Chapter - 33 ( Solace's Palace )

1.4K 160 56
                                    

SOLACE PALACE....





Ellaina's POV...

Nang sumapit ang gabi sa La Vista ay nanibago ako ... Hindi ako makatulog. Iisa lang ang kwarto don at napapagitnaan ako nila Jarred at Azzer. Si Tatay naman ay sa labas natulog sa sofang kawayan don. Bukod sa hilik ng dalawang lalaki ay naiinitan ako, ang liit - liit ng electric fan at umiikot pa yon, kinakagat na ako ng lamok kaya wala akong tigil sa pagkamot. Oo nga't maganda sa La Vista kaya lang kung ganito naman sa gabi ay di ako tatagal dito. Dumagdag pa ang nakakatakot na mga ingay na naririnig ko. Feeling ko may aswang sa lugar na yon, ang ingay ng kuliglig at bituin at sumasabay sa hilik ng dalawa sa tabi ko. Wala manlang unan na masandalan ng paa ko. Tigiisa lang kase kami.

Dumagdag pa si Azzerdon na ginigitgit ako, likot naman nitong matulog . Ihaharap pa ang mukha sa akin, lalo lang akong di makakatulog kung itatapat pa nya sa tenga ko ang hilik nya.

"Ewhhhhh" inis kong inilayo patulak ang pisngi nya. Nagising tuloy ito.

"A-ano ba Ellaina? Bwisit ka naman sa pagtulog ay" inaantok na sabi ni Azzer.

"Ang ingay mo kayang humilik"

"Ako lang ba? Si Jarred din naman ah?" Mahinang sabi saka inginuso ang lalaki sa kabila ko.

"Mahina lang sa kanya, sayo todo ang volume, busalan mo yang bibig mo dali" utos kopa.

"Sipain kita dyan eh" dumapa ito patalikod sa akin. Bakit kase nakahubad ang mga ito pag natutulog ? Tapos di nilalamok? Ako tong may kumot na kinakagat pa rin ng lamok. Namimili yata ng maganda ang mga lamok dito sa la vista.tskk. .
Buti pa si Jarred tulog na tulog na. Diko lang makita ang mukha nito kase madilim na madilim.. Liwanag lang talaga ng buwan ang tumatanglaw samin.

Lalong gumuho ang mundo ko ng biglang mamatay ang electric fan. What???

"A-azzer wala ng electric fan!" Ginising ko ang kapatid.

"Putcha naman Ellaina, antok na antok na ako, may oras ang kuryente dito kaya talagang mamamatay yan"

"Ano? Ang init na nga, nawala pa ang electric fan?" Inis na inis ako.

"Arte mo, magtiis ka, para isang gabi ka lang magtitiis eh"

"Kinakagat ako ng lamok at init na init ako sa kumot" sabi ko.

"Problema ko ba yon? Isa pang panggigising mo sakin itatapon kita sa labas" banta nito kaya natigilan ako. Inis na tumalikod ako kay Azzer.

Buti pa ang Jarred ko, mahina lang humilik. Kinapa ko ang braso nya at umunan doon. Nararamdan ko ang mainit nyang hininga sa pisngi ko. Inaantok tuloy ako. Kaya lang ang init talaga. Sinipa ko ang kumot paalis sa paahan ko.

"J-arred"

Ito naman ang ginising ko. Pinindot ko ang ilong nya.

"Huhh?" Naalimpungatang sabi nya.

"Naiinitan ako saka ang lamok. " reklamo ko sa kanya.

Bumangon si jarred at naramdaman kong pumilas sya ng karton sa kung saan at ipinaypay sa akin. Buti naman.. Ay ang sarap.. Nakatulugan kona ang pagpapaypay nya sakin.

Pagkagaling sa La Vista,hindi ko inaasahan na sa san Miguel kami dideretso.. Tumalon ang puso ko ng mamukhaan ang aming dating bahay don.

"J-jarred.." Nanigas ang katawan ko.

"Ellaina sila ang itinuring mong pamilya sa napakatagal na panahon, kaya dapat lang na magpaalam tayo sa kanila" sabi nito. Si Azzer na katabi nya sa unahan ay sumangayon.

Darkest Love - Book 3 ( Last Mission )Where stories live. Discover now