06

11 1 0
                                    

I feel like I am going to faint. Kahit pala alam ko na kung saan matatagpuan ang aking hinahanap ay, kung hindi makikisama ang katawan, mahihirapan parin ako. I sighed.

I wonder if someone already returned? Or someone is already on their last flag?

Ilang oras na ba ako dito??? And why does it feel like the time isn't moving...

Dahil sa nagtataasang puno ay hindi ko maaninag kung nasaan na naka-pwesto ang buwan, kung kaya't hindi ko na din alam kung mag-u-umaga na ba o ano.

But, I know for sure... I've been here for hours. Agh. I need to be quick.

Na-ibagsak ko ang katawan ko sa lupa nang makita ang isang Ilog. Phew! This is it... I am close!

Base on what I saw in my head, isang ilog ang aking matatagpuan at kapag diniretso ko iyon ay matatagpuan ko ang aking pakay.

Pagkatapos ng isang minuto na pahinga ay nagpatuloy na ako. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may naaamoy nanaman ako'ng kung ano.

The smell isn't pleasant... it was like the same odor I smelled nung may umatake sa akin na Oso.

Kaya naging alisto ako. I should be careful, baka mamaya isang hudyat na meron nanaman naka-aligid sa akin.

Ngunit ilang minuto ang lumipas ay walang senyales na aatake sa akin kaya naman ay nagpatuloy ako sa paglakad.

Paglagpas sa ilog ay muli nanaman akong namangha. A Garden! Just like what I saw in my mind. A garden full of grapes...

But, where is the flag? Hmmm...

Pumasok ako sa loob at pinagmasdan pa ang mga ubas na hindi ganoon kataas, kung kaya't abot ito ng aking kamay.

Lahat ng mga ubas ay naka-sabit na tila nagmukhang palamuti sa hardin na ito.

Pero saan ko nama-

"May isang bisita yatang naririto?" Isang matinis ngunit malumanay na tinig ng isang babae ang nagsalita. Natigilan ako.

May iba pa'ng nandirito?

Ngunit sa aking pagharap ay isang babae ito na naka-puti. At nagliliwanag ang balat niya. She looks like a goddess. Bahagyang lumiwanag ang mata nito.

"Isang... Astharian... hmmm..." I stilled when she neared me and start touching my hair.

I can smell it again... that unpleasant smell.

Pakiramdam ko ay may panganib sa paligid.

"Ako nga pala si Psyche... at isa akong Diwata na nagbabantay sa Hardin na ito" pagpapakilala nito. "Ikaw? Ano ang ngalan mo?" Kuryosong tanong nito na may ngiti pa sa kaniyang labi.

"Ako si Artemis... isa nga akong Astharian" bahagyang kumunot ang noo nito at tumango.

"Tama nga ako hihi!" Bungisngis nito. "Alam mo ba na isa ako'ng Astharian na... naging Diwata?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatitig sa mukha niya.

Isa siyang Asthrian? Na naging... Diwata?

"H-Ha?"

Tumawa ito ng mahinhin.

"Ako ay isa'ng kagaya mo. Ngunit ako ay naging isang Diwata dahil sa isang kasalanan na hindi ko naman sinasadyang gawin. Kaya kailanman ay... hindi na ako nakalabas sa hardin na ito" paliwanag niya, biglang lumungkot ang mukha nito. Tuloy ay hindi ko maiwasan hindi rin makaramdam ng lungkot.

Hindi ko maisip ang naramdaman niyang hindi na muli makakalisan sa hardin na ito. Nag-iisa at tanging hayop o kung ano mang nilalang na lamang ang makakasama mo na maaaring tumungo sa Hardin na ito.

Midnight Eclipse: The Rise of Sycharus (ON-GOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя