01

20 3 0
                                    

Hawak ang isang talaarawan, pinagmamasdan ko ang magagandang ngiti ng bawat isa habang ang mga ito ay nag-e-ensayo. Ang bawat kilos ay may angking lakas at bilis. Nakakamangha silang panoorin.

"Artemis, hinahanap na tayo ng iyong ina!" Dinig ko'ng tawag sa akin ni Lorisella. Isa sa aking kasamahan mula sa Asthara na naging matalik ko ng kaibigan.

Ang Asthara ay isang lugar kung saan naninirahan ang kagaya namin na may kakaibang kakayahan na hindi nalalayo sa mga Incantas, ngunit kakaiba sa mga Incantas na magaling sa pakikipag-laban. Ang mga Incantas ay may kakayahan na magpalabas ng enerhiya sa katawan. Samantalang kami ay sa hustong gulang lamang kumalabas ang tunay naming kakayahan. Ngunit kami ay ineensayo at maagang natututo sa buhay.

Ang lupa namin ay katabi lamang ng bundok Alharra. Malawak ang aming lupa, subalit madalas parin kami makipag-ugnayan sa mga Incantas upang makipag-kaibigan at makipag-tulungan sapagkat nasa kalahati lamang kami ng Incantas.

Kaya heto kami ngayon ni Lori, may ipinadala ang Pinuno namin sakanila kaya't kami ang nautusan. Ngunit nakuha ng mga nag-eensayo ang atensyon ko.

"Saglit nalang tayo, Lori. Kanina pa ba ako hinahanap?" Tanong ko. Tumango ito sa akin at nakumpirma ko ito nang makita ko ang isang kalapati'ng puti na may hawak na sulat.

Napabunto'ng hininga ako.

"Halika na kasi, tayo din ay may pag-eensayo na gagawin" nawawalan ng gana akong tumango sakaniya at nagsimula na kami maglakbay pabalik sa Asthara. Ngunit hindi pa man kami nakalalayo ay may kung sinong sumigaw.

"Watch out!"

At sa pagkunot ng noo ko ay napa-igik ako nang may tumama na kung ano sa ulo ko!

Nqpapikit ako sa sakit

"Agh!" Hiyaw ko sabay hawak sa batok kung saan may tumama.

"Artemis!" Gulat at bakas ang pag-alala sa boses ni Lorisella. Kaagad ito'ng umalalay sa akin nang animo'y tutumba na ako.

May kung sinong tumatakbo patungo sa amin na hindi ko nilingon dahil sa sakit. Agh!

"I said 'watch out!' Kita mo ang nangyari sayo" isang baritono'ng boses ang nagsalita mula sa aking likod ko.

Base sa kaniyang tono ay naiirita ito dahil sa katangahan ko. Kasalanan ko ba na malayo na ako eh nasapol pa ako?

Hinaplos ni Lori ang batok ko. I winced.

Aish! Bakit ang sakit? Ano ba ang tumama?

"Mabuti pa ay dalhin ka namin sa Palasyo. Halika" boses iyon nung lalaki na kanina ay galit sa akin. Pero ngayon ay mukhang naaawa na ito sa akin.

"H-Hindi na!" I snapped.

Natigilan ito at bumaling ako sakaniya.

"Aalis na kame" kaswal ko'ng sabi. Pilit ko'ng hindi iniinda ang sakit sa aking batok. Ayoko'ng magkaroon ng utang na loob, kahit pa sila ang may kagagawan nito sa akin.

Ngunit pag-hakbang ko patungo kay Lori ay bigla na lamang akong nabuwal. Napapikit ako sa sakit. Agh! Bat mas lalong sumasakit?

"Tsk. Makulit ka kasi eh. Sabi ng dalhin ka muna sa palasyo. Hindi biro ang tumama sa iyo dahil hangga't hindi iyan naaagapan ay mga ilang buwan yan mananakit na maaari mo pa'ng ikamatay" sinabi nito habang seryoso. Nanlaki ang mata ko.

Maaari ko'ng ikamatay??

Heck?

Kinabahan ako bigla.

Ayoko pa'ng mamatay!!

"Hay... sige na Artemis. Susulatan ko na lamang ang iyong ina tungkol sa nangyari sa iyo upang hindi siya mag-alala" bakas ang pag-aalala sa boses ni Lori. Tumango na din ako.

Midnight Eclipse: The Rise of Sycharus (ON-GOING)Where stories live. Discover now