Kier

2.7K 134 7
                                    

Russell's POV

kahit sobrang tamlay ng pakiramdam ko ay pinilit ko pa ding pumasok ng opisina....gusto kong maging busy para hindi ko dibdibin yung panaginip ko....pero papaliko pa lang ako ng main door ng kumpanya ay sumulpot sa harap ko si Kier na nakangiti sakin....gosh! not this time ayoko ng makulit.....

"Goodmorning..." bati nya kaya lang di ko lang talaga kayang makipagkulitan sa ngayon kaya isang ngiti lang yung naibigay ko sa kanya.

"Today is my birthday...." nakangiting sabi nya.

"A--sorry Kier hindi ko kase alam pero siguro mamaya bilhan kita ng gift....Happy birthday...." sabi ko at mas lumawak pa yung ngiti nya.

"Pagbigyan mo lang ako ngayong araw na ito...Please this day I dont accept 'No' for an answer....pwede ba tayong magdate?"Nakangiting sabi nya.

"Pero Kier....." sabi ko kase talagang wala ako sa mood

"It's my birthday..." malungkot na sabi nya at bagsak na yung balikat nya at nakayuko...nakalagpas na sya sakin ng dapuan ako ng konsensya..

"Kier..." tawag ko sa kanya

lumingon sya sakin...nakangiti nga sya pero ang lungkot naman ng mga mata nya...

"yes..." sabi ko at napangiti sya ng totoo habang papalapit sakin...she's cute..

"Really?" tanong nya na sobrang saya nya.

"You said...ayaw mo ng 'NO' for an answer...saka wala akong gift sayo eh kaya magdedate na lang tayo..." sabi ko na nakangiti ba naman nakakadala yung smile nya.

inilahad nya yung kanang kamay nya sa harap ko habang nakangiti....

"Ready princess? " tanong nya...

saka ko iniabot yung kamay ko sa kanya...Dapat magtiwala ako gaya ng sinabi ni Andy....

mabait at sweet na tao si Kier kaya hindi ako magtataka na ang dami din humahanga sa kanya.....madami silang similarities ni Andy pagdating sa ugali kaya komportable ako sa presensya nya....inalalayan nya ko makasakay sa kotse nya.

habang nagdadrive si Kier ay panay ang kwento nya about sa mga kaibigan nya nung bata sya.

"Matutuwa ka kapag nameet mo sila matutuwa ka sa kanila....hindi sila normal...." natatawang sabi nya.

"Makakasama natin sila?" parang naeexcite na sabi ko.

"Opo makakasama natin sila...." nakangiting sabi nya...nawawala na naman yung mga mata nya..

mayamaya ay pumarada yung sasakyan nya sa isang eskinita. mga simple lang yung bahay....pagkababa namin..

"Dito ko lumaki before ako mapunta sa mga Chua..." nakangiting sabi nya tapos inoofer nya na kumapit ako sa braso nya kaya kumapit na ko. habang naglalakad kami papunta dun sa bahay ng mga kaibigan nya.

"Kann-Kann! kamusta ka na?"

"Kann bakit ngayon ka lang nadalaw ditong bata ka?"

ganyan yung mga bati sa kanya ng mga taong nakakasalubong namin....magiliw naman na nakikipag usap sya sa kanila....isa syang simpleng tao....

mayamaya ay huminto kami sa isang bahay na gawa sa flywoods at yero na napapaligiran ng madaming halaman na nakatanim... kumatok sya sa pintuan at mayamaya ay bumukas yung pintuan at parang natulala pa ito ng makita nya yung mukha ko kaya napayuko ako....

"Hoy Kann s-sino sya?" mahinang sabi nya

lumapit sa kanya si Kier at may binulong at namilog yung mga mata nito...

The New Day Sun (gxg)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt