El que se escapó

2.2K 104 32
                                    


Russell's POV
Hindi ko na alam yung gagawin ko dahil kahit saang anggulo ko ilagay yung sarili ko nasasaktan ako. Kung hindi kaya nawala si Andy mangyayare pa din kaya ito? Sana panaginip na lang lahat ito yung gigising ako at mukha ni Andy yung mabubungaran ko.Pagkaalis ko ng sementeryo dumeretso ako sa bahay nina Dom at Ronby. Pagkabukas na pagkabukas palang ng pintuan nila at ng masilayan ko si Ronby... wala na tuluyan ng tumulo yung luha ko at yinakap sya.
Gusto ko lang sumaya...pero hindi ko alam kung paano magdesisyon para sa sarili ko.
Nakaupo ako sa sofa habang nakaluhod sa harap ko si Dom at si Ronby nakatayo sa likod ng asawa nya.
"Thank you for loving Andy...." sabi ni Dominique habang pinupunasan nya yung luha ko na walang patid sa pagtulo. Heto naalala ko na naman lahat lahat ng ala ala namin.
"Dom...kung...kung kaya ko lang ibalik yung oras...sana nagawan ko ng paraan na hindi nawala si Andrea satin....lalo na sakin....nakakainis! Sya lang naman yung kailangan ko eh. Sobra...sobra na yung pangungulila na yung nararamdaman ko..." umiiyak na reklamo ko sa kanila.
Ngumiti ng mapait si Dom at kita ko yung kalungkutan na bumalot sa mga mata nya.
"Russell...pwede mo ng simulan yung bagong chapter ng buhay mo....bilin din nyang mabuhay ka para maging masaya sya. Yung pagmamahal mo kay Andy nandyan yan sa puso mo hindi na yan maaalis at lalong hindi mababago but things different since umalis si Andy. Magmahal ka ulit at wag mong gawing standard sa pagpili yung kagaya ng kay Andy lalo ka lang mababaon sa lungkot. " turan ni Dom
"Let your heart decide..." wika ni Ronby.
"Subukan mo ulit magmahal Russell.hindi mo naman kailangan kalimutan si Andy ang dapat mong gawin tanggapin yung sa inyo ni Andy.....hindi nangyayare ang isang bagay ng walang dahilan." Saad ni Dominique.
At that moment parang nagising ako sa sarili ko.

Kier's POV
Arggggg! Sa dinami dami ng tao talaga na madadatnan ko talagang yung Sid na to yung madadatnan ko.
"Mukhang nagmamadali ka yata?" Nang uuyam na tanong nya.
Napangiwi ako at sumagot..
"Medyo..." sagot ko. Kailangan ko ng makita si Russell kase parang sasabog na yung puso ko kapag di ko pa sya makikita sa mga oras na to.
"Bakit hindi kapa sumunod sa kapatid mo...nakalabas na sya ng bansa.." turan nya at walang buhay syang tumingin sa akin.
Napahilamos na ko ng palad ko sa mukha ko at parang nanghina yung tuhod ko sa nirinig ko.
"Mukhang di mo alam?" Natatawang saad nya kaya nagsalubong yung kilay ko.
"Alam mo konting konti na lang talaga tingin ko crush mo talaga ako! Talagang bawat kilos ko Sidney?" Naiinis na turan ko sa kanya. Para syang ex wife na naghahabol sa asawa sa mga kinikilos nya. Kakasora!
"What the! T@ng ina feeling mo naman!" Sa inis nya binato nya sakin yung hawak nyang cellphone at buti na lang nakailag ako basag eh.
"Oo talaga nakakainis ka.Alam mo maganda ka na sana kaya lang para kang dragon...kakainis punung puno na ko sa ugali mo!" Frustrated kong sabi sa kanya. Kakainis lagi syang sumasabay sa napakaimportanteng oras sa buhay ko.
"Peste ka bawiin mo yang sinabi mo?" Gigil na sabi nya.
"Alin dun? Yung maganda ka? Okay..binabawi ko na!" Saad ko at napatigil ako ng marinig ko yung tawa ni Kiyo.
"Nakakaaliw kayo. Bagay kayo" saad ni Kiyo.
"What?/Hell No!" Sabay na sigaw namin ni Sid.
"See bagay talaga kayo" natatawang banat ni Kiyo.
Napabuntong hininga ako at nagmamadaling binigay ko kay Sid yung calling card ko.
"Look...I'm in hurry. This is my number call me tomorrow para maibigay ko sayo yung kapalit na cellphone na yun.." nguso ko sa basag na cellphone nya at talagang salubong yung kilay nya sakin.
"Puso mo na lang kapalit Kier..." natatawang banat ni Kiyo.
"Not funny Kiyo..." poker face kong saad saka nagmamadaling umalis sa harap nila.
"Kung kaya ko lang...aishhh! Wala sanang nasasaktan sa aming tatlo..." parang sasabog na yung dibdib ko sa sakit, pag alala at kung anu anong nararamdaman ko ngayon...ilang araw na kong walang tulog dahil sa nangyayare sa amin nina Russel.
Nagtext sa akin si Ronby na nasa kanila si Russel kaya hangos ako papunta sa kanila.
Ang dami kong gustong sabihin kay Russel...lahat ng nasa puso ko gusto kong paulit ulit bigkasin sa kanya kung gaano ko sya kamahal...pero di ko alam kung saan ako magsisimula. Pagparada ko ng sasakyan ko sa harap ng bahay nina Dom... pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga letse! Dapat talaga pinilit kong matulog nung mga nakaraan..pakiramdam ko magkakasakit pa yata ako.
Pagkadoorbell ko sa front door ng bahay nila...pagkabukas na pagkabukas noon ewan bakit hindi ko na magawang ngumiti dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko basta ang naaalala ko na lang yung worried at panic na mukha ni Dom na parang sasaluhin ako ang huling naaalala ko bago ako nawalan ng malay.

Harra's POV
Walang patid ang luha ko at pigil ko ang paghikbi habang lulan ako ng eroplano at may ilang pasahero na yung napapatingin sakin na para bang nakikisimpatya.
"Okey ka lang?" Tanong sa akin ng katabi ko at inaabutan ako ng panyo.
"Hindi..." totoong sagot ko habang pinupunasan yung luha ko na di ko mapigilan.
"Lovelife?" Tanong nya at tumango ako.
"Ano bang nangyare?" Tanong ulit ng babae.
"Tang ina! Hindi ako mahal...nakakainis di naman kagandahan" mahinang hikbi ko at napatawa sya ng mahina.
"Pero ginawa mo naman yung tama..ang umalis." saad nya at napatingin ako sa kanya.
"Love will come to you when it’s ready,Not necessarily when you are.” by Danielle Shorr" saad nya saka sya ngumiti saakin.
"Magiging maayos din lahat kahit padahan dahan." Saad nya.
Makakaya ko ito at balang araw matatanggap ko din na hindi kami magkaguhit ng palad ni Jade.
..............................................................................
Wooooh! Last chapter na sa susunod...kapit ng maige guys...kabog ang huling chapter!
Kampihan na Team Kier o Team Harra!
Salamat sa pagbabasa
Vote and Comment kayo guys para pampagana.
~dark19

The New Day Sun (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon