3

5.2K 31 0
                                    

"Love is where you trust someone. But it does not define how much, just trust, but not too much"
_____________________

Maaga akong gumising pero nagulat ako nang wala ang asawa ko sa tabi ko.

"Alas sais palang ng umaga ha"

Nagtataka ako dahil usually alas siete siya gumigising dahil alas nwebe pa naman ang kanyang pasok. Nagkibit balikat lang ako at nanalamin, sobra na pala ang kinalosyang ko magmula nung naiistress ako araw araw sa pagaalala.

Dumeretso ako sa kusina, dahil nga wala akong pasok ngayon magpapakamisis ako, namili muna ako sa labas at nagayos.

Dumeretso na ako sa palengke dahil alam kong wala nang stock sa bahay. Minsan na rin naman ako makalabas at makasagap ng hangin.

"Huy Porshia kamusta ka na?"

Teka, diba ito yung tinawag akong walang future at mabubuntis ng maaga nung college? Ano pa nga bat tatlo na anak nya ngayon at mas nalosyang sya ng walong taon.

"Mamimili lang ako oara sa asawa ko, ikaw ba?"

Tumawa naman sya at naghead to toe sakin. Luh, atichodang palaka.

"Magmula nung nagasawa ka parang pabaliktad na itsura mo ha, partida wala ka pang anak nyan HAHHAAHAHHAA"

Nagwalk out nalang ako at dumeretso sa pinagbibilihan ko. Hindi ko kasalanang mas focused ako sa asawa ko kesa sa sarili ko.

"Aling berta limang kilo po nito tapos paplastic po lahat ng nandito sa listahan"

Ngumiti lamang ang manang sakin at napahagikgik naman ako sa reaksyon nya.

"Hija, kamusta kayo ng asawa mo?"

Bigla syang nagtanong out of the blue, usually di nya tinatanong yun dahil kapag nabili ako lagi akong natutulala habang nakatitig sa messenger. Nagiintay kasi ako ng reply sa asawa ko.

"Ah okay naman po kami"

Mejo napatigil sya at tumingin sa akin.

"Ang asawang inaalagaan na mabuti, ay masiyahin. Hanggat wala pang anak hindi sya magkakaroon ng pagod na hitsura, sigurado ka bang masaya ka sa buhay misis mo?"

Hindi na ako nakasagot...

Kasi hindi ko na rin alam.

Nanahimik nalang ako at di narin nagtanong pa si Manang, nagbayad ako at dumeretso na ako sa bahay. Gusto ko umiyak pero napagdesisyunan kong maging masaya ngayong araw.

Nagluto ako ng paboriting pagkain ni Aaron; adobo, sinigang, at sisig. Tutal maaga siyang umalis sure ako na maaga siyang makakauwi sa bahay namin.

Naligo ako pagkatapos ko magluto at sinimulan ko na ang aking ritwal sa paglalaba.

Pinaghiwalay ko muna yung nga damit ko dahil mas madami ang damit ko compare sakanya.

Hiniwalay ko ng mabuti ang puti, dekolor, at syempre ang itim. Ibang labahin din ang mga underwear.

Naisipan kong iisang salang nalang ang damit naming dalawa ni Aaron dahil mejo nahihilo ako.

Nagulantang ako nang makita ko ang bulsa ng pantalon ni Aaron, isang panyo.Ngayon ko lang nakita ang panyong ito pero may "A" na burda iyon.Pinilit kong wag kabahan dahil panyo lang naman yun pero may bumabagabag talaga saakin.

Inisa isa ko ang mga polo niya habang kinakabahan. Unti unting tumulo ang luha ko nang mapansin na iba ang amoy ng polo niya at may mantsa ng lipstick ang kwelyo ng polo niya.

"Ano ba ang ibig sabihin nito?"

Sumisigaw na yung utak ko ng "may iba na siya" pero may tiwala ako sakanya, may tiwala ako na kahit kailan di masisira.

Sinubukan kong kalimutan ang lahat habang naglalaba ako at dumeretso lang ako sa kwarto namin.

Nagligpit ako ng kwarto namin at pinagpag ko ang beddings, pero habang nagpapagpag ako napansin ko na may nahulog na usb sa ilalim ng kama. Binuksan ko ito gamit ang laptop ko at nagulat ako....

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya to....


______________
Ano ito? 😂
Hahahaha ano ba ang pakulo ni author at paulit ulit diyang nambibitin ng kanyang mambabasa?

Ewan ko din eh! Hahaha

Tiis tiis mga bb <3

Lovelots,
Author

Biyuda DiariesWhere stories live. Discover now