03

8 2 0
                                    

Nakatanaw sa madilim na langit mula sa Burol katabi ng Bundok Alharra. Ito ang palagi ko'ng ginagawa tuwing gusto ko'ng mag-isip ng malalim. The moon isn't full yet, but it looks so bright. Ito ang nagbibigay liwanag sa madilim na langit.

Sa ganitong pagkakataon, kumakalma ang utak ko. Ngunit... hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mai-kalma ang utak ko ngayon. Gusto nito'ng maghanap ng kasagutan. Gusto nitong malaman ang dahilan ng aking Ina.

Ngunit natatakot ako'ng baka mas lalong magalit ito sa akin kapag ako ay nag-usisa sakaniya.

Before I left, I heard them talking about me. At ang mas kinagulat ko pa ay nung hindi sumang-ayon sa unang pagkakataon ang Pinuno ng Asthara sa aking Ina. He always favored my mother, he always agree on her suggestions. Kaya pati ako ay nagulat sa narinig.

Ang Ikalawa at Ikatlong pinuno ay tiga bigay lamang ng suhestiyon. Ngunit kapag ang desisyon ng nasa mababang posisyon ay pareho, kaya nitong tablahin ang desisyon ng Pinakamataas na Pinuno. At madalang iyon mangyari sapagkat lagi naman silang nagkakasundo.

Pero sa narinig ko kanina... tanging ang aking Ina lamang ang hindi pumayag doon.

Sa susunod na linggo ay ipapadala kami sa palasyo. Tatlong beses sa isang linggo, at ang mga Incantas na ipinanganak sa Palasyo ay iyon ang aming tuturuan.

"Hindi ba pwedeng huwag ng isama ang aking anak? Madami naman silang tutungo doon. Hindi ba pwedeng dito na lamang siya magturo at mag-ensayo?" Desperada'ng tanong ng aking Ina.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang kilos ng aking Ina. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

At siyempre, hindi pumayag ang dalawa sapagkat anim lamang kaming ipapadala, at ang iba ay mananatili dito sapagkat may sari-sarili ng pamilya.

Hawak ang tala-arawan... nagsimula akong magsulat. Lahat ng aking saloobin sa araw na ito ay isinulat ko, lahat ng nangyari pati ang pananatili ko sa Palasyo at ang Interaksyon sa lalaking Incantas pati Hari at Reyna.

Matapos niyon ay bumaba na ako ng burol. Baka nag-aalala na sakin ang aking Ina.

Sa aking pagbaba ay sumalubong sa akin si Runzo. Kagaya ko ay isa siya sa mga nagtuturo sa mga bata at naranasan manirahan sa mundo ng mga tao.

Bukod kay Lorisella, siya ang nakakasama at kaibigan na ang turing ko sakaniya.

"Kamusta ka, Artemis? Ayos ka na ba? Pasensya na at wala ako dito upang salubungin ka. Inutusan akong tumungo sa kuta ng mga Shadow Hunters." Kagaya ng iba ay nag-aalala din ito sa akin.

"Okay na ako, Runzo. Salamat sa pag-aalala" nakangiti ko'ng sambit.

Sinamahan naman ako nito hanggang sa makarating kami sa aming tirahan.

Nagtatawanan pa kami nang makapasok sa aming tahanan at nadatnan kami ng aking Ina. Nakangiti itong binati si Runzo.

"Oh Runzo? Napadito ka? Magandang gabi sa iyo" anang aking ina.

"Maganda'ng gabi din ho, Ikalawang Pinuno" magalang na sambit ni Runzo. Inilagay pa nito ang kanang palad sa tapat ng puso bago yumukod bilang paggalang.

"Halika pumasok kayo, dito ka na kumain Runzo at dalawa lang naman kami ni Artemis" pag-yaya pa ng aking Ina. Siyempre, hindi naman ito tinanggihan ni Runzo.

Natapos ang hapunan. Kaming dalawa ng aking Ina na lamang ang nanatili sa aming tahanan.

Nakita ko'ng may bago na naman na tinatahi ang aking Ina.

Midnight Eclipse: The Rise of Sycharus (ON-GOING)Where stories live. Discover now