5

159 9 0
                                    


Jihyo: Ipapagawa ko itong bahay. Half of it was swallowed by fire. Guilty ako roon dahil nakalimutan kong may niluluto pala ako.
Tzuyu: Hindi mo naman kasalanan, masyado tayong nataranta noong araw na yun.
Jihyo: Ah basta, ipapagawa ko ito. We should rearrange the furniture. Pamahiin daw iyon, kailangan natin baguhin ang ayos ng mga gamit sa bahay.

Tinawagan ni Jihyo ang mga karpintero na mag aayos ng bahay nila. Si Mina ay abala na sa paggawa ng kanyang resume, si Tzuyu ay pumapasok na ulit. Days, weeks and months passed..buo na ulit ang kanilang bahay. Pag aayos nalang ng loob ng bahay nila nag kailangan. They wore the gloves.

Jihyo: Let's get started?
MiTzu: Let's go!

Nagsimula na silang maglinis. Inuna nila sa kwarto nila. Isang double deck at single bed ang naroon. Magkakasama pa rin sila sa iisang kwarto dahil iyong ang gusto ng papa nila. To get close to each other. Ang kabilang kwarto ay ginawa nalang nilang guest room. Nagtulungan silang buhatin, hilain at itulak ang mga furniture nila sa sala. Dumating na rin ang bago nilang TV set at vanity mirrors.

Ang kusina na dati ay napakaitim at madumi, napinturahan na ng kulay cream. Binago rin nila ang kwesto ng utensils nila. Masayang napaupo sila sa sofa.

Jihyo: This is tiring but worth it..
Mina: Our house is so pretty and wide.
Tzuyu: Yeah, pinaluwagan kasi ni ate.
Jihyo: Syempre, para dito titira ang mga anak at apo natin. I will never leave this place.
Tzuyu: Apo agad hahaha
Mina: Siguradong proud na proud sila sa atin.

Tahimik na napangiti sila. They look so proud just looking at their family picture in the middle. Maraming nakadikit na picture nila.

Tzuyu: Ate Mina, dumating nga pala yung inorder kong eyepatch. It's so cute. May design iyong ballet shoes.
Mina: You ordered? I told you not to.
Tzuyu: Yung suot mo kasi medyo luma na. So I browse online and saw that.
Jihyo: Bakit ba nagsusuot ka ng ganyan?
Mina: I want to see normal. Hindi ko kayang makakita ng ganun. That scare me.
Tzuyu: Nasan nga pala yung note na yun ate?
Mina: Nasa drawer ng vanity mirror ko. Bakit?
Tzuyu: I wanna read it. For fun
Mina: Nandun kunin mo.

Kinuha naman yun ni Tzuyu.

Jihyo: Do you see ours too?
Mina: Yes, lahat ng tao nakikita ko ang aura nila
Jihyo: What do you see in me?
Mina: You look excited
Jihyo: Nah..curious lang
Tzuyu: Ito naaaaaa

Kinuha iyon ni Mina at tumabi sa kanya si Tzuyu, napaggitnaan siya ng dalawa. They flipped it.

Mina: Aura to avoid, aura of wealth, aura of sadness, aura of luck....
Tzuyu: Aura of fate?

Nakita nila ang "Aura of fate" iisa lang ang nakalagay doon.

JiMiTzu: If two people have the same aura, you're DESTINED.

Their eyes widened.

Tzuyu: ATE MINA! You can see people destined for each other!
Jihyo: Bakit ka masaya?
Tzuyu: Naexcite lang ako. She can see people fated to each other, that's cool.
Mina: Kapag may nanligaw sayo, gusto mo bang tingnan ko kung siya ang para sayo?

Nanliwanag naman ang mukha ni Tzuyu sa sinabi ng ate niya.

Jihyo: Nako Tzuyu, baka naman nagpapaligaw ka na
Tzuyu: Hindi ah! Sila ang nagkakagusto sa akin noh.
Mina: Ganda talaga ng lil sis namin!

After teasing each other, nagtanong na ang dalawa sa kanilang aura. Hindi niya alam kung matutulungan siya ng mata niya sa buhay niya. She has unstable life, how can she fix that?

