And they like her...

2.7K 128 9
                                    

Russell's POV

nasa sementeryo ako ngayon para bisitahin yung puntod ni Andy.....lagi akong nagkukwento sa kanya ng mga nangyayare sa buhay ko....yung nangyare sa buhay ko after she died....

"Andy ihahakbang ko na yung mga paa ko paabante patungo sa pangarap nating dalawa.....kase naman ikaw bakit iniwan mo ko kaagad.....Pero wag kang mag alala mahal ko....magiging maayos din ako..." sabi ko...mayamaya ay may naramdaman akong lumapit sa akin.

paglingon ko si Kier tapos inilahad nya yung kamay nya sa harap ko at ngumiti sya sa akin....

"Andrea...Pahiram si Russell huh? pangako hindi ko sya sasaktan....tutulungan ko sya hindi para kalimutan ka kundi para matanggap nya lahat...at malaman nya na hindi ka naman talaga nawala..." sabi ni Kier.

Ewan bakit nagtiwala agad ako na ipahawak yung kamay ko sa kanya...sa paraan kase ng pagkakatitig nya sakin parang sinasabi na magiging maayos ang lahat at ewan bakit sa pagkakatitig nya eh pumapanatag yung kalooban ko.

She hold my hands while we are walking toward her car.

"Fit yung mga kamay mo sa mga kamay ko...sa tingin mo destiny yun?" nakangiting sabi nya na ikinataas ng kilay ko.

" Are you waiting for me to say it was a joke?" sabi nya at napahinto kami sa paglalakad at napatingin sya sakin habang kunot ang noo

"Nantitrip ka ba?" sabi ko

itinaas nya yung kamay na magkadaupang palad.

"Matibay ang ebidensya na fit talaga eh...." nakangiting sabi nya. ano bang nangyayare sa babaeng ito.....

"You have a boyfriend....sya yung nararapat para sa mga kamay mo....", sabi ko....naglakad kami pero ayaw pa din nya bitawan yung mga kamay ko.

"Really?" tanong nya at tumango ako ng lumingon sya sa akin.

napangiti sya. "Mula ng makilala kita Russell marami akong narealize sa buhay....nakita ko sayo na kapag pala nasaktan ka at nasugatan sa nangyare hindi sapat na lulunasan mo lang ito para tumigil sa pagdudugo kase mararanasan at mararanasan mo yung

paghapdi nito hanggat di naghihilom ng tuluyan...ang diprensya lang walang ibang makakaramdam kung gaano ba talaga kasakit yung natamasa mong sugat....kung maghilom man madalang yung hindi na nagpepeklat. I know you are still bleeding for what happened.....pero nandito ako para mapagaling ko yung sugat na naiwan dyan sa puso mo....hindi natin lilimutin si Andy....hindi ko ipagpapatuloy yung naiwan nyang pangarap nya para sayo bagkos sasamahan kitang matupad yun at pagkatapos gusto ko gumawa ng isang pangarap para sayo.....gusto ko makita mo ako hindi dahil kay Andy....Russell....Gusto kita eh...gustong gusto...",sabi nya

She...she like me?

Harra's POV

ewan bakit sobrang tamlay ng araw ko ngayon...nakakawalang gana kumilos...

"Ma'am....gusto mo po sya at hindi po maipagkakaila..." sabi ni Lopez kaya napataas yung kilay ko sa kanya.

"I dont like her....Sobrang asar nga ako sa Jade na yan eh..." sabi ko at napahilot ako ng sentido ko.

narinig ko sya natawa ng mahina kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong nakakatawa?" sabi ko

"Ma'am kung nagtake kayo ng psychological test malamang Ma'am eh 100% eh pasado yang resulta...inlove kayo.." sabi ni Lopez...abat telepandas na lalaking ito!

"Ma'am ang tanong ko lang naman 'gusto mo po sya at hindi maipagkakaila' wala po akong binanggit na pangalan....si Ma'am talaga eh.." sabi ni Lopez na naiiling.

"Alam mo Lopez wala kang naitutulong kamo.." sabi ko sabay ayos ng mga papeles...bigla kase ako nataranta eh...hindi pwede eh.

"Ma'am wag kayo mawalan ng pag asa...eh ano ngayon kung pumoporma na si Ma'am Kier kay Ma'am Jade? Ma'am akong bahala sa inyo...tuturuan ko kayo ng Filipino style ng panliligaw...."sabi nya.

"Lopez yung totoo? nakadroga ka ba?" sabi ko.

"Ma'am halata namin kayo noh...una kay Ma'am Jade lang kayo madaldal....second hindi kayo nagpapatuloy ng hindi special na tao dito sa galery...third..yung paraan ng pagtitig nyo sa kanya...kakaiba eh...forth...pinaimbistagahan nyo po sya at ang pinakahuli at pinakamalala eh yung binato nyo ng bola sa ulo yung kalunch date ni Ma'am Jade...Selos po ang tawag dun...." sabi ni Lopez at napailing ako at napangiti.

"Alam mo Lopez...ang dami mo kamong alam...",sabi ko na natatawa...

"Ma'am syempre gusto namin kayong sumaya...saka jusko naman Ma'am high school pa lang po tayo eh assistant nyo na ko...." sabi nya. Para ko na talaga silang pamilya kase sila yung pinoprotektahan ni Mama dati kaya di ko na sila itinuring na iba.

"Oo...gusto ko sya pero gusto din sya ng kapatid ko....ako yung nakakatanda dapat ako yung magpaparaya...." sabi ko...ewan kahit sobra yung galit ko kay Kier may part ng pagkatao ko yung gusto ko syang maging masaya.....

"Ma'am eh hindi pa naman sila ni Ma'am Jade kaya may pag asa ka pa...hanggat di ka nababusted ni Ma'am Jade eh ligawan mo lang....Hayaan nyong si Ma'amJade yung magpasya kung sino sa inyo yung gusto nya...lumaban po kayo kase hindi bumabalik yung isang araw sa buhay ng tao...at saka Ma'am kami ang bahala sa paraan ng panliligaw nyo...." sabi ni Lopez.

Tama ba itong sumang ayon ako sa kalokohan ng assistant ko? Tama isang beses lang dumadaan sa tao yung pagkakataon...I will make her fall in love with me....lalaban ako...Pero nasa kanya yung puso ni Andrea...may laban nga ba ako?

.....................................................

Guys hahaha next chapter the ligawan portion naaaaaa.....

thanks for reading

vote and comment kayo huh salamat.

dark19

The New Day Sun (gxg)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