38

2.6K 84 1
                                    

Ask for the moon 38

"Let's stop," paos niyang sabi ng tumigil sa halik.

Kinagat ko ang labi, Pinaypayan ko pa ang sarili gamit ang kanang kamay because I felt the sudden temperature around. Para bang nag-aapoy na ang paligid sa sobrang init.

Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya napabaling ako sa kaniya. Tulad ng kinahiligan niya ay pinadausdos ang daliri sa kaniyang buhok siguro mannerism na niya 'tong  ginagawa niya. Hindi ko pa rin mapigilan na hindi mamangha sa itsura niya! 

In the way, his finger-combed into his hair was not frustrating to glance of. Sa bawat pagdausdos ng daliri niya sa buhok ay ang pagbuhos ng kawertehan sa'kin.

His jaw clencled and licked his lower lips. Nakaiwas pa rin ang titig niya sa'kin na para bang iniiwasan muna ako.

Bakit ba ang gwapo niya pa rin kahit namamawis ang noo?! Pero bakit siya pinagpapawisan?!

"Dito ba ako matutulog o ihahatid mo ako pauwi sa bahay? Gabi na rin kasi dito na lang din kaya ako matulog? Ayos lang ba?" paalam ko. 

Tumayo ako palapit sa kwarto niya at pinihit ang pinto para makita ang kabuuan.

May sumampal sa'kin na mabangong amoy dahilan ng pagpikit ko. Ang bango! Na para bang pinapamukha sa'kin na ang swerte-swerte ko.

"Ang bango!" Papuri ko.

Bumaling ako sa likuran ko, Cyrus is now stroking his temple, look problematic. Nakatalikod siya habang palakad-lakad. Nag-iisip ba siya ng paraan para hindi ako makatulog dito?

Ayaw niya bang nandito ako?

I raised my brows "Kung ayaw mo naman pwede mo sabihin, Cyrus," bigong sabi ko.

Gulat siyang bumaling sa'kin at umiling-iling, Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na senyales na wala siyang sinasabi o kaya'y ginagawang masama.

"N-no, It's fine," Umiwas siya ng tingin. "Idadaan ko na lang 'to sa ligo," I heard him muttered cussing.

Kinunutan ko siya ng noo bago umirap. Humakbang naman agad siya palapit sa'kin. Pati sa paglalakad niya ang lakas pa rin ng dating!  

I crossed my arm over my chest "Ayos lang ba talaga?" Ulit ko.

He sighed "Kahit panghabang buhay ka pa tumira dito walang problema," he softly said.

Tumango-tango ako "Matutulog na'ko," paalam ko at walang pag-aalinlangan na tumalikod at pumasok sa loob ng kwarto.

Siguro kung ikukumpara ang laki nito ay doble na ng kwarto ko sa bahay! Pinalibot ko ang paningin, Kulay puti ang theme kaya nagmumukhang malinis talaga.

"Maliligo muna ako," paalam niya. "Kung may gusto ka feel free to use my things," he said.

Tumango-tango ako, Humiga na ako sa kama.

Agad kong pinikit ang mata ko dahil sa biglaang pagkatamlay.

"Ligo na'ko," paalam niya.

I nodded "Okay," simpleng sagot ko.

Nginitian niya ako bago isara ang pinto. Pinagmasdam ko pa muli ang pintuan kung babalik ba ulit siya. Bumalikwas ako ng pagkakaupo ng maramdaman na hindi na siya papasok pa. Kinagat ko ang labi at hinawakan.

His kiss! He kissed me! We kissed!

Naramdaman ko na naman ang init kanina kaya napahilamos ako sa mukha at sinabunutan ang sarili. Awtomatiko ko naman nahampas ang hita ko dahil sa hindi malaman na dahilan.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now