5

4K 38 4
                                    

Inayos ko na yung bahay bago pa ako madatnan ni Aaron na hibang na hibang sa kwarto. Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko na may kausap siya sa phone.


"Oo babe, next week? Susunduin na kita. Oo,san mo gusto? Sa Meisha Mall? Sige sige."

Pagkarinig ko nun agad akong pumunta uli ng kwarto gumawa ng tunog gamit ang pinto at nagkunwaring kagigising lang.


"Aaron? Nakauwi ka na?"


Wala siyang imik at di ako pinansin, dumeretso lang siya sa kwarto. Sige jan ka magaling, wag mo kong pahalagahan. Hindi ko na rin naman ineexpect na mahalin mo pa ako pabalik.


May gala pala kayo next week, sige hahayaan kitang maglaro muna ngayon. Pero di mo aasahan ang mangyayari sa susunod...


Anong akala mo? Na habambuhay akong makukulong sa pamamahay na to at habambuhay akong tanga sayo? Mali ka sa part na makukulong ako, yung tanga, di pa ako sure.


*the following week*


Aaron's POV: 


Pauwi na kami galing Meisha mall ng pinakamamahal kong si Anya. Mejo nababagabag ako sa kinikilos ni Porshia recently, parang wala na sya sa sarili nya. Well, wala naman akong pake dun kasi iniintay ko nalang timing para makipaghiwalay ako


"Babe, cr lang ako"


Napahawak ako sa manibela ng kotse



"Kung kelan nandito na tsaka lalabas uli, sige bilisan mo"



Habang naglalakad sya mejo nabored ako kaya pumikit ako ng kaunti para magrelax. Mejo nakakaantok din kasi yung amoy ng sasayan, pano nalaman ni Anya na inaantok ako sa Vanilla? Ang galing naman nya



"BABE...BABE?!"


Pagmulat ng mata ko nakita ko si Anya at hindi lang yun ang nakita ko... Nagulat ako sa nangyari.


Porshia's POV:


"Hi Anya!"


Tumingin sakin si girl na para bang nagtataka kung bakit ko siya kilala. Well sa chaka nyang yan, hindi ako mahihirapang makita sya.


"Nagmall pala kayo ng ASO MO."


Nagtaas siya ng kilay at nagyukom ng kamao. Oh wow, ang bilis nya pala maprovoke. Mageenjoy ako nito. Masyado na kayong nasisiyahan sa laro na hindi ko alam na kasali ako. Oras na para ako naman ang makikipaglaro.


"Tutal naman ang sweet sweet nyo lang din bat di kayo magpakain sa hantik ngayon na? Tutal mukha namang belong sa nuno sa punso ng mga hantik yang kasama mo."


Napanganga sakin si Aaron.



"Hindi ko naman alam na ganyan ang style mo, masyadong bulok."



Nginitian ko si Aaron na may halong pangiinis. Gusto ko na ang huling memorya niya sakin ay galit at hindi awa. Galit na hindi niya malilimutan.


"Pasensya ka na at sinira ko ang mood nyo NG BABE MO, nga pala wag ka magexpect sa size niya, di worthy. Siguro naawa ka nalang din sa lalaking yan kaya mo pinatulan"



Pagkatapos kong sabihin ang linyang yun inismiran ko siya. Sige, manggigil ka pa, di naman ako yung pumapanget kapag ginagawa nya yan.



"Buti nga hindi ka plastic, hindi ka kasi natunaw nung hinawakan mo anak ni Satanas"



Nagulat siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala. Sasaktan saktan nyo ko tapos magugulat kayong pinaglalaban ko sarili ko?



Bukod sa nakadikit ang lahat ng di magagandang pictures ni Aaron sa kotse niya eh nasa harap ako ng kotse nila nakapulang fitted na dress nakaayos, at dinaig ko pa si Kylie Jenner sa make up. In short balik ganda lang ako.


"Alam mo bang mabilis mapagod yan? Haha kawawa ka talaga."


Inunlock ko na ang kotse ko.


"Osya maiwanan ko na kayo, pero bago yun Aaron, nasa table katabi ng kama yung pinakamasayang bagay na matatanggap mo sakin."


Humarap ako ng maigi kay Anya.


"Bye."


Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse dumeretso na ko sa apartment na inupahan ko bago ko gawin tong bwisit na planong to.



Aaron's POV: 


Nakita niya ko.


Kasama si Anya.


Why is she wearing some kind of seductive outfit?


Ngayon ko lang naappreciate yung ganda niya.



Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip sa asawa ko nang bigla akong sinigawan ng girlfriend ko



"BABE IM ASKING YOU WHO THE HELL IS SHE?!"



Napintig ang tenga ko at umayos ng upo



"Just someone"



Inikot niya ang mata niya at sensyales na ito na iaandar ko na ang kotse.



"Skandalosa masyado."


Hinayaan ko nalang siya magsalita...



Ano kaya yung tinutukoy ni Porsha?

________________________________

Oha oha HI READERS SALAMAT SA PAGTITIIS KAHIT NAPAKAPANGIT NG SULATING ITO HAHAHAHAHHAHAHA

Lovelots,
Author

Biyuda DiariesWhere stories live. Discover now