How to spell SELOS

3.1K 133 17
                                    

Harra's POV

Ewan ba kay Papa bakit pinasunod sunod nya ko dito sa resort namin kung tutuusin malaki na si Kier para bantayan....hay bakit ba kase napakalapitin sa disgrasya ng babaeng yun eh... Nagleave pa si Lopez kaya heto ko ngayon ngalay sa pagdadrive.

mayamaya ay nagring yung phone ko

"Hello..." walang ganang bati ko at isang malakas na halakhak lang yung binigay nya sakin...This bitch again..

"What?" walang ganang tanong ko

"Pauwi na ko ng Pilipinas." sabi nya. Jusko naman nagpatong patong na kamalasan ko...

"Carmela kay Kier ka bumarkada ng payapa yung buhay ko.." natatawang sabi ko.

"Ayoko...masyadong mabait yung kapatid mo...gusto ko ikaw ang makasama ko...magkatimpla tayo ng kidney...." maktol nya...

"Bahala ka..." sagot ko

"See you soon bitch...." sabi nya bago nya ibaba yung tawag.

Sino si Carmela? bestfriend ko at ex girlfriend ni Aya na paasa....thats why i really hate Aya...pinaiyak lang naman nya yung bestfriend ko matapos nyang kunin yung ano ng kaibigan ko.....

nang makarating ako sa private resort namin ay agad akong sinalubong ng katiwala namin...

"Magandang araw maam....di po namin inaasahan na darating kayo para naman po nailuto namin agad yung paborito nyo.." sabi nya

"Okay lang po...mamayang gabi nyo na lang iluto....gusto ko sapat lang sa isang tao.."  sabi ko...tatakamin ko mamaya si Kier...ganti ko dahil sa kapangahasang ako pa ang taga bantay ng babaeng yun...

Naglalakad ako papunta sa balcony ng resthouse ng matanaw ko si Jade kasama yung mga kaibigan ni Kier....Napahinto ako sa paglalakad at napahanga sa taong pinapanuod ko mula sa malayo....Her smile that you dont have any strength to ignore....nakakahawa kapag ngumingiti sya kase pati mga mata nya ngumingiti...bawat anggulo ng mukha nya na sigurado ikamamangha mo kapag nakita mo.....ito ba yung pakiramdam ni Andrea Cielo ng una nyang nasilayan yung mga ngiti ni Jade?

Napapikit ako at kumuha ng lakas ng loob para makalapit sa kanya......kase baka kung hindi ay matuluyan ako mapugtuan ng hininga everytime na nasa harap ko sya at nakangiti sakin.....isinuot ko yung black shade ko para di nya makita sa mga mata ko kung gaano ko sya hinahangaan......

Russell's POV

lumipad yung suot suot kong balanggot dahil sa lakas ng hangin....nasa tabing dagat kase kami nina Van at Grace dahil si Kier ay busy kausap yung Papa nya...paglingon ko para pulutin yun ng may maglahad nito sakin....Si Harra...

"Bakit parang nagulat ka na nandito ako? tsk! Amin to..."  sabi nya at bigay sakin ng balanggot sakin...napakasungit ng telepandas na Mulan na ito....

Napatingin sya sa gawi nina Van...

"Hoy..Vanessa bakit nandito ka? Hindi mo pa alam yung english ng pustiso ah! Sinong guard nagpapasok sayo dito?" natatawang pang aasar ni Harra kay Van

"Harra!!!! Ikwento mo sa buko para maging inyog! Hindi gataan sa comedy tandaan mo yan..." balik pang aasar ni Van kaya natawa ako..

"Hayaan mo sulit naman comedy ko kase bentang benta sayo....."  balik na kantyaw ni Harra

"Harra sabi ko naman sayo matutulog ka para di ka nahihibang...." sagot ni Van.

"Demanda kita trespassing kapag di ka tumawa..." sigaw ni Harra

"Ilan gusto mo apat? HAHaHaHa?!" sarkastikong sagot ni Van sabay walkout..

"Sweet nyo ni Van baka magkatuluyan kayo nyan?" pang aasar ko kay Harra. Napahubad sya ng shades at napatitig sakin.

The New Day Sun (gxg)Where stories live. Discover now