20

126 8 0
                                    


Mina: Sa tingin ko...gusto na kita...gusto mo rin ba ako?

Mina was shocked at her own question. Masyadong straight to the point at nakita niya ang gulat na mukha ng kaharap niya. She can feel her hot cheeks. Nakakahiya!

Chae: Mina...
Mina: A-ano?
Chae: Hindi ko alam kung talaga bang gusto mo ako, you've been seducing me for days. Oo alam ko yun. You change your looks and having unusual habit and actions.
Mina: N-napansin mo yun?
Chae: Of course! Masyado kang halata, pero p-parang hindi ko kaya..
Mina: Ha?
Chae: Hindi kita gusto

Parang huminto ang tibok ng puso niya. "hindi kita gusto" is painful. Hindi niya inaasahang maririnig niya yun.

Chae: Don't bother to change your usual self. 'Wag ka ng magbago. 'wag mo akong gustuhin. Marami pang iba dyan na kaya kang mahalin.
Mina: Chaeyoung...
Chae: Maganda ka't mabait, maraming lalaki ang pipila para lang ligawan ka.
Mina: At hindi ka kasama doon?
Chae: Sorry Mina..
Mina: Why? Sabi mo maganda at mabait ako, pero bakit hindi mo ako gusto?
Chae: I don't think I can love you.
Mina: Okay
Chae: Huh?

Nagulat si Chae nang biglang tumayo si Mina.

Mina: Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. If you don't like me, I can't do anything.

She left Chae dumbfounded. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi tulad ng sa napapanood niya noon na kapag nireject mo ang isang tao, maraming tanong at option ang ibibigay sayo para lamang mahalin lang sila.

Chae: She's a unique one.

Naiinis na umuwi si Mina, hindi niya alam kung paano siya nakauwi gayong hindi naman siya pamilyar sa lugar.

Jihyo: Saan ka galing?
Mina: Dinala ako ng babae kay Chaeyoung tapos nagbigay ng bookmark.
Jihyo: Talaga? Anong nangyari?

Binigay nalang niya ang bookmark sa ate niya, ayaw na nya magsalita.

Jihyo: nagbago na ang aura niya!?
Mina: Oo, nagtagumpay ako!!!! he likes me now! Iba na ang aura niya at pumipitik iyon!
Jihyo: Congrats! E sinabi mo ba na gusto mo siya? May label na ba kayo?
Mina: Yun lang....dinideny niya. Hay kaasar!

Nagpapadyak na nagtungo sya sa kwarto. Kahit alam niyang nagsisinungaling si Chae ay masakit pa rin ang sinabi nito sa kanya.

Oo gusto niya si Chae, pero hindi naman sa mahal na niya...parang crush lang ganun..Hindi nya alam kung paano niya ba papaaminin ang lalaki.

She opened the book and search that color. It's pink and mean 'lovey-dovey'. Pinipigilan nito ang sarili niyang buhay. That 3rd layer is his life and its pretty. Ang karakter at personalidad nalang niya ang hindi pa narireveal.

"I don't think I can love you"

Parang sirang plakang paulit ulit na nagrereplay sa utak niya. Hindi siya makatulog dahil sa sinabi ni Chae. Naiinis siya lalo habang tumatagal, kanina naman ay hindi niya dinamdam, pero ngayon ramdam na ramdam niya ang mga salitang yun, tumatagos sa puso niya.

Mina: Ano bang problema niya? Bakit nasabi niya yun? Bakit niya pinipigilan? Hay kaasar ka talaga Chae!

Naalala niya bigla ang panaginip niya noon. Yung babaeng sumisigaw sa kanya, malamang ay patay na ito, wala naman siyang kaaway. Wala naman siyang inagawan ng boyfriend. Mayroon na siyang naging nobyo, pero wala namang agawang nangyari, hindi siya ang umiligaw sa mga iyon. Hindi rin siya nang aakit.

Wala siyang maisip na kaaway niya. She's a nice and generous person kaya malabong may kaaway siya. Nakatulog siya sa sobrang pagod sa kakaisip ng mga posibleng may galit sa kanya.

Lantang gulay siyang pumasok sa control room, suot niya ang patch niya dahil ayaw niyang makita muna ang aura na iyon. Ano bang sense nun kung hindi rin naman aaminin ng isang yun?

Hindi niya binati si Chae. Naiinis pa siya pero hindi siya susuko na paaminin yun. Kailangan niya muna siguro ng time para makapagpahinga.

She ate alone. Hindi rin naman kasi siyang sinabayan at kinausap ni Chae, parang wala lang sa kanya yung pag aamin niya.

Mina: First time kong umamin sa lalaki tapos marereject pa ako? Wow lang, that's a first.

Hindi mapakali si Chae. Gusto niyang kausapin ang dalaga ngunit nahihiya siya. Pakiramdam niya kasi ay galit sa kanya or dismayado siya. Ayaw niyang kumausap ng galit.

Natapos tuloy ang shift nilang hindi nag iimikan, para silang may LQ. Kung magkatinginan sila'y babawiin rin agad.

Mas naunang lumabas sa control room si Mina, sinigurado niyang wala siyang naiwan na gamit. Baka kasi mamisinterpret na naman siya ni Chae, at para hindi na rin ito maobliga na hanapin siya't ibigay ang gamit na naiwan.

Binabati siya ng mga nadadaanan niya. Closing hours na kasi kaya nag aayos na ang lahat palabas. Nang makarating na siya sa eit, naroon ang guwapong guard na kumakausap sa kanya noon. Nagkatinginan sila, agad siyang nilapitan ng guard at binigyan ng kape.

Mina: Huh?

Napansin niya ang brand ng coffee na iyon.

Mina: I-ikaw ba yung...?

Tumango ang lalaki at ngumiti. Tinanggap niya ang kapeng iyon at nagpasalamat. He offered his hand for a shake.

"Ako nga pala si...."

Bago masabi ng lalaki ang kanyang pangalan, biglang natanggal ang pagkakalagay ng eye patch niya. She tried to catch it but the guard catch it first. Her mouth opened as she saw the guy's aura.

Misty rose, Ivory and Gray...

".....Jeongyeon."

Can You See My Eyes?Where stories live. Discover now