00

14 3 0
                                    

===============================

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

==============================

~The Rise of Sycharus~

Isang mundo na hindi saklaw ng mga tao, isang mundo na ang kagaya ko ang nagpapatakbo. Isang mundo kung saan lahat ay may talento, lahat ay may kakayahan na wala ang tao. At ito ang mundo na tinatawag na Eccerus na nagmula pa sa pinaka-unang nilalang na tumapak dito.

Ang mundo'ng malawak kung saan kami naninirahan. Noong una'y nangunguna ang Kaharian ng Sycharus, kung saan mga Sycharian ang tawag sa nilalang doon. Ang aming anyo'y hindi nalalayo sa mga tao, ngunit marami sa amin ay hindi rin ekstraordinaryo.

Sycharian ang nangunguna, at pinaka malawak sa mundo'ng ito. Pangalawa ang mga Incantas, at sumunod ang mga Astharian. Ang tatlong ito ang nangunguna, naglalakihang Kaharian... ngunit dahil sa kasakiman nagkaroon ng hidwaan.

Mga Incantas ay nagplano, gamit ang ipinagbawal sa mundo. Isang hiling mula sa pinakamataas... huwag umibig sa hindi mo kasamahan. Ngunit ito'y nakalimutan dahil sa mapusok na pag-iibigan. Gumunaw ang Sycharian, nagutom ang Astharian.

Wala ni isa ang nakakaalam, sa ginawa ng mga Incantas. Ang Hari at Reyna nito ang may pakana, wala ng ibang dapat sisihin pa.

Naging bulag ang nakatataas... nalinlang at naparusahan ang biktima.

Ngunit hindi naglaon... nalaman ito ng nakatataas. At doon nabuo, ang plano'ng muli ay umangat... at bumalik ang mga Sycharian.

----------

====

The prequel of the story of Midnight Eclipse. Hope you like it. :)

Midnight Eclipse: The Rise of Sycharus (ON-GOING)Where stories live. Discover now