2

222 12 1
                                    


Puno ng pag aalala si Tzuyu sa kanyang kapatid. Nasa hospital sila ngayon, binabantayan niya si Mina. Si Jihyo naman ay inaasikaso ang burol ng kanilang magulang.

Nakuha na rin niya ang insurance at savings ng kanyang mga magulang. Ang bahay naman nila ay naapula na ang apoy, mabuti na lamang ay ang kalahating bahagi lang ang nilamon ng apoy.

Napatayo si Tzuyu nang imulat ni Mina ang kanyang mata.

Tzuyu: Ate Mina! Ayos ka lang ba?

Nakatitig lang sa kanya si Mina na parang nakakita siya ng multo. Napabalikwas siya ng bangon, sakto namang dumating na si Jihyo.

Tzuyu: Ate, gising na siya.
Jihyo: Mina okay ka lang? bakit ganyan ang itsura mo?
Mina:B-bakit ganyan ang itsura niyo? B-bakit may kulay kayo!?
Jihyo: Ano bang sinasabi mo?
Mina: B-bakit....may kulay kayo..
Tzuyu: Ate Mina...

Tinuro ni Mina ang mga balat ng dalawa at nanginginig na hinawakan ito. Napasigaw siya nang makita niya rin ang balat niya. She can see variety of faded colors in their skin.

Mina:A-ano 'to!?

Nataranta ang dalawa nang magwala si Mina. Nililito sila kung ano ang pinagsasasabi ng kapatid nila.

Masakit ang katawan ni Mina, pero hindi niya alam kung bakit buhay at maayos ang pangangatawan niya e ang alam niya ay nasagasaan siya ng truck.

Mina: anong nangyari sa kin? Bakit okay lang ako? Bakit buhay pa ako? Nasagasaan ako diba? kaya ako nandito?
Tzuyu: Ate Mina...hindi ka nasagasaan..
Jihyo: Mina ano bang nangyayari sayo?
Mina: Hindi ako nasagasaan? Bakit ako nandito?
Jihyo: Nahimatay ka sa kalsada. Kaya dinala ka namin dito
Mina: No! Nasagasaan ako! I saw it! Sobrang lapit na sa akin ng truck! Nasilaw ako sa ilaw kaya nagtakip ako ng mukha, then...then I went black..I saw that truck! Kapareho nun ang truck na sumagasa sa kotse natin. I saw it! Sinagasaan niya rin ako!
Tzuyu: Ate Mina kumalma ka. Natatakot na ako sayo
Jihyo: Mina, walang dumadaang truck sa street natin. At kung mayroon man, hindi mag iilaw ang sasakyan dahil tirik pa ang araw. You're just tired.
Mina: No..why am I seeing things?

Nilibot ni Mina ang kanyang paligid. Ang mga tao ay maraming kulay. Para bang aura ng mga tao ang kanyang nakikita. Pinunas-punasan niya ang kanyang mata pero ganun pa rin.

Sinubukan niyang takpan ang kanyang kanang mata, ang nakikita ng left eye nya ay ang normal na nakikita ng mga tao. Sinubukan naman niya sa kabila, ganun na naman. May mga aura na naman siyang nakikita.

She keeps on wiping her right eyes. Pinipigilan siya ng dalawa at tumawag ng doktor. Nang dumating ito, tinurukan siya ng pampakalma.

Jihyo: Doc ano bang nangyayari sa kapatid namin?
Doc: She faints for crying too much.
Jihyo: Pero bakit po nagsasabi niya ng kung ano ano, kaya raw siya narito kasi nasagasaan daw siya.
Doc: Maybe she's having emotional trauma. Don't worry, mawawala rin iyon. I know you're all having a hardtime. I'm sorry for your loss.
Jihyo:Salamat po...

Nang makaalis na ang doctor, tumabi na ang dalawa kay Mina. Nahihiwagaan pa rin sa kung anong sinasabi nito.

Isang oras na ang nakalipas, nagising na muli si Mina. Mas kalmado na ito kumpara kanina. Nang maubos na ang IV fluid niya ay umuwi na sila. Jihyo paid the hospital bills.

Pagkauwi nila, nakaburol na ang kanilang magulang. They started to burst in tears as they saw a bright light in their house.

Nakasuot ng shades si Mina, naweweirduhan pa rin siya sa kanyang nakikita. Hindi niya mapaliwanag ang nangyayari sa kanya.

Lumabas siya sandali, her heart is being torn into pieces. Bumabalik na naman ang ideya sa kanya na siya ang dahilan kung bakit sila namatay.

Inalis niya ang kanyang shades. Tinitigan nito ang kanyang kamay. Sa gilid ng kanyang balat ay may tatlo siyang kulay na nakikita.

Mina: Pink...Cream...Gray... what are these colors? Why am I seeing this?

Tinakpan niya ang left eye niya, nakikita na niya ng malinaw ang mga kulay. It's like an aura.

Hindi niya namalayan na may babae na palang lumapit sa kanya. She's wearing an eye patch, big round earrings, a scarf and a hippie clothes, long permed hair. Nakatitig ito sa kanya.

Lady: Nakikita mo rin ba ang mga kulay sa mga tao?

Napatayo si Mina sa gulat.

Mina: Sino ka!?
Lady: May nakikita ka rin bang kulay?
Mina: N-nakakakita ka rin?
Lady: Oo.
Mina: Ako rin..ano bang nangyayari sa mata ko?
Lady: Sumama ka sa akin. Ipapaliwanag ko ang lahat.

Sasama na sana si Mina pero dumating ang kanyang mga kapatid.

Jihyo: Mina! Sino yang kasama mo?
Mina: Ate, nakikita niya rin ang nakikita ko. She can see aura too!
Jihyo: Mina naman..pare paprehas tayong nilalamon ng lungkot pero wag ka ng magsabi ng kung ano ano dyan.
Mina: No I'm serious! You think I'm freaking talking trash here!? Sasama ako sa babaeng ito, bahala kayo. If you don't believe me, fine.
Tzuyu: Ate Ji, mukhang nagsasabi ng totoo si ate.
Jihyo: Hay, fine, pero sasama rin kami, delikado mag isa Mina.

Sumama nga ang dalawa. Dinala sila sa isang bahay. Bumungad sa kanila ang mga papel na nakadikit sa mga dingding. Iba iba rin ang kulay ng mga papel na ito at may meaning.

Pinaupo sila, mayroong libro doon sa mesa.

Lady: Anong mata mo ang nakakakita ng mga ito?
Mina: Yung kanang mata ko po
Lady: Ganun ba, ako kasi ay ang kaliwa.
Mina: Ano po bang ibig sabihin ng mga ito? At bakit may iba ibang kulay akong nakikita?
Lady: Anong nakikita mo sa sarili mo?

Tumingin naman siya sa balat niya.

Mina: I see pink, cream and gray.
Lady: Bawat kulay ay may kahulugan. Bawat pwesto may ibig sabihin.
Mina: Ano po iyon?
Lady: Ang nakikita natin ay ang karakter at klase ng buhay ng tao. ang unang layer ay ang pag uugali, pangalawa ay karakter at ang panghuli ay ang klase ng buhay ng tao.
Mina: Ano pong ibig sabihin ng akin?
Lady: Ang kulay mo ay misty rose, ivory at gray. Kalmado ang pag uugali mo, elegante ang karakter mo at...ang buhay mo ay hindi matatag. ang pundasyon ng buhay mo ay hindi matatag.

Can You See My Eyes?Where stories live. Discover now