Chapter - 27 ( Painful Goodbye )

1.5K 155 80
                                    

PAINFULL GOODBYE....





ELLAINA'S POV...

Nagulat ako ng magising isang araw at madatnan sa resthouse si Traviz. Naka sando ito at short na kulay brown at sapatos na rubber shoes with a blue cap. Kumunot ang noo ko. Hindi ko inaasahan ang pagdating nya. Gayun pa man ay masaya akong makita sya. Na- miss ko na kase ito.

"T-traviz?" Nakangiti kong sabi.

"Ellaina?"

Sinalubong nya ako ng yakap.

"Ang aga mo ah" sabi ko. Naupo ako sa katabing upuan.

"Come with me, " sabi nya na ikinaangat ng mukha mo.

"S-saan ?"

"Mamasyal tayo, i want to spend my free time para makasama ka" ngiti ng lalaki. Na- excite akong bigla. Tagal ko naring di nakakagala mula ng mapunta sa MU.

"Realy? Saan tayo pupunta?"

"Surprize !"

"Ayiii ikaw ha marunong kanang mang-surprize ha" sabi ko.

Ilang saglit pa ay nag-gayak na nga ako ng ilang damit. Sabi ni Traviz ay pangdalawang araw daw . Naku san kaya kami pupunta?

Bigla akong natigilan, me pasok ako, saka hindi pa alam nila Azzer at Jarred. Magpapaalam ba ako sa kanila? Eh si Traviz naman ang guardian ko ah.. Yun ang nakasulat sa info ko. Ah bahala na. Excited ako sa pasyal na yon, sasayaw - sayaw pa akong bumaba sa hagdan pero natigilan ng makitang naroon na sila Azzer at Jarred . Magkakatapat silang tatlo sa mesa na tila mga walang kakibo- kibo.

"H-hey? " untag ko sa mga ito.

Si Traviz ang unang tumayo at kinuha ang bag na dala ko. Saka ako inakbayan.

"Let's go!" Sabi nya sakin.

Nagtagpo ang paningin namin ni Jarred. Madilim ang mukha nya pero di sya umimik. Nailang tuloy ako. Si Azzer naman ay tila may malalim na iniisip habang nakatingin kay Traviz.

"A-alis na kami" paalam ni Traviz sa kanila.

"Traviz siguraduhin mong ibabalik mo dito si Ellaina " biglang sabi ni Jarred.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya. Para kaseng pinipigilan ako ng mga mata nyang sumama kay Traviz, kaya lang wala naman akong magagawa. Isa pa si Traviz naman yon eh.

"Ibabalik ko sya wag kang magalala!" Madilim ang mukhang sabi. Saka hinawakan ang kamay ko at hinila paalis. Nakatingin ako sa mata ni Jarred hanggang mawala sya sa paningin ko.


"Wow san ba tayo pupunta?" Nakangiti kong tanong. Mukang malayo ang pupuntahana namin dahil nagiba ito ng ruta.

"Sa beach, Diba gusto mo dating mag beach kaya lang busy tayo sa study sa LA kaya dina natin nagawa don, " nakangiting sabi nya.

"Ay gusto ko yan, galing mo talaga Traviz" sabi ko .

Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. Habang nagda drive ay hawak nya ang kamay ko. At ako ay naguluhan na naman. Kung pwede lang magmahal ng dalawa. Bakit hindi? Pero sa puso ng isang tao.. Walang pantay na pagibig. May lalamang at hihigit don. At sa puso ko alam kong si Jarred yon. Iniwasan ko munang isipin yon. Kailangan masaya lang ang moment na yon namin ng binata.



Azzer's POV...

Tagal naming tulala ni Jarred pagkaalis nila Traviz at Ellaina. Naguluhan ako sa sinabi ni Traviz kanina kay Jarred.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now