Mina: Ate Jihyo your color.....

Hindi na naituloy ni Mina ang sasabihin dahil tumunog ang phone nya. She excuse herself and answered.

Mina: TALAGA PO!? Salamat po! Opo..bukas na bukas po...salamat po!

Napatalon siya sa tuwa at tumakbo papunta sa dalawa.

Mina: NATANGGAP NA AKO SA TRABAHO!!!
Jihyo: Talaga!? congrats! Ano bang trabaho yun?
Mina: Pager.
JiTzu: WHAT?!

Naghanda na si Mina papunta sa mall malapit sa kanila. Natanggap na siya bilang announcer or pager sa mall.

Tzuyu: Ate, ito nga pala ung patch. Mag iingat ka ha.
Jihyo: Good luck Mina!!!
Mina: Salamat, kinakabahan nga ako e. Sayaw ang linya ko pero naging announcer ako haha
Jihyo:Bagay naman sayo e. You have a soft voice. People will be curious about your face behind that voice.

Ngumiti lang si Mina at isinuot ang eye patch sa kanyang kanang mata. Nagpaalam na siya sa dalawa at sumakay ng tricycle.

Nang makarating siya sa mall, agad siyang pinapasok ng guard. Dumiretso siya sa security system.

Mina: Good morning ma'am! I'm Mina and I'll do my best!
Ma'am:Good morning, so this will be your desk, your computer is connected to the security system.

Marami pang ipinaliwanag sa kanya. Ang mga pipindutin at hindi, ang answering machine na konektado sa SS, at ang makakasama niyang announcer.

Ma'am: Ito nga pala ang opening script. Si Chaeyoung nga pala ang makakasama mong announcer rito, but he told me that he'll be late kaya ikaw muna sa opening. Is that okay?
Mina: Okay na okay po Ma'am.
Ma'am: Okay, that's good. Uhm, Ms. Mina. Pwede mo bang alisin ang patch mo?
Mina: Uhm..is it not allowed ?
Ma'am: Hindi naman pero, I'm uncomfortable with your patch. Is it okay?
Mina: Opo, okay lang po.

Unti unting inalis ni Mina ang kanyang patch at humarap sa manager niya. Nagulat siya nang makita niya ito. She's full of red faded aura. Naalala niya bigla ang sinabi ng babae sa kanya noon.

Lady: You have to be cautious about people who has three red colors.

Bakit kaya kailangan niyang mag ingat sa ganitong tao?

Ma'am: Thank you. Nga pala, Chaeyoung is little weird so be patient. Sana magkasundo kayo. Oh siya mauna na ako.

Nagpaalam na ang ginang at saka naman inayos na niya ang script. Kinakabahan siya pero may halong excitement. Trying something new is both nerve wrecking and over whelming.

After opening hours, they did the daily prayer and other ceremony.

Ma'am: Mina, be ready. Mag oopen na tayo.
Mina: Yes Ma'am.

Naghanda na siya a nag open na ang mall. Sa monitor, nakikita niya ang papasok na tao, she was impressed. Kahit sa footage lang ay nakikita niya ang mga aura ng tao.

She did her opening script, reminders for shoppers and stores with awesome promos. Habang nanonood sa monitor, napakunot ang noo niya sa lalaking naglalakad with weird aura. Nakasuot ito ng black leather jacket, black shirt and black pants and shoes.

Tatlo ang aura ng tao, pero sa lalaki ay ay iisa lang. It's black...

Mina: Bakit iisa lang sa kanya? Why do I feel uneasy about it?

Ilang sandali pa ay may nagbukas ng pinto. She was surprised when he saw that man!

Chaeyoung: Good morning

Hindi siya nito tiningnan at umupo sa pwesto niya. Nakatitig lang si Mina, her heart is crazily beating. Napansin siguro iyon ni Chae kaya tinaasan siya ng kilay.

Chae: So ikaw yung bago? To inform you, ayoko ng may tumititig sa akin.

Napanganga siya sa sinabi nito. He's weird, and cute. His aura is bothering her kaya naman nakatitig siya.

Mina: I'm Mina, nice to meet you...Chaeyoung.

Can You See My Eyes?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon