Chapter - 04 ( The Malditas )

1.7K 160 40
                                    

THE MALDITAS......



Ellaina's POV....

"T-traviz? "

"Hmmm? "

"Im scared! " hikbi ko.

"Hushhhhh Ellaina, im here! "

Nakapasan ako sa likod ng balikat ni Traviz habang marahan syang naglalakad pabalik ng resthouse. Nakasandal ang mukha kong nakapikit sa may leeg nya.

Nanaginip na naman ako ng masama .siguro dahil bigla akong namahay. Unang araw ko yun sa MU at first time na wala si Traviz sa malapit. Kaya lalo akong nag panic.

"T-traviz? "

"Hmmm? " inaantok nyang tugon.

"Don't leave me please"

"Of course, i promised! "

Ngumiti ako at nakontento. Alam kong tutuparin nya yon. Nakakatulog na ako sa balikat nya ng maramdaman kong tumigil sya sa paglalakad.

Inaantok akong nag-angat ng mga mata. Then i saw Jarred Dave Evañez. Madilim ang mukha nyang nakatitig sa amin. Naroon na pala kami sa tapat ng resthouse.

Ang tindi ng titig nya, di umaalis sa amin ni Traviz. Ang lalaking ito na tinawag akong kriminal pero nagawa ko paring ipagluto ng specialty ko. Hmmmmpp...

Hindi sya nagsalita, nakatingin lang sya kaya dire-diretso na kaming pumasok ni Traviz habang nakapasan ako sa likod nya. Nagawa ko pang lingunin ang lalaki and i saw his angry face na sinusundan parin kami ng tingin. But there's more in his eyes.. A deepest solitude.. But i smile to him.

Kinabukasan. Uniform checked... Di ko type ang uniform dito. Blouse na may mahabang manggas at skirt saka medyas na hanggang hita. Haysss dapat free style nalang para maka porma naman kahit sa school. Boring talaga.. Pero kailangan kong magaral. Feeling ko di bagay sakin ang palda. Kase mahaba ito sa akin.mamaya ay hihingi ako ng mas maikli. Or papa ayos ko. Sana sumunod agad ang Magi na yon para di ako hirap.

Sabay na kaming pumasok ni Imarie. Nang naglalakad na kami sa hallway ay may dalawang bakla ang lumapit sa amin na tila kilala ako.

"Hoy Nikki ang ganda mo, bruha ang tagal mong nawala? " sabi ng isa na Jaime daw ang pangalan.

"Ganda ng hair ah, para kang turista, muntik kana naming di makilala, queen is back! " sabi naman nung Calvin.

"Yeah, Queen is back with a blond hair hahaaha bet kita ngayon Nikki! "

"Excuse me? Its Ellaina, my name is Ellaina and yes im a Queen! " sabi kong nakataas ang mukha.

"Wow... Lakas maka -maldita ah... Totoo nga pala yung sinabi ni Master Jarred, wala kang maalala! " sabi ni Jaime.

"Tama na yan baka kung ano pa sabihin nyo sa bff ko! " saway ni Imarie sa mga ito.

"Oh halika na, "

Nagtaka pa sila ng sa ibang direksyon ako pumunta.

"Hoy Nikki,este Ellaina dito ang HRM dept, ano tangahin lang? " si Calvin.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now