Chapter - 37 ( Seb & Trixie )

1.4K 164 47
                                    

SEB & TRIXIE..

Ellaina's POV...

Nang makabalik kami sa Mondejar University. Ay nagtaka ako ng di kami sa resthouse tumuloy. Kundi sa villa na nasa gitna ng gubat. Pamilyar sa akin ang lugar na yon. Maraming ala-alang pilit nagsusumiksik sa akin. Pero diko naman matandaan. Isang matandang babae ang sumalubong samin . Si Yaya Meding na sabi ni Jarred ay yaya ko daw nung bata pa ako.ito ang paminsan- minsang naglilinis ng villa pero sa dorm daw ito talaga naka -base. Kaya si Magi nalang ang ipinilit ko kay Jarred na maging maid don, naiilang kase ako sa titig ng matanda kahit sabihin pang maid ko sya non. At least kay Magi ay sanay na ako.

Pagkadating namin ay nagpahinga lang saglit si Jarred at pumunta na ulit ito sa school, may problema daw sa ridding club kaya nagmamadali itong pumunta. Wala pa rin kase si Azzer . Baka nasa pAris pa ang lalaki.

Si Magi nalang tuloy ang kasama ko don. Hindi ito makapaniwalang kasal na ako kay Jarred.

"Nakakabigla kase Ellaina, akala ko si Traviz ang mapapangasawa mo" ngiti nito habang sinusuklayan ako ng buhok, magaling magayos ng buhok ang baklita kaya sinabi ko sa kanyang Itirintas nya yon para magmuka akong manika.

"Ewan ko ba Magi, bigla nalang mahal ko na si Jarred, " sabi ko.

"Sabagay iba ang spark nyo kesa kay sir Traviz non, "

"Pansin mo?" Ngiti ko sa kanya.

"Oo naman,ingat  na ingat sayo si sir Traviz na parang kahit sa sarili nya ay pino- protektahan ka, samantalang ang asawa mo ngayon napaka possessive, pati yata ako binabantaan"

Napatawa ako sa sinabi nya.

"Ganon nga yon, takot nga ako dati don eh" sabi ko.

"Pero fafable naman"

Ngumisi ako.

" magi gusto kong magmukang manika, pwede moba akong ayusan? " sabi ko.

Natigilan naman ito at minasdan ako sa salamin.

"Ellaina sobrang ganda mona kaya, di kapa ba kontento sa ganda mo? Kung ako lang ang biniyayaan ng ganyang ganda ay naku...lahat ng gwapo dito titikman ko!" Biro nito na ikinahalakhak ko. Pagkuway nagsersyoso ako.

"May nakita ako sa california, sobrang ganda at para syang manika, i want to be like her" sabi ko.

"Naku naman Ellaina, syempre may kanya-kanya tayong ganda, ang importante ikaw ang reyna dito sa MU oh diba? Sikat na sikat ka, ikaw ba naman ang asawahin ng hari dito"

Ngumiti lang ako.pagkuway tila may naalala ito.

"Alam mo may kilala akong maganda din eh kasing ganda mo rin as in wow talaga, super ganda nya kaya lang masyado pa yong bata" biglang sabi ni Magi.

Kumunot ang noo ko. Marami talagang maganda. Nakakainis.

"Sino naman yon?"

"Pinsan ko, high school pa nga lang sya, pinakamagandang babaeng nakita ko nong dipa kita nakikilala, para din syang manika kaya lang di mo katulad. Mahirap lang kami eh " sabi nya.

"Ipakilala mo nga sakin, baka ireto ko kay Angelo, " sabi ko.

"Hala di pwede, nagaaral pa ng high school yon eh! Pag graduate nya magta trabaho na rin yon, walang pampaaral ang mga magulang nya sa kolehiyo eh" sabi nitong nalungkot bigla.

"Ano bang pangalan?".

"Nya?"

"Oo"

"Serena, Serena Mujer, ang mutya ng Barangay San Isidro" buong pagmamalaking sabi ni Magi.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now