“Hindi mo ba puwedeng tawagan si Kuya Pele para samahan siya doon sandali?” pagbabago ng isip kong tanong sa kaniya habang padampi-dampi kong ipinupunas ang tissue sa labi ko.

Mabagal siyang umiling. “Ayaw niyang nauutusan iyon.”

Inabot ko ang coke float pagkatapos kong balutin ng tissue. Kinagat ko ang straw sa sinabi niya. “Hindi mo ba puwedeng kausapin si LJ na maghintay siya sandali?”

“She needs me there,” sagot niyang inilingan ako. Kahit hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya ay ramdam kong sa tono pa lang ng boses niya ay nag-aalala siya.

Wala namang magnanakaw sa kanila at bakit siya ganito mag-alala? Hindi ko tuloy alam kung makakampante akong wala silang espesyal na ugnayang dalawa. Hindi ko maiwasang magduda.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. “Hindi mo na ako ihahatid?” Kinamot ko ang noo ko.

“Of course, I'll drive you home first before going home.”

“Okay. Sa bahay ko na lang ito kakainin,” sambit ko sabay turo sa natirang french fries. Inilagay ko sa pocket ng backpack bag ko pagkatapos kong ilagay sa supot.

Isinukbit ko ang bag sa kanang balikat ko 'tsaka tumayo.

“Kainin na natin dito,” pigil niya. Hinawakan ang palapulsuhan ko pero tiningnan ko siya at inilingan.

Gusto ko ng umuwi. Hindi rin magiging maganda ang pagtatapos nito kung ipipilit pa naming tapusin ang pagkain dito dahil nakasisiguro akong anumang oras ay tatawag ulit si LJ sa kaniya.

Tinanggal niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko pagkatayo niya. Mabilis akong nagmartsa, nangunguna sa kaniya samantalang malalaki ang hakbang niyang tinatawid ang aming agwat para makasabay pa rin niya ako.

Nang maubos ko ang coke float ay itinapon ko ito sa nakitang trash bin. Walang imik kong isinuot ang helmet. Naramdaman ko pang humawak siya sa baywang ko, kinuha niya ang bag kong hindi naman na akong nagmatigas pang hindi ibigay sa kaniya. Inilalayan niya akong umangkas pagkatapos sumunod siya. Nakasukbit ang bag ko sa harapan niya at bago niya paandarin ang motor ay nagsalita siya, “Let’s have a date tomorrow since it is Saturday. You have no Saturday classes, right?”

Tumango ako bilang sagot. Tiyak kong nakita niya iyon dahil nakasulyap siya sa salamin. Kung hindi matutuloy bukas, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko sa kaniya.

**

Hindi ako pinatulog kagabi dahil kinakabahan ako sa mga pumapasok sa isip ko. Natatakot akong magkatotoo ang mga nasa isipan kong maghihiwalay raw kami. Hindi ako handa sa ganoon. Kung maaari nga ay ayaw kong umabot kami sa ganoon, kaya kahit marami akong pagdududa ay hindi ko sinasabi o ipinapahalata sa kaniyang lahat.

Bumaling ang tingin ko sa kaniya. Nakasandal nang prente ang likod sa sofa. Kanina ko pa siya tinatapunan ng tingin, pero parang wala siyang napapansin. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga para kunin ang atensyon niya.

Gusto kong iwasan ang pag-iisip nang kung ano-ano, pero pinag-iisip niya ako ng hindi maganda ngayon sa kaniya. Kaya ba gusto niyang dumito na lang kami sa bahay, at hindi na lumabas dahil para makapag-text siya kay LJ? Sinabi niyang manonood kami ng pelikula, escape room pero wala sa pinapanood ang buong atensyon niya.

Bumusangot ako habang tinitingnan siya. Busy siya sa cellphone niya. Tipa nang tipa ng reply niya at parang walang kasama. Malawak ang ngiti niya dahilan para mainggit ako sa kaibigan niya.

Pasimple akong lumapit sa kaniya saka ko inihilig ang ulo sa balikat niya. Naramdaman ko pa ang kamay niyang itinulak nang marahan ang ulo ko, kaya nag-angat ako ng tingin at umupo nang maayos.

Today is the DayWhere stories live. Discover now