Chapter - 06 ( I'll Let You Kiss Me )

1.7K 180 53
                                    

I'LL LET YOU KISS ME.....



Ellaina's POV...

Last day ng suspension ko. Inip na inip ako sa resthouse na yon. Iniiwasan ko kase si Jarred pagkatapos naming maghalikan, naku baka madaldal yun ay masabi pa kay Traviz. Si Azzer ay nabalaan kona tiyak na di na yon magsasalita. Maaga akong gumising at nakita ko si Imarie na nagkakape sa baba.

"Hi bff, kain kana! " nakangiting sabi nya. Ano naman tong luto nya? Parang tanga lang tong magluto.

"Ano to? " taas ang kilay na tanong ko sa kanya. Nakabihis na sya ng uniform nya .

"Omelette yan, sensya kana di ako marunong magluto! Dina yata babalik yun maid dito" sabi nya.

Naupo ako sa tapat nya. Tskk kawawa ang mapapangasawa ng babaeng to, di marunong sa kusina at least ako kaya kong mag prito. Buti hindi si Seb ang magiging asawa nya. Naalala ko ang tungkol kay Seb.

"Ahmm Imarie pwedeng magtanong? "

"Oo naman, ano yun? "

"Kayo ba ni Seb? " direkta kong tanong.

Tila nalungkot ito sa tanong ko. Sabi ko na eh. .baka alam na nya ang tungkol kay Trixie. Tskkk...

"Wala ka talagang natatandaan no? " sabi nya,  "magkaibigan nalang kami non bff, mula ng mawala yun utol ni Jarred" aniya.

"Ah..pero dina kayo? Wala kanang feeling o after shock? " tanong kopa. Gusto ko kase silang magkakilala ni Trixie. Para kaseng madaldal din ito eh malungkot lang.

"Anong after shock? " tawang -tawa ito.  "Wala na, friend nalang kami. Isa pa may fiancee na yun! "

Napanganga ako. Alam na nga nya.

"Okey lang sayo? Kase alam mo Imarie kaibigan ko ang fiance non eh, nakilala ko sa LA. "

"Oo kilala kona, wala namang nalilihim dito sa MU, "

"Ayii buti naman. Mamaya pakilala kita sa kanya ha, " sabi kopa.

"Sige bff.. "

"Luto rin ako ng food ko, alam mo sanay kase akong magluto sa LA kase nung una wala kaming maid ni Traviz, eh no choice kase di rin sya marunong magluto kaya ako na ang nagkusa, specialty ko ang hotdog kahit anong tatak masarap! " daldal ko. Masaya kase ako sa nalaman sa kanya.

Tumawa ito ng malakas. Habang nagbabalat ako ng skinless longganisa.

"Bff ang dali lang naman non lutuin eh, ilalagay mo lang sa kawali okey na, anong specialty ka dyan? "Sabi nya.

"Ha? Favorite yun ni Traviz eh, sabi nya yun daw ang specialty ko " sabi kona lalong ikinatawa nya. Luka pala ang babaeng to.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now