15

123 8 0
                                    


Chae: Po!?
Ma'am: Yes you heard it right. So pumunta ka na dito at magpakilala ka.

Agad nitong pinatay ang tawag at nagmamadaling magbihis. Mayroon raw silang bagong manager. Napromote raw kasi ang manager nila sa mas mataas na posisyon.

Chae: Parang di ko gusto ang mangyayari ah?

Sumakay na siya sa jeep patungong mall. Hindi naman ganito ang buhay niya dati, simula ng dumating ang bagong pager na iyon, hindi na siya natahimik

Hinihingal na pinihit niya ang door knob.

Chae: Good morn---

Nakita niya agad si Mina na kumakaway at nakangiti sa kanya.

Mina: Hi!

Naguguluhang pumasok siya sa office.

Ma'am: Mabuti at narito ka na
Chae: Si Mina ang bagong manager!?
Ma'am: Hindi ano ka ba! Mas matagal ka pa sa kanya paano mangyayari yun? Maya maya lang raw ay darating na ang bagong manager, hindi ba Mina?
Mina: Yes ma'am.
Chae: Raw? Hindi po kayo sigurado?

Bago pa makasagot ang kanilang manager ay dumating na ang isang sopistikadang babae.

Ma'am: Good morning po Ms..?

"Nayeon... Ms. Nayeon Im"

Nginitian agad ni Mina ang bagong manager nila. Magkakilala sila dahil kaibigan ito ng ate niya.

Chae: Good morning po
Nayeon: Good morning rin..

Nagyakapan ang dalawa. Nagulat naman si Chae, nagtataka bakit sila nag akapan.

Nayeon: I miss you Mina, you grown up so well!
Mina: I miss you too Ate..I mean...manager Nayeon.
Nayeon: Oopss, oo nga pala haha
Ma'am: Thank you Ms. Nayeon. Masaya po akong kayo ang kapalit ko. Please take care of my pagers.
Nayeon: My pleasure. Thank you for your hard work and good luck.

Naguguluhang umalis si Chae kasabay sina Mina at bagong manager. Nagpunta sila sa control room.

Nagkaroon sila ng sandaling pulong. Nagpakilala si Nayeon sa mga kasapi ng security system at sa control room. Gustong itanong ni Chae kung bakit biglaang napromote ang kanilang manager, hindi naman sa nagtataka pero biglaan kasi.

Nayeon: Ah Chaeyoung, nga pala. Your shift will be back to what it's used to be.
Chae: Po!?
Nayeon: Bakit? Ayaw mo?
Chae: Ah e..(pano ba ako makakatanggi?)
Nayeon: You and Mina will be together again as the pagers. Madadagdagan ang trabaho dahil marami tayong sales and new product sa buong mall kaya kailangan niyo magtulungan. Pinaghihigpit rin ang security dahil sa nangyari noon.
Mina: Yes Ma'am
Nayeon: Sige mauuna na ako.

Nagpaalam sila sa kanilang manager at saka umupo sa kanilang mga pwesto. Abot tainga ang ngiti ni Mina, napansin iyon ni Chaeyoung. Hinarap niya ito.

Chae: Did you plan all of this?
Mina: hah?
Chae: Masaya ka yata na bago na ang manager natin at balik na sa dati ang schedule ?
Mina: Masama bang ngumiti? I don't know anything!
Chae: You're such a terrible liar.
Mina: I'm not a liar!

Tinalikuran niya si Mina. Naiinis siya, para bang plano nila lahat ng nangyayari. Napasimangot naman si Mina.

Mina: ( sa isip )ano bang problema sa akin?
Chae: (sa isip) Kailan ba ako tatantanan nito? Ayoko ng masaktan.

They work separately. Salitan sila sa pag aanounce, hindi sila nagsabay sa lunch at snack. Siya na mismo ang lumalayo.

Chae: (bulong)Kung hindi mo ako lalayuan, ako nalang ang lalayo sayo.

Nakatingin lang si Mina kay Chaeyoung. Lumayo ito ng pwesto. Inilipat niya ang mesa at computer nito. Kung dati isang ruler lang ang layo nila sa isa't isa, ngayon dalawang metro na.

Nasa magkaibang side sila. Pinanood niya lang ang lalaki na ilipat ang kanyang mesa sa kabila. Nilibang nalang niya ang sarili sa kakanood sa CCTV footages.

Tinanggal niya ang patch niya, to see people's aura. Ang mga couple na nakikita niya ay parehas ng aura, they are really meant to be with each other.

Naalala na naman niya ang plano na naisip ng ate Jihyo niya.

Jihyo: Ito ang una nating gagawin. Palitan natin ang manager, ibalik ang schedule niyo, try to seduce him.
Mina: WHAT!?
Tzuyu: Hahhaa I can't imagine! Di bagay ni ate Mina!
Mina: Bakit naman kailangan pang akitin yun?
Jihyo: Clung into him diba? Kailangan malapit lang kayo sa isa't isa. To make sure of it, try to make him fall in love with you. Baka sakali.
Mina: Hala di ko alam yun 😭 Hindi ko alam mang akit!
Tzuyu: May kilala ako! Maharot yun e, si Sana magaling mangseduce yun.
Jihyo: Paano mo nasabi? Naakit ka ba?
Tzuyu: H-Hindi ah! Babae rin yun no!
Mina: so kailangan ko pang mag aral paano mang akit? Is that making any sense!?
Jihyo: May naiisip ka pa bang paraan?
Mina: Argh! Wala na
Jihyo: Yun na muna for now. Papayagan naman kitang mag boyfriend e, basta si Chae lang.
Mina: ate naman e
Jihyo: Basta, gumawa ka ng paraan para mapalapit siya sayo. That's your job for you to keep breathing.
~
Napasabunot siya sa sarili. Hindi niya alam anong gagawin niya!

Mina: Ano bang gagawin ko? Paano ko ba siya aakitin??
Chae: Sinong aakitin mo?
Mina: Chae!

Napatayo siya sa gulat at nagkauntugan sila.

Chae: Ano ba!? Ang sakit!
Mina: Nanggugulat ka kasi!
Chae: Napadaan lang ako nang narinig ko yun!
Mina: Bakit ka ba nakikinig!
Chae: Bat kasi nagsasalita ka mag isa!?
Mina: Bakit mo ako sinisigawan!?
Chae: Nauna ka kasi!

Sinamaan niya ito ng tingin bago bumalik sa pagkakaupo. Pati si Chae ay nagpunta na sa pwesto niya.

Mina: This is crazy! Seducing him is a problem. Hindi kami magkakasundo.

Can You See My Eyes?Where stories live. Discover now