14

1.1K 20 0
                                    

Porshia's POV:

Umaga nanaman, maiirita nananaman ako sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi ko alam bakit kada umaga nalang talaga kinailangan kong mabad mood

*ding dong*

Kung sino mang kamaganak ni Lucifer ang nasa pintuan ko, sana hindi importante kasi hindi pa ako nakakapag kape.

Deretso kong kinuha ang robe ko dahil kahit single ako, natutulog parin ako ng naka- lingerie dahil gusto ko.

*Incoming call... Lovey*

"Oh hello, punyeta aga aga"

Ang ganda talaga ng bati ko sa kaibigan ko kapag nauudlot yung tulog ko. Sobrang init na kasi dito sa Pinas to the point na di mo na kailangan ng alarm clock, magigising ka nalang sa init.

[Kanina pa ako nakaabang sa pintuan mo, bat di mo subukang bumangon then bring your ass up in here]

Kahit mejo hilo ako, tumayo na ako at pinuntahan ko na ang nararapat puntahan. Baka emergency at hindi na nya kinaya sa bahay nila.

"What?"

Niyakap nya ako ng mahigpit na may ngiti sa mata at ngumiti din ako. Kumuha kasi siya ng box ng Tim Hortons sa kotse nya at brewed effin coffee from Starbucks so, I'm living my life.

"Napabisita lang ako kasi dormant ka na these past few days, kamusta kayo ni uhhh Jacob?"

She dare to use her quote - unquote fingers nung sinabn nya yung pangalan ni Jacob. We're actually good friends right now, we always hang out.

"We're actually pretty good right now. No worries, anyway ano pala yung paulat mo at mukhang masaya ka ngayong araw?"

She was clapping 'dem hands and doing the money dance. Minsan mapagkakamalan ko na talagang may sapi 'tong kaibigan ko sa sobrang random ng pinaggagawa nya. Hindi ko talaga maintindihan bakit nya kailangang maging morning person.

"Are you a traffic light? cause STOP"

Tinaas ko ang isa kong kamay, as a sign na kailangan na nyang tumigil at magbehave dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayare.

"Guuuuurl, we're going overseas"

Napangiti ako at napahawak sa kamay nyang malaki.

"Totoo? san tayo pupunta?"

I almost died when she said-

"MANONOOD TAYO NG GRAND FINALE NG RUPAUL'S DRAG RACE!!!!!!"

Tumalon kaming dalawa sa saya, kung magiging morning person ako para dito, okay lang sakin. Hindi ako magrereklamo. I just wanna see the people perform and hype up the scene of gender inclusivity.

"Pero- balik sa usapan, kamusta kayo ni Jacob?"

Ngumiti ako at humigop ng kape, I leaned back sa sofa at binuksan ko yung TV.

"We're friends, masarap sya ka-hang out and masaya kami"

She nodded her head and watched silently.

Mejo hindi ko naman nakikita si Jacob as potential lover kasi hindi ko talaga gustong magmahal ngayon bukod sa sarili ko.

"Sana maging masaya ka na all through out. Sis, I am rooting for you"

Ngumiti ako sa sinabi ni Lovey at nagsimula na kaming mag binge watch ng How I Met Your Mother sa Netflix.

"Teka aayusin ko lang yung root beer sa ref and I will make something for us to snack on para naman hindi na tayo nagkecrave as always"

She smiled at nagtungo na ako sa kitchen.

*riiiiiiiing*

"Hello?"

Napasara ako ng mariin sa ref at napatitig sa orasan. What the hell were they thinking?

"Lovey, samahan mo ko, aalis tayo"

Nakita ko ang confusion nya sa mukha nya pero tumayo rin naman sya.

"B-bakit ano meron teh?"

Tinuro ko yung sasakyan nya at inistart naman nya ito, wala akong panahon para ilabas sa parking lot ang sasakyan ko, at wala ako sa tamang mindset para magdrive.

"Pupunta tayo ng presinto, may mga bulbol na gumawa ng gulo"

*presinto*

Nakarating na ako dito at nakakita ako ng dalawang lalaking puno ng pasa, amoy alak at halatang dito natulog magdamag.

"WHAT THE HELL WERE YOU BOTH THINKING?"

Jacob's POV:

Nasa bar ako ngayon sa isa sa mga Business partner ko na si John. Ang weird dahil never nya akong pinatawag sa bar. Kung hindi sa Cafe nya, eh sa resto ko.

Nagiisip pa sana ako ng ihahatid sa bahay nila Porshia dahil alam kong gutom na yun at gusto ko syang makita. Sobrang attracted ako sakaniya at hindi nya yun alam.

May nabangga akong lalaki papunta sa VIP room ni John. Mukha syang wasted na kaya di ko na pinansin pa.

"Oh john, kamusta?"

Ngumiti naman sya at nakipag bro hug. Hindi parin ako kumportable sa place ng meeting namin

"So uh, I haven't heard a thing about sayo"

Napangiti ako sa sinabi ni John.

"As much as I loved your warm welcoming and comforting hospitality, I'd like to keep my personal life private"

Napatingin sya sa kanan nya and I saw that man, yung nakabunggo sakin kanina na lasing.

"Magkakilala kayo John?"

Tumango lang si John at uminom ng kanyang whiskey.

"Now how's life Jacob?"

Tinanong ako nung lasing. Nagkibit balikat ako at bumaling ang tingin ko kay John pero nilipat lang nya ang tingin aa lalaki.

"I'm dating someone, that's all"

Nakita ko namang mariin na nilapag nung lalaki yung baso na nagsanhi ng pagdugo ng kamay nya.

"Bro you're bleeding"

Sabi ko sakanya, and he just shook his hand in the air para mawala sa kamay nya.

"Don't call me bro, are you dating Porshia?"

Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi nya ay nakatanggap na ako ng sapak.

At dun na ako nagsimulang maging agresibo.

Porshia's POV:

After taking care of what happened, lumabas na agad ako ng presinto dahil hindi ko kaya yung amoy, parang ang baho baho.

"Teka bakla saan ka pupunta?"

Mejo nakakapit na ako sa pader dahil hinang hina na ako

"Nahihilo ako teh ang baho sa loob"

Hinawakan ako ni Lovey sa likod

"You mean yung coffee? eh pano nangyari yun? coffee person ka dib-"

Hindi na natapos ang sinabi ni Lovey dahil unti unti nang nagdilim paningin ko.

_______________________________
I swear I'm trying my best to finish this guys! Iloveyou all and thankyou for your patience on this story. Sana matapos ko na talaga sya.

Biyuda DiariesWhere stories live. Discover now