
                                    

Harra's POV

Napakasakit ng ulo ko dahil sa hangover...
"Huli na talaga 'to...di na talaga ko iinom..." sabi ko sa sarili ko habang bumabangon sa kama at doon ko lang narealize na nakapangtulog ako....doon na ko naalarma!
"L-Lopez!!!" natatarantang tawag ko....

"Boss bakit po?" humahangos na tanong nya ng pagkadating nya

"Lopez...since high school tropa na tayo di ba? Nangahas ka ba na..." sobrang nagpapanic na tanong ko sa kanya at sinenyas yung damit ko at muling tumingin ako sa kanya. Namilog yung mga mata nya.
"Whattttt? Hindi no! jusko Boss...."sabi nya...
"Sinong...sinong nagbihis sakin?" tanong ko

"Si Miss Jade...tinawagan ko sya kagabi para alagaan kayo..." masayang sabi nya. At parang doon ay gustong magpass out...Nakita na nya yung lahat sa akin!!!!!

"Boss okay ka lang?" tanong nya

"Nandun din ba sya sa bar?" napalunok kong tanong

doon na natawa si Lopez...

"Boss tinawag nyo syang 'Mahal ko' hahahaa" maluha luhang sabi ni Lopez...doon na ko napasalampak sa sahig....
Jusko! Masamang Patatas! Wala na! wala na kong mukhang maihaharap!

Russell's POV

"Nahuhulog na yung loob mo sa kanya?" parang di kumbinsidong tanong ni Ronby sakin matapos kong ikwento sa kanya yung lahat. Marahang tango lang yung naging tugon ko sa kanya.

"Mabuti naman syang tao....pero alam mo yun dapat buong buo muna yung desisyon mo bago ka umamin...." sabi ni Dom

"May tamang oras para umamin Russell....kapain mo munang mabuti yung sarili mo kung sigurado ka bang talaga na gusto mo sya...mahirap magpadalusdalos..." sabi ni Ronby.

"Marahil iyon nga ang tama...kailangan kong isave yung puso ko bago pa ito masaktan..." tugon ko.

Pagkatapos kong makipag usap kina Ronby ay napagpasyahan ko na maghalf day kase wala ako sa mood na pumasok ng office..nakakainis yang Kier na yan paasa!
papaliko na ko ng lobby ng Santillian Empire ng makita ko si Harra....si Harra na nakataas ang kilay sakin habang papalapit sakin...anong problema ng isang ito! So kapag galit yung isa...galit din yung isa...pagsasapakin ko na lang kaya itong magkapatid na 'to!

"Ano?" tanong ko...kasora! sya na nga tinulungan kagabi sya pang masama makatingin sakin... wala talagang puso!
Hinila nya ko palabas ng kumpanya at dinala sa parking lot...

"Ano bang problema mo?" inis na turan ko sa kanya
"Wow! just wow! Anong klaseng reaksyon!" sarkastikong sabi nya.
"Hoy!Harra ano ba yang pinuputok ng butse mo?" naiiritang tanong ko
"ilang segundo mong tinitigan at pinagpantasyahan yung katawan ko kagabi?" tanong nya...Ano daw? Anak ng!
"Harra green ba favorite color mo? medyo bawasan mo pati brain cell mo nadadamay eh.." kapal ng mukha ng tsina na to! gawin pa kong manyakis!

"Alam mo Jade kung manyakan time pala gusto mo dapat sinabi mo hindi yung pinagpapantasyahan mo ko ng walang kalaban laban...ay wag ganun...bad.." mayabang na sabi nya habang ngising ngisi.
"Okay...heto na naman tayo..." bulong ko...napaka...napakayabang talaga ng taong to!
"Harra wag kang assuming please...sumasakit talaga ang ulo ko sayo eh...anong pagpapantasyahan ko dyan eh puro taba!" balik na pang aasar ko sa kanya.

"Haist! sabi na nga ba! ang bastos mo Jade! How dare you?? Panagutan mo kooo!" sigaw nya.

"Anong panagutan??? Hibang?... hibang! grabe shabu! ikaw? mamanyakin ko? pumunta ka nga ng albularyo...magpaalis ka ng sapi!" sigaw ko sabay walk out...bwusit! ang kapal ng mukha mambintang!

Kier's POV

Damn! nakakainis itong salitang 'Selos' ...Sana ibang tao na lang..pero kapatid ko pa...
"Ano bang karapatan mo Kier para magselos..kayo ba?" pagalit ko sa sarili ko.

The New Day Sun (gxg)Where stories live. Discover now