Chapter - 15 ( Jealous Strike take 2 )

1.6K 158 56
                                    

JEALOUS STRIKE TAKE TWO....




Ellaina's POV...

Lunch break, nakita ko na naman ang mahaderang si Katrina sa tabi ni Jarred sa table.
Naginit na naman ang ulo ko. Iiwas sana ako at kina Imarie ulit Sasabay pero siniko ako ni Trixie.

"Girl hindi yan ang Ellaina na kilala ko sa L.A ha, matapang yon at palaban..bakit ngayon parang naduduwag ka yata?" Sabi nito.

Matalim kong tiningnan si Trixie.
Nakakainis tong babaeng to. Pero nahamon nya ako sa sinabi nya. Kaya hinila ko sya papalapit sa pwesto nila Jarred.

"Support girl " hagikgik nito at yumakap pa sa braso ko. Taas noo akong lumapit don kasama ang kaibigan.

Nakita ko ang nakangising muka ni Azzerdon pagkakita sa amin.

"Oh Ellaina akala ko di kayo sa amin sasabay eh, " tila nakakalokong saad ng kapatid. Inirapan ko lang ito at pabalang na naupo sa tabi ni Jarred. Nasa kanan nya ang malanding si Trina.

Nakade-kwatro ang paa na humalukipkip akong sumandal sa upuan. Tila natensyon ang mga naroon dahil sa pagdating namin.

"Sinong kukuha ng food ko?" Nakatikwas ang kilay na tanong ko.

"Ako nalang girl, dyan ka lang" kindat ni Trixie saka tumayo para pumila. Nagsimula ng kumain sila Azzer pero si Jarred ay nakita kong di pa ginalaw ang pinggan nya.

" kain na Jarred, di mo ba gusto ang niluto kong adobo?"

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ang nanghahalinang tinig ni Katrina. kumuyom ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa.

"Sis bakit ang pula ng mukha mo? Me sakit kaba?" Nakangising tanong ni Azzer. Parang nakakaloko to ah.

Magtigil kang lalaki ka, baka samain ka sakin at ikaw ang magkasakit ng wala sa oras.

Nagsisimula na akong ma bad trip. Lumingon ako sa babaeng malandi at inirapan ko sya ng makitang nakangisi ito sa akin. Si Jarred at tahimik lang at di pa rin ginagalaw ang pagkain nya. Sa kanya talaga babaling ang galit ko pag di sya nagsalita .

"Bakit di ka pa nga naman kumain ha Jarred? " tanong ni Azzer. Sabaterong ermitanyo. Sobrang sama ng tingin ko kay Azzer. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko sya sa ilalim ng mesa.natigilan tuloy ito pero nakangising bumaling sa akin.

"Ang paa mo Ellaina, alagaan mo at baka putulin na yan pag pinalala mo pa" sabi ni Azzer. Natakot tuloy ako. Inismidan ko sya saka bumaling kay Jarred. Nakatingin na pala ito sa akin.

"Tinitingin mo dyan? Kumain ka na daw sabi ng girlfriend mo!" Asik ko.

Nakita ko ang pagka-alarma ng mga lalaki sa table . Sila Chad at Angelo ay panay ang subo ng pagkain na parang nagmamabilis matapos .sila Bobbie at gil ay napapailing ,while Raiko seems so excitted. Si Seb ay wala eh..kay Trixie nakatingin na nakapila sa canteen. Nainis ako sa lalaki.ewan ko ba pag bad trip ako parang lahat gusto kong idamay.

"Seb,tulungan mo nga si Trixie, kunwari kapa dyan..tingin ka naman ng tingin.." Mataray na puna ko kay Seb na nasa kabilang dulo ng mesa. Tumawa ng malakas si Raiko habang ang iba ay nailang. "Wag mo ng hintaying maka move on si Imarie kase baliw na yon sa iba" dagdag ko pa.

"Ellaina yang bunganga mo papasakan ko na ng buong kanin" iritadong sabi ni Azzer. Di ko sya pinansin. Tumayo si Seb at sinundan ang fiancee.

Nang dumating ang pagkain ko ay saka ako nanahimik. I saw Jarred na kumain na rin ng magsimula akong sumubo. Pero galit ako at ang tingin ko sa mga ito ay kalabang lahat.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now