05

12 1 0
                                    

It's been a month since my last Update. I hope that someone is reading my story. Thanks:)

======

First Rule. Never kill anyone. And Last Rule. Never die.

Iyan ang tumatak sa isipan ko. Nasa tapat kami ng Palasyo at nakita ko si Freya na kausap ang Ikatlong Pinuno. Siya ang kasama namin dito.

Mababangis na hayop at kung ano pa'ng uri ng hayop. Iyan ang nakatira sa Dim Forest. Bukod sa mga Pixies na nangangalaga nito, ay may mga nilalang din na hindi naman pamilyar sa amin ang nakatira doon.

They can harm us, but we shouldn't kill them. Ang tanging magagawa lamang namin ay takasan o patulugin gamit ang electric shock na isa-isang ibinigay sa amin.

This one is a special electric shock. They won't harm the animals, makakatulog lamang ang mga ito.

Nang makita namin na tapos na mag-usap ang dalawa ay humarap sa amin ang Ikatlong Pinuno.  Sa kanan ay si Freya at sa gilid nito nakahilera ang mga Grey Knights, samantalang sa gilid nang Ikatlong Pinuno ay ang Blue Warriors. Habang naka-bantay naman sa buong Palasyo ang mga Armored Spirits.

"We placed two different kinds of flags in the forest. It's a Rare Astharian's flag, and the Common Astharian's flag. At syempre, lahat kayo ay makukuha lamang iyon kapag unti-unti niyong nailalabas ang kakayahan ninyo. You'll know it, kapag sinimulan niyo na. And remember, be careful, and don't hurt each other. I can hear and see you" sabi nito. Tumango naman kami.

"Nakaka-kaba naman ito..." sabay hawak sa braso ko ni Lori.

"Each of you should collect five flags. At kapag nagawa ninyo ay bumalik kayo dito. Ang unang makakabalik ay maaari siyang humiling sa Reyna bilang pagtanggap sa atin at gamitin ang Dim Forest ng Incantas para sa ating pagsusulit. Kaya maghanda na kayo. May isang minuto kayo upang ayusin ang sarili" pag-anunsyo nito.

Five Flags? Pinakatitigan ko ang Dim Forest. Nung isang taon ay hindi dito ginanap ang pagsusulit nila Devor. Sa Mount Alharra iyon at hindi naman kami maaaring mang-usisa at bawal din sabihin kung kanino ang nangyari nung gabi na iyon.

Ngunit nung gabi na iyon ay madaming nasugatan, at may bali pa ng buto. Kaya't ako'y nababahala sapagkat alam ko'ng hindi magiging madali ang pagsusulit na ito, lalo na't isa ang Dim Forest sa may mababangis na hayop.

Nakuha ang atensyon ko sa madaming yapak ng mga kabayo. It's the Queen's Chariot kaya naman lahat kami ay nagsi-ayos dahil sigurado kaming Reyna ang naka-sakay doon.

At tama nga ako nang alalayan ito nang mga tagapag-silbi upang makababa.

Sophisticatedly stunning. That's how the Queen should be described. Iba'ng-iba ang aura niya, hindi kagaya nang ibang Reyna na nakilala ko dito sa aming mundo.

"Mag bigay pugay sa Mahal na Reyna!" Biglang nagsalita si Freya. Lahat naman kami ay yumukod bilang pag-galang.

"Magandang Gabi, Mahal na Reyna..." pangunguna nang Ikatlong Pinuno at humarap sa Reyna.

"Magandang gabi din sa iyo, Pinunong Rosaldo" nahihimigan ang lamig ngunit mapang-anyaya sa tinig ng reyna.

Pag-angat ng aking tingin ay nagulat ako na nasa akin ang kaniyang mata. Tila pinagmamasdan ang aking kabuuan.

Kahit pa minsan ko siyang nakasabay ay nakaramdam parin ako ng hiya. Ngunit wala pa man isang minuto ay may isa pang paparating.

"Mag bigay pugay sa Unang Prinsipe! Prinsipe Helios!" Muli ay umalingawngaw ang tinig ni Freya.

Isang yapak muli ng kabayo ang padating. Ngunit alam ko'ng isang kabayo lamang iyon.

Yumukod kami sa kaniyang pagdating.

Midnight Eclipse: The Rise of Sycharus (ON-GOING)Where stories live. Discover now